Sudden Decision

7 1 0
                                    

Matuling lumipas ang oras. Mamaya ay babalik na sa Maynila sina Matt.

Ok na rin siguro yun. Kesa naman makita ko sila araw-araw, mas masaklap yun.

Nalaman ko na live in pala sila sa bahay ni Matt pero halos wala rin naman daw yung babae sa bahay kasi Flight Stewardess ito. Ngayon nga lang ulit nakapagbakasyon dahil walang lipad.

Mas matanda rin kay Matt yung babae. Mga 3 years ata.

At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon matawag tawag sa pangalan nya.

Oo, ako na bitter.

"Margo, hija, pwede ba kitang makausap?" Tawag sa akin ni Uncle Pat habang nagsasaing ako sa labas. Meron kasing pinaka-dirty kitchen dito na halod lahat ng kailangan ay mahahanap mo. De uling nga lang ngunit sanay naman na kami.

"Ano po yun, Uncle?" Umupo kami sa kubo sa gilid.

"Hindi ba't OJT mo na sa susunod na pasukan? Baka kako gusto mong sa Maynila na maghanap ng mapapasukan? Naimungkahi ko na ito kay Bea at Saul, sabi naman nila ay ayos lang pero sa iyo pa rin manggagaling ang desisyon. Ngayon, hija, gusto kong pag-isipan mong mabuti ang suhestyon ko. Alam kong matagal mo nang gustong makapunta sa Maynila. Hanggang next week para maihabol ka namin sa enrolment." Nginitian nya ako bago umalis.

Siguro nga dapat ay pagtuunan ko nalang ng pansin ang career ko.

Tsaka gusto ko talagang pumunta sa Maynila dati pa. Yun nga lang ang rason ko kasi ay si Matt.

Tama! Kelangan ko na syang kalimutan. At maaaring sa pagpunta ko doon sa Maynila ay makahanap ako ng pagkakaabalahan para maka-move on ako sa kanya.

Marami ring magagandang company na pwede kong pag-apply-an.

Hindi lang dapat kay Matt umiikot ang mundo ko. There's life beyond our sight that needed exploration. At yun ang gagawin ko.

Pumasok ako sa kabahayan para lamang magulat sa aking nasaksihan.

Madaling halikan lamang ang naganap ngunit parang bangungungot itong susunod sa akin hanggang sa panginip.

Sina Matt at yung babae. Naghalikan. Sa salas pa. Maari namang sa kwarto nalang. But on the other hand, ok na yung dito kesa naman dun baka magmilagro lang sila.

Napatingin sakin yung dalawa. Si Matt na nagulat at yung babaeng nakataas ang kilay.

"Ah, eh, pupuntahan ko lang si Uncle sa taas." Kailangan kong baliwalain ang nakita ko.

"Uncle..." katok ko pagpanhik sa ikatlong palapag kung saan matatagpuan ang kwarto nila ni Auntie.

"Oh, nagdesisyon ka na agad? Sabi sayo pag isipan mo muna eh." Tatawa-tawang saad nya.

"Abay ito bay tungkol dun sa pagma-Maynila ni Margo? Naku, hija, mas mabuti pa ngang habang maaga ka'y magdesisyon ka na. Para makapamili na tayo na gamit mo."

Sila kasi ang nagpapaaral sa aming magkakapatid. Nakakatuwang isipin na kahit anong nangyayari ay hindi sila nawawala sa tabi ko.

"Gusto ko po sa Maynila. Alam nyo naman pong pangarap ko iyon kaya po hindi ko sasayangin ang pagkakataon na makapunta at ituloy doon ang pag-aaral ko." Dere derecho kong sabi nang walang hingahan.

This is it. It's now or never.

His Baby and MeWhere stories live. Discover now