19:PRIDE

11K 119 7
                                    

MICO's POV

"Nako girl! Sigurado ka bang okay kana?!" -Kate. Nandito sila ngayon sa Hospital para bisitahin ako.

Kasama nya si Isabel at si Jake. Umalis naman si Nick eh. Kaya okay lang naman sigurong nandito si Jake.

"Oo nga! Ang kulit mo!" Tsaka kami nag ngitian.

"Sino nga pala nagdala sayo sa hospital?" tanong ni Isabel.

"Ahm.. Si Nick. Sya kasi yung nakakita sakin sa cr."sagot ko.

"Waaah!!As in naliligo ka sa cr, Mico? As in Naked?!"

Nanlaki yung mga mata nilang lahat. Mga malisyosa talaga. Si Jake naman nakikinig lang samin.

"Uyy! Kayo ang lalandi nyo! Alangan naman pabayaan nya ko doon sa cr eh naglaslas nga ako." Binato ko si Isabel tsaka Kate. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Palibhasa wala ako dun. Kung andun ako walang mangyayaring masama sayo! Ang sabihin mo di sya marunong magbantay sayo." Napatingin kaming lahat sa nagsalita..


Si Jake.

Medyo sumeryoso yung loob ng room ko. Walang may makapag salita.

"Ano ka ba Sebastian. Eh di sana di ka umuwi para mabantayan mo si Mico." napatingin kaming lahat sa Pinto.

Oh no!!!!


Si Nick!!


NICK's POV

Bakit nandito na naman ang pikatchu na to?! May gana pa syang magpakita!!!

Sarap nya na sanang bugbugin pero naalala ko si Mico. Alam kong magagalit sya pag nag away kami. Nu ba kasi ginagawa nya dito? Kailangan sumama talaga sya? Pano kung dumating na naman si Dree? Eh di patay na naman kami. hayy..

"Anong ginagawa mo dito, Sebastian?" tanong ko. Nakakuyum na yung kamay ko. Pero di ko talaga sya pwedeng galawin sa harap ni Mico. Ayokong mag away kami ni Mico dahil sa Pikatchu na to.

"Syempre dumadalaw sa Pasyente! Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Sagot nya. Aba matapang ang bugok!!!

"Syempre mapapangasawa ko yung nasa Hospital. Alangan naman pabayaan ko!" Gago pala to eh!! Palibhasa may gusto sya kay Mico! Pero sorry, Sebastian. Di pwedeng pati si Mico gawin mong tanga.

Walang umimik sa amin. Nakita ko naman ang takot sa mga mata ni Mico. Kaya parang gusto ko nang lumabas.

"Ayy, mapapangasawa mo pala sya? Kaya pala nagpakamatay eh." tsaka na sya Lumabas. Sarap talagang patayin ng gago.

Kakapitan ko na sana yung kwelyo nya ng magsalita si Mico.

"Nick.. Wag.." Parang iiyak na si Mico. Kaya pinigilan ko yung kamay ko. Lumapit na ko kay Mico at Niyakap sya. Lumabas naman ng tuluyan si Jake.

"Uhm.. Mico, lalabas muna kami ha." Paalam naman ni Kate tsaka isabel.

Nanatili kaming magkayakap ni Mico.

"Nick... Salamat." Mahinang sabi ni Mico. Parang nawala naman yung inis ko kay Jake. Mas hinigpitan nya pa yung pagkakayakap sakin.

"Wala na kong pakialam kung matapakan man ang pride ko, Mico. Basta't magiging masaya ka, handa akong magpakababa sa ibang tao."

Tinignan ko sya ng mataman. Ang ganda nya kahit di pa sya nakakabawi sa pagkaka hospital nya.

Hinaplos ko yung Mukha nya.

"Salamat talaga Nick."

"It's ok. I love you."

Then our lips met.



ISABEL's POV

"Putang ina naman Jake! Bakit mo sinabe kay Nick yun?" Palabas na kami ngayon sa Hospital.

Bakit ba kasi ang tigas tigas talaga ng ulo ng pinsan ko.

"Hoy Jake! Sagot ka nga!" tinignan lang ako ng masama ni jake.

"Do you really want to know why?? Ha?? Isabel??" Pasigaw na tanong ni Jake. Ako naman ngayon ang di nakasagot. Minsan lang kasi magalit si Jake.

"Coz I fell inlove will Mico! Kontento kana?! Ha Isabel?!" Halos mapanganga Ko sa sinagot ni Jake.

Mahal nya Si Mico? Pero ikakasal na sya.

"Jake! Bakit sya pa? Madami namang iba!" tanong ko sa pinsan ko.

"Ang tanga ko no, Isabel? Nagmahal ako ng babaeng ikakasal na tapos sa kapatid pa ng babaeng sinaktan ko dati."Tsaka nya ko iniwan at umuwi na.

Di ko parin mapigilang mapaisip.

Waaaaahh!!! Sumasakit yung ulo ko.





"JAKE's POV

•Bar•

Nasa bar ako ngayon. Gusto ko munang makalimutan yung mga problema ko. Ang sakit sakit na sa ulo eh. Pati sa puso.

"One jager bomb please." order ko sa waiter.

"Okay sir. Right away." tsaka nakita ko na nag mix ng alak yung waiter. Tapos binigay din yung sakin.

Agad ko iyong nilagok.

"Hey!!Waiter!! *hik* psssst waiter!!" Narinig kong tawag na lasing na babae sa waiter.

"Please give *hik* me one shot of gin and tonic.. Bilishh!! *Hick."

"Right away, Maam." Ano kayang problema ng babaeng to? kababaeng tao naglalasing.

Naramdaman ko naman umupo sa tabi kong stool..

Tssss.. Amoy alak! ang baho. Pero, that familiar perfume. Parang sya. That sweet smell. Pero baka namali lang ako.

"Here maam." tsaka na inabot ng waiter sa kanya yung inorder nya.

"Hihihi.. Shalamat! *hik* Baeeeett!!" tsaka sya gumewang gewang patayo, Kaya...

Plaaasssshhh!!!!!

"What the hell miss! Mag ingat ka nga!" the eeeffff??? Natapon ba naman yung alak nya sa damit ko!!


"Ayyy nakkoooww!!! *hik* shorrreee!!!*hik* Punashan ko nalang!!" at akmang itataas nya na yung mukha nya.


The hell!! This can't be. Akala ko namali lang ako sa pag amoy ng perfume!!



"Dree?!!!!"

__________________________________________________________________________

A not-so-special Love StoryWhere stories live. Discover now