Sa totoo lang, mahal ko ang Intramuros. Tuwing nagpupunta ako duon, ibang saya ang nararamdaman ko sa paglalakad ng pauli-ulit sa lugar na iyon. Never ako pumatol sa mga overpriced pedicab tour kasi mas gusto ko na-e-explore yung lugar habang naglalakad (pero ang totoo kuripot din ako) at every year akong pumupunta ever since college.

Manghang-mangha si Goyong sa mga pagbabagong kanyang mga nakita. Bakas na bakas din sa mukha niya ang matinding nostalgia pati din sa boses niya habang nagkkwento ng buhay-kolehiyo niya sa Ateneo.

"Ang Ateneo'y nasaan?"

"Nasa Quezon City, nalipat na siya eh. Pati ang Universidad de Santo Tomas ay wala na rin dito."

Kapag nasa Intramuros ako, minsan ay kinikilabutan ako pag naiisip ko ang mga nangyare sa lugar na ito-- ang mga bayani na nagsisipasok sa mga unibersidad, ang Battle of Manila, ang napakaraming mga namatay rito at kung anu-ano pa. Pero ngayon, kinikilabutan ako dahil nasa tabi ko ang estudyante ng Ateneong dating nakatayo rito sa Intramuros. Na-imagine ko siya bilang isang normal na taong papasok sa school at pag-uwi ay kasama ang kaibigang maglalakad patungo sa Tondo kung saan siya nakatira ng mga panahon na iyon. Ang buhok niya araw-araw ay paniguradong naka-ayos at ang uniform ay malinis tignan. Bigla kong naisip, sana naging magkaklase kami! Paano kung nuong college days ay biglang dumating si Heneral sa buhay ko?

1. Dahil B.S. Math ako at PhD sa Math (Bobo sa Math at Parating Hirap ng Dahil sa Math), baka natulungan niya ako sa arithmetic at algebra.

2. Marunong pa siyang mag-Spanish, so siguro pagnagkataon, na-practice ko yun maigi dati at di na ko bumagsak sa exam.

3. Papatirahin ko siya ng libre. Ang kapalit ay gagawin niya yung homeworks ko!

(Kinailangan ko na itigil ang exciting na wishful thinking na ito dahil ang user ng dating.)

Sinubukan kong i-summarize sa kanya ang mga nangyari sa lugar na ito, pero dahil hindi naman ako magaling sa ganito, pakiramdam ko napakarami kong na-skip-an na kwento sa pagbabago ng Intramuros. Gusto ko siyang dalin sa Intramuros Admin para may makausap man lang na baka kayang sabihin sa kanya lahat, kaso parang imposible namang mang-istorbo sa mismong oras na yun. Nag-give up ako pero mukang ok lang naman sa kanya at hindi raw big deal (kahit ramdam ko ang interes niya rito).

---

Pagpasok sa gift shop, tinignan namin ang display ng samu't saring Philippine-made na mga gamit, mula sa mga pamaypay, ethnic cloth products, native instruments, etc. Pinakita ko kay Goyong ang pinpropose kong iregalo niya kay Dolly-- ang sikat na "Barrel Man". Medyo convincing ako nuong una, kaso ng accidentally na-iangat niya ang barrel, napa-"Panginoon Diyos!" siya at natawa.

"Pilya ka talagang binibini!" At napa-iling na lang siya.

Sayang. Exciting sana kung natuloy na yun ang iniregalo niya. Tsk.

Kinuha ni Goyong ang isang pamaypay na may swirly design, flowers at ibon. Ito na sana ang reregalo niya kay Dolly pero naisip niya na isang native bracelet nalang ang bilhin. Baka na-feel niya na hindi gagana ang pamaypay sa pagpapapogi niya. Kinuha ko ang pamaypay at nilagay sa kanang kamay ko, binuksan at tinakip sa kalahati ng aking mukha bago ko binagalan ang pagpaypay.

"Ipinahihiwatig mo ba na ika'y maaring magka-nobyo, nais mong sundan ka ng lalakeng may gusto sa iyo, pagkatapos ikaw ay walang nararamdaman para sa kanya?"

"Wow! Ngayon ko lang na-testing ang 'fan language'! Wala siguro ni isang lalake sa modernong panahon ang makakabasa ng ginawa ko!"

"Paano mo ito nalaman?"

"Dahil ako si Poleng." At natawa siya dahil na-gets niya siguro yung fan joke ko.

"Ika'y maraming nalalaman patungkol sa nakaraan-- hindi kaya ikaw rin ay galing din duon na kasama ako?"

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now