"Pau, hindi! Okay lang ako, promise." Nagsisi ako bakit ko pa kinwento yung tungkol kay Francis.

"Wala ng hindi-hindi. Minsan ka na lang makabawi sa gagong 'yon! Maganda nang sa ganyang paraan! Kesa mag-hire pa tayo ng bf-kuno mo para pagselosin siya! Unless gusto mo kong magpanggap bilang boyfriend? Libre lang, pwede naman."

Wow, Lawrence. wow lang.

Pinalo ni Pau ang palabirong si Lawrence na para bang may pagseselos na naramdaman.

"Asan ba si Greg?"

"Kasama ni Dolly," sagot ko kay Lawrence.

"Aba, mukhang parati na lang sila nagd-date ha! Ano kayang ginagawa nila ngayon?"

Binuhos ko ang soju sa shot-glass. Sa tanong ni Lawrence, bumalik sa isip ko yung sinabi ni Dolly. Hindi nga pala sinagot ni Goyong ang tanong ko.

TAMA NA UTANG NA LOOB, ANG DALISAY KONG ISIPAN AY TANTANAN NA. DIYOS KO.

"Huyyy! Miho! Tumatapon!"

Bumalik ako sa realidad at nakitang nangalahati ang bote ng soju dahil sa dami ng natapon ko. Uuwi ata akong amoy soju dahil nabasa na rin pala ang damit ko ng 'di ko man lang napansin.

---

Sumunod na araw, bumisita si Pau sa apartment at sa laking gulat ko ay may dalang mga paper bags. Sineryoso niya yung sinabi niyang magpaganda raw ako. Binilhan ako ng damit at high-heeled shoes! Dali-dali naman isinilip ni Goyong ang mga bigay ni Pau.

"Binibini, anong nagaganap? Ang nauna'y si Dolores at ngayon naman ay si Paulo? Mukhang hindi mo na kailangang mamili pa ng mga bagong damit," sabi ng nakatawang Heneral.

"Di ko din alam eh. Aminin niyo nga, sobrang nakakaawa na ba ang itsura ko kaya magkakasunod na donasyon ang natatanggap ko?"

"Goyong, yung kay Dolly iba 'yon. Yung sa'kin, ibang proyekto ito 'no! Kailangan magmukhang babae itong si Miho minsan bilang paghihiganti kay Tisoy."

"Para sa Ginoong iyon?" Parang nag-iba ang timpla ng boses ni Goyong.

"Hindi 'yan ang korni kong ideya, Heneral! Wala akong kinalaman dyan!" Ang pagtatanggol ko sa aking sarili. "Pau naman kasi, bat ka naman umeffort no! Thank you pero kasi naman--"

"Wala ng kasi-kasi-- imbis na mag-sorry ipangako mo na lang na gamitin mo 'to sa next na class mo, okay? Experiment 'to, dali!"

At ngayon naman, experiment?

"Pero--"

"Sige ka, sayang 'yong binili ko."

Punyetang guilt-trip forever!

"Binibini, sa aking palagay ay maganda rin ang mga damit na ibinili sayo. Ngunit Paulo, hindi ba ito masyadong maikli?"

Napataas ang kilay niya habang tinitingnan pa rin 'yong damit.

"Ano ka ba Goyong, nakita mo na ngang nagkalat ang mga naka-ganyan! Wala na 'yan sa panahon ngayon 'no!"

"Nag-aalala lamang ako na baka siya'y mabastos kung papasok sa eskwelahan ng suot ang maikling palda na ito." At napaka-ganda ng concern niya.

"OMG Goyong! Ang sweet mo. Shet, sana Papa na lang kita. 'Pag ganun, sasabihin ko, oo forever na akong magsusuot ng mahabang palda para sa'yo!" Pinalo ni Pau si Goyong sa balikat habang kinikilig. "Pero sayang 'to, kaya okay na muna na one time, ha?"

"Kung ano ang pasya ng binibini." At hinawakan niya ang batok ko. "Mag-iingat ka lamang."

---

Isang Thursday afternoon matapos ang shift ko sa coffee shop, naghanda na akong pumasok sa klase. As promised kay Pau (kahit masama ang loob ko sa maganda niyang intensyon), sinuot ko ang binili niyang damit at inayusan niya ako saglit.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now