Chapter 15 >>>> BITCH. SHRIMP. WITCH. LEECH

58.3K 1.1K 116
                                    

MJ's POV

Hindi ako makatulog, nakayakap sa likod ko si Andrea at hindi ko gusto tong nararamdaman ko. Dahan-dahan kong inalis yung pagkakayakap sakin ni Andrea tapos tumayo ako, dumiretso ako ng banyo para makapag'cold shower ng maalis-alis naman tong init ng katawan ko. Pagkatapos kong maligo dun na lang ako sa kwarto ni Andrea natulog.

 Maaga nanaman akong nagising at syempre start nanaman ako sa daily routine ko, Pagkatapos magjogging magluluto sana ako ng agahan namin ni Andrea pero nakaluto na pala siya. Buti maaga nagising yun?

"Oh, andyan ka na pala lika na kain na tayo" Aya niya sakin mag-agahan. 

"Aga mo ata?" Tanong ko

"Nagising kasi ako sa lamig" Sabi naman niya. Dumiretso naman ako sa ref para kumuha ng fresh milk tapos kinuha ko na din yung butter at nilagay iyon sa lamesa

"Psh, masyado ka kasing nasanay sa init ng katawan ko" Biro ko tapos umupo na ako. 

"Ang manyak mo talagang bakla" Sabi niya lang tapos umupo na din siya at nagsimula na kaming kumain. Sarap na sarap ako sa pagkain hanggang sa narinig kong nagring yung phone ko, kinuha ko mula sa bulsa yung phone tapos tinignan kung sino ang caller, open number pero local call lang.

"Bat di mo sagutin? Si Lance ba yan? Sus namiss ka na agad ng jowa mo?" Pang-aasar sakin ni Andrea, hindi ko naman sinagot yung tawag sa halip sinilent ko lang yung phone ko, pagkasilent mode ko eh natigil na din yung tawag and I received a text message from the same unregistered number. 

From: 092750*****

Hi babe! Can't wait to see you. Loveyou :*

"Damn!" Bulong ko sa sarili ko matapos basahin yung message kilala ko na kung sino yun. At sino pa ba? kundi si Jessica 

Seducing My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now