Chapter 20

5K 73 3
                                    

Stephen’s POV

Pagka-akyat ko sa kwarto ko, agad akong humiga sa kama ko. Nanginginig ako, ang lamig ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko yung mga buto ko parang ang lambot. Ang hirap gumalaw.

Nakahiga ako at nakabalot ng comforter, biglang nag ring yung phone ko. Dahan dahan kong inabot sa may lamesa sa tabi ng kama ko.

Number lang nakalagay, di ko na sana sasagutin eh kaso baka kakilala ko.

“Hello teptep!!!” bungad ng isang lalaking pamilyar ang boses

“Si-sino to-oh?”

“Si Patricio! Loko ka ah di mo alam number ko?!”

Sa Patricio pala, hindi ako umimik, ansama ng pakiramdam ko.

“Hoy magsalita ka nga! Anong problema mo bat ganyan boses mo?”

“Sensya na-ah, nilalagnat kasi ako”

 “Sige uminom ka ng gamot ah!!!!”

Bigla niyang binaba. Pagkababa niya saktong kumatok si mama si pintuan

“Bumangon ka muna at inumin mo tong gamot”

Bumangon ako, ininum ko yung gamot na binigay ni mama. Pagkatapos kong uminom ng gamot pinunasan ako ng malamig na bimpo ni mama at nilagyan ako sa ulo ng Cool Fever

Chineck din ni mama kung ilan yung body temperature ko.

“Tsk tsk, 39.2 degrees! Ang taas oh! Sabi kasi magbanlaw eh patulog tulog pa! iwanan na muna kita, mamayang medaling araw gigisingin kita para ma check temperature mo at iinom ka ulit ng gamot.” sabi ni mama, ang taas ng lagnat ko

“Sige mama, thank you”

Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko, kailangan pagpawisan ako, binalot ko yung sarili ko sa comforter. Natulog na ko.

Wala pang dalawang oras, naalimpungatan ako, si mama pumasok ng kwarto.

“Stephen, Stephen! Bangon ka may bisita ka”

“Ma, wala tayo sa hospital sino ba yan” mahina kong sabi. habang nakataklob pa rin ako ng comforter

“Kakarating niya lang, napansin ko kumakatok sa gate natin, blockmate mo raw, eh ang lakas ng ulan kaya pinapasok ko, gusto ka daw makita, si Patricio?”

Dahan dahan kong inangat sa pagkakahiga.

“Ma pano makakarating dito yun? Eh sa Cavite nakatira yun, kakatawag lang sakin kanina nun” hinang hina kong sabi.

Pumunta si mama sa pintuan at may pumasok na lalaki

Si Patricio nga! Nagulat ako. Pano nakarating to dito mag aalas-onse na ng gabi.

“Good evening siopao” sabi ni Patricio habang nakangisi. Medyo basa basa pa yung buhok niya

“Anong ginagawa mo rito? May pasok tayo bukas, umuwi ka na”  sabi ko

“Andito ako kasi sabi mo nilalagnat ka eh nagaalala ako sayo kaya pumunta ako dito, wag kang magalala inannounce na walang pasok bukas lahat ng level.”

Kinilig ako bigla, ang kire ko parin kahit may sakit na ko.

“Ahhhh” tanging nasabi ko.

“Uhmmm teptep?” nagsalita ulit siya.

“Bakit?”

“BAKIT KA KASI HINDI NAGBANLAW HA? SABI SAKIN NI MAMA SINABIHAN KA NIYA NA MAGBANLAW KA DAW AT ALAM NIYA DAW NA LALAGNATIN KA AYAN TULOY NILAGNAT KA!”

Nagulat ako, sumigaw tong noong to! Binato ko ng unan!

“Alam mo ba kung anong oras na? wag kang sumigaw! Kasi po, nagpalit ako agad ng damit kasi tuyo na ko ng nakarating dito sa bahay, tapos po nakatulog ako sa sobrang pagod! Pag kagising ko inaapoy na ko ng lagnat AT NAKAKAHIYA NAMAN NA NANAY MO NA RIN ANG NANAY KO”

Sabi sakin ni Mama daw oh emeged :”> medyo bumuti na yung pakiramdam ko dahil siguro to sa epekto ng gamot na binigay sakin ni mama kanina.

“Halika na nga, check ko temperature mo.” Sabi niya

Chineck niya temperature ko, bumaba naging 37.5 degrees na lang.

“Ayan bumaba na pala, 39.2 daw kanina sabi NG MAMA MO. O ayan okay na?”

“Okay, salamat ha? Pumunta ka pa dito para lang gawin to ang layo ng bahay mo oh! Cavite pa, tondo pa tong pinuntahan mo. Tapos ayan oh basang basa ka pa!”

Alam kong nagpaulan din tong hukluban na to, basang basa ng damit oh.

“Kahit na magpaulan ako, okay lang marunong kasi akong magbanlaw bleeh” sabi nya.

“Ewan ko sayo!” sabi ko, sobrang cute niya nung nag bleeh nilabas niya pa dila niya.

Inaayos niya yung kumot ko, pinapatulog niya na ko.

“Hoy siopao, tulog ka na.”

“Sige, Good night!”

Nagtaklob ako ng comforter ko. Naisip ko, san nga pala tutulog tong lalakeng to?!

“Pat?”

Pinahiram ko kasi yung Mac ko, kachat niya pala sila Rainier.

“Pat!”

“Bakit tep?”

“San ka nga pala tutulog?”

“Dito na lang sa lapag” sabi niya

Naawa naman ako kung sa lapag siya tutulog eh ang laki laki naman ng kama ko.

“Bahala ka”

Pinatay niya na yung laptop, humiga siya sa lapag. Walang unan walang kumot.

Nakokonsensya ko. Pumunta na dito to mula cavite bumyahe papunta dito ang lakas lakas pa ng ulan.

“PATRICIO VASQUEZ! DITO KA NGA LANG MATULOG SA TABI KO! ANLAKI LAKI KASI NITONG KAMA EH, KASIYA NAMAN TAYO.”

“ayun naman eh, kanina ko pa to iniintay nagpapaawa lang ako.”

“Che! Dyan ka ulit sa baba!”

“biro lang naman”

Tumabi na sakin si Patricio

“Maayos na ba pakiramdam mo?”

“medyo umaayos na”

“Mabuti naman kung ganun. Tep, tulog ka na.”

“Sige, Good night Noo”

“Good night siopao.”

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon