Part 57

33.5K 735 11
                                        

CHAPTER 57

Pagkatapos ng isang linggong pahinga sa hospital ni Klitz, umuwi na kami sa bahay nila. Kahit medyo awkward man kasi hindi parin kami close na dalawa, minsan nya lang ako kinakausap noong nasa hospital pa sya.

Naging parang bagong kaibigan sya sa mga anak nya dahil nasa Get-To-Know each other stage pa sila.

Buong araw silang nagkwentuhan at naglaro. Kahit medyo maingat pa sya sa mga galaw nya kitang-kita ang pagiging sweet nya sa mga ito. Pero ang nakakatawa lang, sa tuwing magtama ang mga mata namin, nahihiya sya sa akin. Iniiwasan nya akong kausapin. Ramdam ko na nahihiya pa sya sa akin.

"Dad, can we sleep with you tonight?" tanong ni Sitti sa kanya. Nasa balcony silang tatlo at nakaupo sa swing bench at nagkukwentuhan habnag ako naman ay inihahanda ang meryenda nilang tatlo.

"sure, why not?" dinig kong sabi nya.

"can you tell Mom?" masayang tinig ni Sitti.

Kagat labi nyang tinitigan si Sitti na nakahiga sa kandungan nya. Umangat sya ng titig sa akin. Inaabangan ko ang isasagot nya. Nakatayo ako sa harap ng mesa at nakapameywang.

Napaangat sya ng titig sa akin, at nagtaas ako ng kilay sa kanya. Matagal syang napatitig at nakaawang lang ang bibig nya.

"tsk!" umiling sya at ngumiti kay Sitti, "maybe next time baby!"

Lihim akong natawa, kaya naman pumasok ako ng bahay para hindi nya marinig ang kantyaw ko sa kanya.

Sa loob nang tatlong araw na nakalipas na nakauwi na si Klitz, mag-isa syang natutulog sa kwarto nya habang kaming tatlo naman ay nasa guest room. Ayaw kong pwersahin sya sa responsibilidad nya sa aming tatlo, gusto ko na kung maaari magsimula nalang kami ulit.

Naghahanda ako ng tanghalian naming apat, nasa office si Dad at si Kean. Si Mom naman sinamahan ni Karla na bumisita sa mga kaibigan.

Niluto ko ang paborito nyang adobo. Nasa phone ko ang mga mata ko nang maabutan ko syang nakatitig sa akin, parang pinagmamasdan nya ako sa mga kilos ko. Nakatayo sya sa gilid ng pintuan habang at hinihintay si Sitti na makalabas sa public CR namin.

Nilapag ko ang phone ko at sinilip ang niluluto ko nang biglang tumunog ang phone ko. Excited ko itong diinampot at binasang nakangiti. Dinig ko ang malakas nyang "TSK!" habnag naglalakad palabas kasabay ni Sitti.

Nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi ko. Para akong kinikilig. Sa lahat ng gusto ko ay yung pinagseselos ko si Klitz, tumitingkad kasi ang kagwapuhan nito.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto ko nang tumunog ulit ang phone ko. Sumandal ako sa kitchen counter at binasa ang text ng katextmate kong si Mika. Kinukwento ko kasi ang mga reaksyon ni Klitz kaya napapahaba ng mga palitan namin ng mensahe.

Nagulat ako nang tumunog ang gripo sa sa tabi ko. Si Klitz nakatayo na sa tabi ko, naghuhugas ng kamay habnag madiin akong tinititigan. Ito yung mukhang namimiss ko!

"hey, are you hungry?" tanong ko at nilapag ang phone ko sa counter.

"my tummy can still wait until your done with your textmate!" may diin ang pagkasabi nya. Parang may tunog na nagseselos.

Ngumiti ako sa kanya, at naglabas ng plato at naghanda na. Nanatili syang nakahalukipkip ang mga braso nya at umiigting ang panga nya habang nakasandal sa counter.

"im just wondering if i did allow you before to entertain textmates?" mahinang tanong nya. Napatigil ako sa paglalagay ng plato sa mesa. Napangiti ako at tumango.

"really?" napatayo sya ng tuwid. "i did?" nangunot ang noo nya.

"yup, but there are only two boys who are allowed and permitted to text me anytime" nagsmirk ako na kina nganga nya. Ayyyyy! Gusto ko ang ganito. Yung tipong lulukuhin ko sya habang wala pa syang naalala. Hahahahah.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now