ANG SUNGIT MO NAMAN! [One Shot]

421 16 4
                                    

"Ang sungit mo naman!"

"Pake mo' ba?!"

Aish. P*cha tong babaeng 'to ah.. Sa gwapo kong 'to, susungitan niya lang. Tss.

Parang di naman ako nasanay.

Kung di lang 'to babae, inupakan ko na talaga to eh..Pero, huwag na lang, sayang ang maganda niyang mukha..E- este, ang mala dragon niyang mukha.

Ang aga aga naman ata ng menopausal stage niya.

"Oh, may kailangan ka pa ba sa'kin Shiro?! Ba't nandiyan ka pa?" masungit niyang tanong.

"Wala naman, bakit masama bang titigan ka? E' to naman.."

"Umalis ka na nga! Istorbo!"

He'to na naman tayo..

Sinasabi ko sa'yo Rayne Dela Fuente, isang malaking kawalan ang pagtataboy mo sa gwapong nilalang na nasa harapan mo.. 

..............

"Hi Rayne!" nakangiti kong bati ulit sa kanya.

And as usual, inirapan niya naman ako.

Ang sungit talaga!

Hindi naman siya ganito dati ah. Nag simula lang siyang magsungit sa'kin sa kalagitnaan ng klase, noong sophomores pa lang kami.

Nakapagtataka. 

Naalala ko pa tuloy noong una kaming nagkakilala..Nasa park ako nu'n. Nakaupo mag- isa. Wala pa akong mga kalaro't kaibigan nu'n.. Bagong lipat pa kasi kami.

Nagitla nga ako nang bigla niya akong lapitan.

Oo, siya ang unang lumapit. Ang cute ko kasi nong bata pa ako. Konek? Wala lang.

"Bakit ka nag- iisa dito?" tanong niya sa'kin

Ang ganda niya naman! Sabi ng isip ko. Kahit ten years old palang ako nu'n, alam ko na yang sinasabi nilang "love at first sight". Yun ang naramdaman ko ng panahong iyon.

"Bagong lipat lang kasi ako, kaya wala pa akong mga kaibigan.."

"Gusto mo kaibigan na tayo?"

Kinilig naman daw ako sa tanong niyang yun. Pero di ko pinahalata. Nakakahiya.

Simula nang araw na iyon, naging matalik kaming kaibigan. Naging mag bestfriends. Kakambal ko pa nga siya sa mga kalokohan ko eh. 

Kung di kayo maniniwalang naging bestfriends kami, eh di wag! Gwapo ko lang noh.

Nang nasa high school na kami, medyo matured na din mga isip namin nun. 

Kaya nasabi ko sa sarili ko "puppy love" lang yung nararamdaman ko para sa kanya at mawawala rin to pagdating ng panahon. 

At yun, hinayaan ko na lang na unti- unting mawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Nagkakagusto na rin ako sa ibang babae pero, nandun pa rin yung pakiramdam na mas lamang pa rin sya.

Second Year Highschool..

Kahit papano nanatili pa rin yung pagiging close namin sa isa't isa, pero hindi kagaya noon. Hindi ko na siya palaging nakakasama kasi nagkaroon na din siya ng mga bagong kaibigan. 

Nakakamiss na nga eh. Nakakamiss yung kulitan namin, yung mga trip namin. 

Marami na ding umaaligid sa kanya. Sarap nga upakan yung mga iyon eh. Pero magsasayang lang ako ng gwapo kong oras. Alam ko naman na hindi niya ako gusto. Wala lang, pakiramdam ko lang na wala siyang gusto sa'kin. Na hanggang pagkakaibigan lang ang pagkagusto niya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANG SUNGIT MO NAMAN! [One Shot]Where stories live. Discover now