CHAPTER 4.1: Blind date

554 30 25
                                    

Holding on to what I haven’t got..

HAY!

Walang magawa… Katamad !!!! Tiningnan ko yung cellphone ko at baka nagtext siya o tumawag kaya lang wala.

Baka busy sila

Tagal na din kasing hindi nagpaparamdam sakin si Angela. Namimiss ko na siya T.T Hay nako! Kailangan ko na talagang tumigil. Magbabasa na nga lang ako =___=

Nagbasa basa ako ng kung anu-ano pero KABORING TALAGA !!! Namimiss ko na kakulitan ni Angela :(

Ano ka ba naman Ryu? Masaya na siya kay Niko! Kailan pa ba ko magpapakaemo dito? -_-

 Natigil ang mga iniisip ko ng biglang tumunog ang Cellphone ko

Cause it's you and me and all of the people ~

With nothing to do, nothing to prove ~

Favorite ni Angela tong kantang to kaya ginawa kong ringtone :) lahat nalang konektado sa kanya noh? Nababaliw na talaga siguro ako >.<

And it's you and me and all of the people ~

And I don't know why I can't keep my eyes off of you~

Sinagot ko na baka babaan pa ko ng tumatawag. Si Niko pala yung tumatawag

‘’Oh pre-‘’ Hindi niya na pinatapos sinasabi ko ng marinig kong…

‘’Pre tulungan mo ko.. si A-Angela-‘’ nanginginig niyang sabi

‘’ ANONG NANGYARI KAY ANGELA?’’ napatayo ako sa kinauupuan ko. Tumawag sakin si Niko at yun na nga…

‘’Basta pre, punta ka nalang dito at sasabihin ko’’ binababa niya na at tinext sakin kung saan ako pupunta

Nagmadali akong sumakay sa motor ko. Papunta na ko Angela…

‘’HOI’’

‘’GAG*’’

‘’MUNTIK MO NA KAMI MABANGGA’’

‘’WALANG MODO’’

Yan ang naririnig kong mga sigaw ng tao habang nagmamaneho ako pero hindi ko pinansin dahil kailangan ko ng mapuntahan si Angela

Pumasok na ko sa Café na sinabi sakin ni Niko. Ewan ko ba kung bakit hindi niya pa sabihin sakin kung ano nangyari kay Angela at kailangan dito pa kami mag-usap. Baka kung ano ng nangyari kay Angela. TAKTE! Hindi na ko mapakali…

Hinanap ko agad si Niko at nakita ko siya nakaupo dun sa dulo kasama ang isang babae at si *dug**dug**dug*

Dali dali akong pumunta sa inuupuan nila at hinila ko siya patayo at niyakap…

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Alam ko nagulat sila sa ginawa ko at kahit naman ako nagulat sa ginawa ko.

‘’R-ryu!’’

‘’Hindi mo alam kung paano mo ko pinagalala Angela’’ niyakap ko pa siya ng mahigpit Thanks god She’s ok

‘’S-sorry Ryu. Ok lang naman ako’’ tinulak niya ko palayo Ouch >.<

‘’Sorry Angela. Nabigla lang ako, akala ko kasi kong anong nangyari sayo’’ Nilapitan ko siya pero lumayo lang siya >.< parang nahulog ang puso ko nung ginawa niya yun. Ang sakit T.T

Love truly HURTS by RyuKi [ SHORT STORY ] * COMPLETED *Where stories live. Discover now