M&M

7 1 0
                                    

Nandito ako sa dulong pew ng simbahan.

Lumuluha.

Alam kong kailangan kong ihanda pa ang sarili ko sa maaaring mangyari lalo na't higit pa sa isang linggo ang pamamalagi dito nina Matt.

Tatlong araw na ang lumipas mula nang dumating sila at wala na akong ibang ginawa kundi magkulong lang sa bahay. Nakatanaw mula sa aming munting bintana at pinapagmasdan ang masasayang kaganapan sa pagitan nina Matt, Shaine, at ng anak nila.

Kanina nga lang ay pumunta sila sa beach resort dahil gusto raw magswimming ng babae. Inaaya pa nga ako ngunit hindi ko naman kayang makipag-plastikan sa kanila. Higit kay Matt.

Hindi ko na rin nakausap pa si Matt ng sarilinan mula ng huling tagpo kung saan nya sinabi anh katagang 'I'm sorry'.

"I knew that you would come here." Nakarinig ako ng baritonong boses sa aking likuran. Alam ko kung kanino ang boses na iyon.

Paglingon ko. Hindi nga ako nagkamali ng hula.

"Matt..." Pinunasan ko ang aking pisngi dahil alm kong hilam na ito ng luha.

"Margo, please let me talk to you. Wag mo naman akong iwasan."

Tiningnan ko lang sya at maya maya'y inaya syang maupo.

"Alam mo bang paborito ko itong upuan sa lahat ng mauupuan sa simbahan?" Pasimula ko.

"Margo naman..." Ngunit hindi ko sya pinakinggan.

"Dati rati, ayaw kong may ibang uupo dito bukod sa ating dalawa pero siguro kelangan ko nang isipin na may iba ring taong mas nangangailangang maupo rito. Hindi ko akalain na darating sa puntong bibitawan ko ito. Sabi sayo walang forever eh." Nginitian ko sya kahit pa may namumuong luha nanaman sa aking mga mata.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko bigla. "Alam mong ayoko sa mga plastik kaya sa ngayon palang sinasabi ko na sa iyo, Matt, hindi ko kayang makaharap ang girlfriend mo. Siguro next time nalang, kapag nakapag-move on na ako sayo."

"Margo, you'll still have space in my heart. Alam mo yon pero I have to stay with Shaine. Para sa anak namin."

"I know, I know. Kaya nga umiiwas na ako diba? Hindi ako masokista, Matt. Let me be."

Iniwan ko na sya sa simbahan. Habang naglalakad ako papalabas ay sinariwa ko ang dahilan kung bakit ko gustong gusto ang upuang iyon.





"Margo, gusto mo dibang maging princess?" Tanong sa akin ni Matt. Napaaga kami sa simbahan kaya hindi pa nagsisimula ang misa. Kakaunti palang rin ang mga tao kaya naman ay malaya kaming nakakaupo sa kung saan namin gusto.

"Oo naman. Gusto ko yung mga dress nila tsaka yung crown. Bagay kaya sakin yon." Hagikgik ko pa. Hinila nya akong sa sa last pew ng simbahan at naupo. Galing kaming labas at bumili kami ng makakain.

"Ako rin, gusto rin kitang gawing princess." Nagulat naman ako.

"Bakla ka, Matt?? Isusumbong kita kala Auntie." Sumimangot naman ang mukha nya. Mas naguluhan tuloy ako.

"Hindi ako bakla. Crush nga kita eh. Tsaka paglaki natin, gagawin kitang princess. Parang katulad lang dun sa pinanuod natin sa tv. Yung Cinderella." Sabi nya. Halos lumuwa naman ang mata ko.

"Crush mo ako? Wag mo ako jino-joke. Isusumbong talaga kita kay Auntie." Pero sa totoo lang ay natutuwa ako. Syempre mula kinder hanggang ngayong grade six na kami, sya lang naman ang lalaking nakakonekta sa salitang crush para sa kin.

"Totoo nga. Ayaw mo maniwala. Sasabihin ko kina Mommy na paglaki natin, tayo dapat ang ikasal. Promise. Ikaw? Crush mo ba ako?" Tumango naman ako kasi nahihiya ako.

"Promise mo yan ah. Tayong dalawa lang dapat ang crush ng isat isa." Tapos kinuha nya yung stick ng pinagkainan naming hotdog at iniukit ang initial namin sa pagitan ng inuupan naming dalawa.

M&M sa loob ng heart.

"Parang chocolate lang." Hagikgik ko pa.

"Syempre para sweet. Halika sabihan natin sila Mommy tsaka Auntie Bea."

Sinabi nga namin ang napag usapan namin sa kanila. Nagkatinginan lang sila at sabay sabay tumawa.




"Kuya, isa nga po." Bumili ako ng cotton candy sa labas ng simbahan.

Dito kasi sa amin, plaza agad pagkalabas ng simbahan tsaka tiangge at palengke sa gilid. Napatingin ako sa paligid ko habang nilulusaw ang cotton candy sa bibig ko. Bakit sila, mukhang masaya naman? Bakit ako, iisa na nga lang ang gusto ko, hindi pa pwede?

Hay, ang saklap ng life.

Ang akala ko yung Romeo and Juliet na ang greatest tragedy, meron pa palang mas unfortunate sa kanila.

"Margo!" Si Leo. Ka-blockmate ko nung huling sem. Sa may palengke ang bahay nila.

"Hi!" Bati ko naman. Sem break kasi kaya hindi rin kami madalas na magkita. Isa sya sa mga matatawag kong kaibigan sa paaralan.

"Si Matt pala dumating na. Balita sa amin may asawa na daw sya tsaka anak? Totoo ba yon, Margo?" Tumango tango ako.

"Wow. Akala ko pa naman ay ikaw ang girlfriend nun. Haha. Edi pwede ka nang ligawan?" Napakunot naman ang noo ko.

Sa totoo lang, marami nang nagtatangkang manligaw sa akin ngunit sinasabi ko palagi na may nobyo na ako. Si Matt nga. Kaso wala eh.

"Ikaw naman. Joke lang. Ang totoo nga nyan ay si Berna ang type ko. Kaso lang natotorpe ako. Tulungan mo naman ako. Haha!" Nawiwirduhan na ako sa kanya ah. Akala ko si Cheska ang crush nito.

"Ewan ko sayo. Ito piso, maghanap ka ng kausap mo."

Nakakaasar naman. Nageemo ako dito eh.

Naglakad-lakad nalang ako hanggang sa mapagod ako.

His Baby and Meजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें