46: STRONGER

6.6K 93 30
                                    

Mico's POV

"Pero bakla, ang hirap e. Ang sakit sakit." Kausap ko ngayon si Jun sa telepono. Mag isa na naman ako sa bahay dahil may trabaho si Nick.

"Girl ganyan talaga. Pero ang tanong, hahayaan mo bang masira kayo ng asawa mo ng dahil lang sa babaeng yon?"

"Pero buntis si Janna, anong magagawa ko?" Parang maiiyak na naman ako. Ang bigat bigat ng pakoramdam ko.

"Nako girl! Alalahanin mo, asawa mo si Nick! Sayo sya, at kung pag iisipan yung anak lang naman nila yung may karapatan kay Nick. At hindi pa naman sigurado kung kay Nick nga yung pinagbubuntis ng bruhilda na yon!"

Napaisip ako bigla, may punto nga si Jun. Asawa ko si Nick at hindi pa sigurado kung si Nick nga yung ama ng pinagbubuntis ni Janna.

"Ano girl, papayag ka ba na mapasakamay ng bruhang yon ang asawa mo ng hindi man lang binibigyan ng magandang laban? Nakooooo! Hindi ikaw ang dehado dito kundi sya!"

"T-tama ka bakla, then what should I do?"

"Talk to Nick, sabihin mo yung nararamdaman mo. Na nasasaktan ka. Maging open ka sa kanya."

"Sa tingin ko tama ka Jun. Hinding hindi ko igigive up ang asawa ko. Malalampasan din namin to."

"Yan ang Mico na bestfriend ko! Alam nating lahat na mahal ka ng asawa mo Mico. Bigyan mo sya ng pagkakataong ayusin ang problema nyo. Magiging okay din ang lahat."

"Salamat Jun, sa pagpapaintindi. Gagawin ko yung tama. Hinding hindi ko bibitawan ang asawa ko kahit anong mangyari."

"Welcome girl! Sige na kausapin mo na yung asawa mo at may pupuntahan din ako. Goodluck."

"Okay bakla. Ingat ka." Tsaka ko inend call.

Tama si Jun, hindi rason si Janna para iwan ang asawa ko.

Bigla akong naguilty, ang selfish ko at luro sarili ko lang ang inaalala ko. Nakalimutan kong nahihirapan na din si Nick dahil dito.

Okay, pagkauwi nya mamaya sa trabaho kakausapin ko sya.

Maghahanda na muna ako ng hapunan at 6 o'clock na.

**

7pm na, at saktong naramdaman kong bumukas yung pinto ng bahay.

And there is Nick, heading towards me with a big smile.

"Hello, wife." He kissed me on my lips.

Nick's POV

Nasa harap na ako ngayon ng bahay. At pagbukas kp ng pinto, bumungad sakin yung asawa ko. Nakatayo sya sa kusina habang nagliligpit ng mga gamit. Napangiti ako.

Nilapitan ko sya.

"Hello, wife." Tsaka ko sya hinalikan sa labi.

Bigla nya kong niyakap ng mahigpit. Yun din qng ginawa ko. Kahit pagod na pagod ako sa trabaho, isang yakap lang galing sa asawa ko, tanggal na lahat ng pagod ko.

"Hey, missed me that much?"

Tapos bigla akong nagulat ng makita kong tumutulo yung luha nya.

Bigla akong kinabahan.

"Hey! Hon, is anything wrong? May nangyari ba dito sa bahay habang wala ako? Tell me." Natataranta na ako. Hindi padin sya umiimik. Nakayakap lang sya sakin habang umiiyak.

"N-nick..."

"Sorry."

Sorry? Para saan? Kinakabahan na talaga ako. Parang bibitayin ako.

"Sorry for what, Hon? Please tell me, natataranta nako." Hinawakan ko sya sa balikat. Umiiyak padin sya.

"Nick sorry, kung nahihirapan ka dahil sa sitwasyon natin."

"What? What are you talking about na nahihirapan ako?" Gulong gulo na yung isip ko.

"Nick, I saw you at the mall last time, kasama ai Janna."

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nakita ko sa mata ni Mico na nasasaktan sya.


Ang tanga ko, hindi ako nag ingat.

"Look Hon, I'm gonna explain everything. Wag ka munang magagalit please." Hinawakan ko sya sa pisngi.


Pero imbis na magalit sya, mas niyakap nya pa ako.


Mico's POV


"No, Nick. You don't have to. Nasa akin ang problema. Hindi ko inisip na posibleng anak mo nga ang ipinabubuntis ni Janna. I was selfish to think na basta nalang syang mawawala sa buhay mo, e gayong may anak kayo. I'm so sorry." Tuluyan nakong napahagulgol. Halu halo yung nararamdaman ko. Masakit, pero may saya din na nasabi ko na kto kay Nick.

"Shhh, Hon. Wala kang kasalanan. Ako ang nagkamali dito in the first place. Naging tanga ako, bobo. At naiintindihan kong nasasaktan ka. And i'm very sorry for that Hon. Sorry talaga. And thank you sa pagiging considerate mo Hon, kahit alam kong nahihirapan ka mas pinili mong maging malakas para sa atin." Naiyak na din si Nick.

Grabe yung emosyon na nararamdaman namin. Matagal kaming nag yakapan.

"Mahal na mahal kita Nick, at hinding hindi na kita bibitawan pa, kahit gaano pa akong masaktan."


"Maraming salamat Hon, hindi ko alam ang ginawa ko para bigyan ako ng Panginoon ng asawang tulad mo. You're such a blessing. I love you so much." Then he kissed me on the lips.

"I love you more Hubbie, I know that we'll get through this. As long as we're here for each other."


"Salamat, mahal. I promise, aayusin ko to. Please stay with me. Okay?" He kisses me on my forehead.

"I'll be here for you no matter what, hubbie. But for now, kumain na tayo at nagrereklamo na si Baby." Agad namang hinawakan ni Nick ang kamay ko at sabay kaming naglakad papuntang dining area.

Masakit man, kakayanin ko to. Alam kong magiging okay din ang lahat.

Hihintayin ko ang oras na wala nang araw na malungkot sa buhay namin ni Nick.

***

A not-so-special Love StoryWhere stories live. Discover now