Umiling ako. "Naku wag na Nemo. Nakakahiya na. Baka makaabala pa ako." tanggi ko dito.
"Sus. Ano naman ang nakakahiya dun? Alangan naman na magtaxi ka pa kung may sasakyan naman ako? Saka mas kumportable kayo ni baby dun. Maganda kaya ang car ko." mayabang pa na saad nito.
"Ikaw na nakasports car. Yabang mo din eh noh?"
"Talaga!" ginaya pa nito ang ekspresyon ko kanina.
"Oh ano? Mag-uusap na lang ba tayo dito? Ubusin ko lag tong kape ko at alis na tayo." tumango lang ako dito. Mukhang wala na din naman akong magagawa eh. Hinintay ko lang na matapos ito saglit pagkatapos nun ay pumunta na kami sa ospital na pinagtratabauhan nila Agnes at Luke.
Pinark na muna namin ang sasakyan. At tulad ng dati, pinagbuksan ako ni Nemo ng pinto at inalalayan na makababa. Ngumiti at nagpasalamat naman ako dito.
"Dito ka pala nagpapacheck-up." sabi nito ng makapasok na kami sa ospital. Nandito na kami ngayon sa Rockwell Hospitals. Naglalakad na kami papunta sa clinic ni Luke.
"Ahh. Oo.Bakit?"
"Ahh.. may kakilala kasi ako dito."
"Ganun ba? OB-GYNE ang asawa ng bestfriend kong nurse. Pareho silang nagwowork dito."
"Asawa? Ng bestfriend mo? Eh di lalaki yun?"
"Malamang. Gulo mo Nemo." pambabara ko dito.
Napakamot naman ito sa ulo nito. "Nagtatanong lang. Saka, okay lang sa'yo na lalaki OB-GYNE mo?"
"Hmm... okay lang. Kilala ko na naman si Luke saka may tiwala ako sa kanya." nandito na kami sa may pinto ng clinic nito. Kumatok naman ako. Binuksan naman ni Agnes ang pinto.
"Dorryyyy!!!" tili nito.
"Huy! Ano ba! Nasa ospital tayo. Bawal ang sumigaw. Parang hindi ka dito nagwowork." irita kong sabi dito. Tumawa lag ito at nagpeace sign.
"Sorry naman. Naexcite lang ako ng makita kita." tumingin naman ito sa likod ko. Tapos tumingin sa akin. May nang-aasar na ngiti.
Hinatak naman ako nito. "Sino yan? Ikaw ha? May tinatago ka ba? Boyfriend mo na ba yan?" agad na usisa nito.
"Nakakita ka lang na lalaking kasama ko, boyfriend agad? Hindi ba pwedeng kaibigan lang?"
"Sus. Sabihin mo na." udyok pa nito.
"Oh sige. Paano kung may kasama si Luke na babae, girlfriend na din agad?"
YOU ARE READING
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding eleven
Start from the beginning
