"Hindi okay. Kaibigan ko lang."
"Sus. Sabihin mo na. Okay lang sa amin. Saka it's about time na magkaboyfriend ka na ulit." -Vera. Tumango tango naman si Ella.
"Ang kulit niyo. Hindi nga eh." at kinuwento ko ang mga nangyari. Matiim naman na nakikinig ang mga ito.
"Oh my gosh! Gwapo ba? Single ba?" kinikilig na tanong nung dalawa.
"Okay lang. At oo, single siya." saad ko. Nagtatalon pa sila. Naweiweirduhan naman ako sa kanila. Anong meron?
"Baka maging kayo Dory!" biglang tili ng mga ito. Napakunot ang noo ko.
"Alam niyo, ganyan din ang sinabi ni Agnes." komento ko.
"Single kamo siya pati ikaw. Eh di pwede." -Ella. Napabuga naman ako ng hangin.
"Hindi nga. Buntis na ako." diin ko.
"Sige. Sabi mo yan eh. Balato mo na lang sa akin." -Vera.
"O kaya sa akin na lang." -Ella.
"Sige tanong ko kay Nemo." balewalang sabi ko.
"Nemo daw. Tapos si Dory. Meant to be yang mga yan." bulong pa ni Vera kay Ella na narinig ko naman.
"Magsitigil kayo. Sinabi ko na di ba? Hindi ako mag-aasawa. Hindi na ako iibig ulit. That's final. Magsibalik na kayo sa trabaho niyo." naiirita kong sabi sa mga ito. Nagsitinginan lang ang mga ito at nagkibit balikat.
"Hayaan na natin. Preggy eh." -Ella.
"Oo nga. Pero sabihin mo lang sa amin kung nagbago na isip mo ha?" dagdag ni Vera. Sinamaan ko lang ng tingin itong dalawa. Ngingiti ngiting umalis lang yung dalawa.
Napabuntong hininga ako.
Sapat na ako. Sapat na ako para sa anak ko. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay. Sa buhay ko. Sa buhay na anak ko. Sa buhay namin.
Kahit ang mismong ama pa niya.
-----
"Welcome back Agnes! Namiss kita!" agad na yakap ko kay Agnes. Kababalik lang nito galing sa vacation house nila.
"Namiss din kitaaaa! I'm back Dorryyyyy!" nakatiling sabi pa nito habang magkayakap kami. Hindi ko na lang pinansin yun. Sanay na naman ako na parang pinapasabog niya lagi ang eardrums ko.
"Kumusta ka na? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ko dito. Anim na buwan na din ang nasa sinapupunan nito.
Nakangiti itong tumatango tango. "Oo naman. Kaya nga bumalik na kami dito para mamonitor din namin kalagayan niya." Hinimas himas na din nito ang umbok na nitong tiyan.
Tinignan din nito ang akin. "Oh my gosh. Maumbok na din ang sa'yo!" natutuwang sabi nito at hinimas ang tiyan ko. Napangiti ako.
"Oo nga eh. Parang nung huling tawag ko, konti pa lang. Ngayon medyo halata mo na talaga." at masuyo kong hinimas ang tiyan ko.
"Oh my gosh Dory! Natupad na yung dream natin!" masayang sabi nito.
Nagtataka naman na tumingin ako dito. "Ang ano?"
"Ang sabay na magbuntis! Although ahead lang ako ng dalawang buwan. Pero ito na. Oh My Gosh! Pareho na tayong mommy!" naluluhang sabi nito. Medyo teary eyes na din ako. Oo nga pala. Pinangako pala namin yun sa isa't-isa.
"Ano kayang gender niya?" tanong ni Agnes.
"Hindi ko pa alam eh. Sa next week pa naman ang check-up ko." excited na sabi ko.
"Sige sa next week. Magpapacheck-up ka na. Oh my! I can't wait!"
"Ako din Ag. Ako din." masayang-masaya na sabi ko. Hinimas-himas ko ang tiyan ko.
Baby...next week. Malalaman ko na kung ano gender mo. And I'm so excited to see you again.
---° ---° ---°
Ciao sa lahat!
Maraming salamat talaga sa pagbabasa. Feedbacks? Comment ka lang. Sasagutin ko yan sa abot ng aking makakaya.
Plug my other stories.
K.L.A.Wi.M.M.F. series 1: Director's Cut: Kath Cat.
Random story tittled: MONDAY. (The Shortest Horror Story.)
Kung mahilig kayo sa poems: Just Poems.
Sana supportahan niyo din po sila!
Thank you so much ulit!
-M
YOU ARE READING
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding ten
Start from the beginning
