Chapter 5

7K 104 2
                                    

Stephen’s POV

Nakahiga na ako sa kama, 11pm na halos kakatapos lang naming mag skype ng mga blockmates ko nakakatuwa talaga sila parang magiging masaya umpisa ng college life ko!

Pero di parin nawala sa aking isipan ang di malilimutang pangyayari.  

*Flashback*

 

“Teptep! Alam mo na ba ang balita ngayon dito sa school natin?”

“Ano yun?”

“Si Mike mo may jowakels na!” sabi sakin ni She.

“Sino naman yun?” sabi ko?”

“Si Cherry!”

Alam mo yung pakiramdam na binagsakan ka ng langit at lupa? Mainit na binuhusan ng malamig na tubig.

Si Mike, my first crush, my first love, Chinito kasing height ko at magaling mag gitara. Siya ang pinaka magaling tumugtog ng “Magbalik” sa school naming. Ewan ko nain love na lang ako sa taong to tumugtog lang eh nakuha agad loob ko.

Naging mabait naman to sakin eh, hindi niya alam na crush ko siya, 3rd year kasi kami nung naging classmate ko siya. Siguro puppy love lang sa umpisa pero lumalala ang hayop!

Eksena sa retreat

Pauwi na kami galing sa retreat house namin.

“Sinong may pabango diyan?” sabi ni Mike

“Ako”

“Pahiram nga pababanguhan ko lang yung sasakyan amboho eh!”

Pinabanguhan niya yung sasakyan, pero shit kinikilig ako siyempre kausapin ka ng crush mo BIG DEAL YUN! Hahahaha

“Eto oh” sabi niya

Inilagay ko na sa bag ko yung pabango kong Drakkr Noir. Kinalog ko siya, madami pa to kanina ah? Paubos na! grabe naman magpabango okay lang amoy niya naman! Hahahaha

“Ambango ng pabango mo Tep ha?”

Ako: ♥______♥ :””>

“Oo nga eh naubos mo na” sabi ko

“Pahiram nga ulit!”

“Wag na mike! Ubos na oh! Pabango to ng Dad ko bago siya mamatay!”

“Di mo ipapahiram? HAHALIKAN KITA?”

Ako: O__________O

Sila: “Yun ohhhh! Wag muna ibigay tep! Hahaha”

Natulala na lang ako at ibinigay sa kanya yung pabango, OMG totoo ba yung narinig ko? Hahalikan niya ako? :””””””””””> shet shet shet na malagket na may kasamang kalamay nakakaloka ito. Hahahaha

Pero mas naging close kami almost bestfriends na. pero di man lang niya sinabi na may nililigawan pala siya, nakakalungkot lang hay lagi naman eh. Parang Vicerylle tuloy ako HOPIA :(

Ayun nga nalaman ko na sila na pala ni Cherry isa rin sa mga kaibigan ko. Classmate ko, Matalino, Maganda, Siya na sabi nga ni tito boy IKAW NA!

*END OF FLASHBACK*

Ang babaw ko no? DI MALILIMUTAN NA PANGYAYARI na agad yun? Ewan ko kung bakit kasi nga first love, kasi nga first crush EH ANO NAMAN? Naalala ko nun naglasing pa ko. First time kong malasing! Eh kasi sobrang sakit eh! Ewan ko! Nalaman tuloy ng mga pinsan ko na ayun nga. Hindi naman kasi ako legal na ganito samin kaya ang hirap.

At nakatulog na ko makatapos balikan ang mga di malilimutang pangyayari.

Kinaumagahan

5:30 am

Nokia tune ♫ …

Nokia tune ♫ …

Nokia tune ♫ …

Nokia tune ♫ …

Nokia tune ♫ …

Nokia tune ♫ …

Nokia tune ♫ …

Bangon…. Kain …. Ligo…. Ayos …. Byahe

7 AM First subject ko, History and Government. Medyo maaga akong dumating sa School (o late lang talaga prof ko 7:05 relos ko eh) tumingin ako sa salamin ng pintuan wala pa prof ko pero may mga estudyante.

Pumasok ako

Pumili ako ng upuan..

Pero sa bandang likod may nakita akong lalaki.

Nakayuko, natutlog ata…

Di siguro to natulog kaya tulog ngayon sabi ko sa sarili ko.

Nasa 2nd row ako nakaupo sa dulo siya nakaupo, tinititigan ko lang siya, mga konting Segundo inangat niya ang kaniyang ulo at biglang tumingin sakin, napa baling ako ng tingin. Tapos tumayo siya

Naglakad

Lumapit sakin

At bumulong.

Fuuuuu kinikilabutan ako!

At sinabing

“BRO, BUKAS ZIPPER MO”

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon