CHAPTER EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sinama ako ni William dito."

Tinigil ko saglit ang pag reretouch.Tumingin ako sa salamin, sakto naman at nakatingin na din sa salamin si Sophia. Mamamangha sya sa kagandahan ko!

"talaga? kung ako sayo umuwi ka na lang kasi baka mapahiya ka lang."

"Bakit naman ako mapapahiya? Hindi ako mapapahiya dahil kasama ko si William."

"Correction! He is Andrew My long lost Husband.. He's mine and not yours! so stop pretending that you are his Wife because definitely you're not."

Walang magawa si Sophia kundi ang Tumingin sa akin ng masama at nakita ko rin na kinuyom nya yung fist nya tanda na naiinis na sya. Siguro ay natamaan din sya sa mga pinagsasasabi ko.

"And..Please stop fooling around.Bye Sophia Dear"

Kinaway ko pa ang kamay ko sa kanya para mag paalam. Lumabas ako ng Rest room para hanapin si Andrew. Kailangan ko na syang makita at maipag tapat sa kanya ang katotohanan.

"Andrew..nasan ka ba?"

Namatay naman ang mga ilaw sa paligid at ang natira na lang ay ang ilaw na naka sentro sa dance floor. Napangiti ako ng makita ko na may kasayaw na babae si Jansen. Mukhang magkaka lovelife pa ang loko ngayong gabi.

"Ang tinik talaga ni Jansen sa Bebot."

Ang sweet ng kanta.. gusto ko sanang sumayaw kami ni Andrew kaya lingon pa rin ako ng lingon baka sakaling makita ko sya. Lumingon ako sa bandang kaliwa ng dance floor at natuod ako sa nakita ko... Si Sophia at Andrew nag sasayaw. Umupo na lang ako sa isang tabi at pinanood sila habang sumasayaw. Sobrang lapit nila sa isa't isa tapos nag tatawanan pa sila habang sumasayaw. Kaya ba malakas ang loob ni Sophia na labanan ako dahil alam nya na sya ang pipiliin ni Andrew? Ang sakit lang, habang ako ay nag hahanap sa kanya.. Umiiyak gabi gabi. Eto sya.. Masaya na sa piling ng iba. Akala ko pa naman okay na ang lahat eh. Pero base sa mga ngiti ni Andrew kapag kasama nya si Sophia mukhang mahihirapan ako na ibalik sa normal ang lahat.

"Papanoorin mo na lang ba sila?"

Nagulat ako sa biglang pag dating ni Jansen. Nasa tabi ko na pala sya hindi ko man lang naramdaman. Masyado kasi akong nakatitig kina Sophia at Andrew na ngayon ay sobrang sweet sa isa't isa. Dapat ako ang nasa pwesto na yun eh! At hindi ang mang-aagaw na Sophia na yan.

"Pero kasi Jansen ti-"

"Aaay. Wala ng pero pero. Go and get your Man.."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at unti-unting nag lakad papalapit sa dance floor. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano kapag sa oras na lumapit ako sa kanila ay ireject lang ako ni Andrew? Paano kung ipagtabuyan nya lang ako? Paano kung sigawan nya ako? Paano kung mag mukha akong tanga? Pero... Kung hindi ko susubukan na lumapit sa kanya, hindi ko malalaman ang sagot sa tanong ko. Bago ako Tumuloy sa gitna ng dance floor ay lumingon ako sa pwesto ni Jansen at nakita ko na ngumiti sya sa akin at nag Ok sign.

"Kaya mo 'to Kim"

Huminga ako ng malalim at nag lakad papunta sa pwesto nila. Sakto naman na natapos na yung kanta. Mukhang pagkakataon ko na nga ito para maisayaw si Andrew. Nang makalapit ako sa kanila ay agad na napalingon sa akin si Andrew na bahagya pang nagulat dahil nga bigla na lang akong lumitaw pero wala akong pakielam kung ano man ang isipin nya. I looked into his eyes and I gave him my sweetest smile. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at inilahad ko na yung kamay ko sa kanya.

"May I have this dance with you?"

Ngumiti naman si Andrew. Hindi ko alam kung para saan yung ngiti nyang yun.. Siguro na turn off sya sakin kasi ang ako pa yung nag yaya na sumayaw. O kaya naman ay sadyang natawa lang sya sa ginawa ko. Pero bakit naman? Wala namang nakakatawa sa ginawa ko ah.

My Husband Lost His MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon