Hindi ko inalis yung mata ko dun sa babae hangga't hindi ako nakakasiguradong siya nga yon.

Nakatayo lang ito at nakacross ng arm. Shit! Di ko makita yung muka niya! Ni hindi ko pero naaaninag kong nakangiti ito.

Natapos ang set na inihanda naming kanta para ngayong hapon. Yung request nalang ni lablab. Pero mamaya nalang. Lumapit muna ako sa kanila.. Nakipag shake hands, beso pictures..

"Hi! Did you guys enjoy the songs?" tanong ko.

"OO!" sigaw nila. Napangiti ako.

"Don't worry, i still have one song to sing. It was requested by the person whom i really love. Pero bago yun, gusto ko munang magpasalamat sa inyo. Thank you very much sa pagpunta ngayon the best talaga kayo." sabi ko habang naglalakad papunta sa pinaka edge ng stage.

Kita ko na ng malinaw ang mga muka nila. Inilibot ko ulit ang mata ko para hanapin yung babae kanina. Hindi pwedeng magkamali ang puso ko.. Gusto ko lang iconfirm..

Nakita ko si Alex ang president ng fansclub na sumusuporta sakin, nakita ko din ang ibang miyembro nito.

And halos mabaliw ako ng magtama ang mata namin ni lablab. (O/////O) Sya nga! Shet! Ang ganda niya sa suot niyang tank top at bagay pa sa kanya ang print nitong goddess. She's staring directly in my eyes habang naka smile. Fuck! Naginit yung mukha ko. Kinikilig ako!!! Bakit hindi niya sinabing pupunta siya?!

Nakita ko din si Bianca sa tabi niya, ngumiti din ito kaya nagsmile din ako.

Para namang nakaramdam ang audience at mas lalong lumakas ang sigaw nila. Mas lalong nagkagulo.

"Wow! May mga magagandang bisita pala tayo dito." sabi ko at nag wink sa kanila ni Bianca, well kay lablab lang talaga. Hahaha. Mas lalo silang nagwala.

Bumaba ako ng stage at lumapit kila lablab. Lumapit kaagad yung mga guard sa tabi ko para harangan yung nga tao. Walang tigil yung sigawan nila.

Oh shit! Ang hot talaga ni lablab sa suot niya. Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng mag kalapit kami.

"Hi there!" bati ko kay Bianca and kissed her cheecks.

"Hi! Si lablab mo talaga nagyaya dito eh." bulong niya. Natawa ako. Pasaway talaga. Kakalat nanaman ito sa internet.

Humarap ako kay lablab na nakangiti sakin ngayon. I kissed her cheecks

"Hi gorgeous." bulong niya sakin. Hindi ko mapigilang mag blush!! Shit!

"Bagay sayo yung print." bulong ko din sa kanya. Natawa naman siya.

"Come here. Dun kayo sa pinaka harapan, Beautiful ladies doesn't deserve here." sabi ko. Naghiyawan ng malakas ang mga tao. Nararamdaman din siguro nila yung kilig ko.

Naglakad kami papunta sa upuang ipinalagay ko sa guard.

"There you go. Enjoy!" sabi io ng makaupo sila. Pero kay lablab lang ako naka focus.

"Thanks" sabi naman ni lablab with her killer smile. Tangina! Nanghihina ako di pa tapos ang show, gustong gusto ko na siya ikiss!!

"ehem!" singit ni Bianca para kunin ang atensyon namin. Natawa kami.

"So? Guys! Here's the special song for this day. Kasing special ng nagrequest sakin kanina." sabi ko habang naglakad pabalik sa stage.

"Inlove!!!" sigaw ng audience. Natawa ako.

"Yeah. Baliw na nga ata eh." sagot ko.

Nag hiyawan lalo sila, may nag he-head bang pa nga eh. Hahahaha. Si lablab naman nakita kong natatawa din.

Nagstart ng mag play yung song..

Nagsimula ako kumanta. Kay lablab lang ako nakatingin tge whole time. Nakatitig lang din siya sakin. Pero minsan pasulyap sulyap sa mga tao.




Is it wrong that i feel this way?

I don't know if i should walk away

But my heart tells me otherwise for once in my life i want to do what feels right.

No matter what they say we will roam together

No matter what i do, stay away from you

No matter what they say we should be together..

All i wanna do is to be with you.

"I just want to be with that person in my whole existence." sabi ko after the song at syempre kay lablab lang ako nakatingin. She mouthed the word 'i love you'.


"I love you too." sabi ko.





(O//////O) Putangina!!!! Nasabi ko yun habang hawak ang microphone at narinig ng lahat. Nakita kong nanlaki sandali ang mata ni lablab pero napalitan agad ng tawa. Kumindat ito sakin. Holy shit!!! (>///////<)

Nagsisigawan yung mga tao. Nagkakagulo na sila. Ugh!

"Waaahhh!!! Nandito ba siya G?!" sigaw nila.

"Sino yun???" sigaw pa nung iba.

Takte! Bakit ba hindi ko muna naisipang ilayo yung mic?! (-.-)

Pinilit kong tunawa para hindi sila makahalata.

"Hehe.. Syempre, nag 'i love you too' ako dahil alam kong nag 'i love you sya sakin' napapanood tayo sa livestream right? Medyo breezy kasi yun eh. Hehe. Kayo naman!" sabi ko. Nakita kong tumatawa si lablab.

Nagkakagulo parin sila ng sabihin ng host na pipirmahan ko na yung mga cds ma nabili nila.

Lumingon ako sa pwesto ni lablab pero wala na sila. :( hindi na tuloy ako nakapag paalam.

Nasa backstage ako para makapagpahinga kahit sandali habang inaayos nila yung table sa labas ng magtumunog yung phone ko.



1 message from lablab ko <3

'Gorgeous rock star of mine, i'll wait in the parking area. I love you :*'


Napangiti ako. Yehey! Nagkaroon agad ako ng energy para mabilis na tapusin ito at makapunta na ako kay lablab. Lablab here i come!! \(^o^)/





A/N: Sorry po.. Hahaha hindi ko din trip ang UD ko ngayon. Ang boring haha. (^_^)v bawi ako plamit! :D hahahaha

That Strange Feeling Called... LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon