"Tapos may baon siya! Hindi tuna, hindi sardinas. Beef steak! BEEF STEAK!" at exaggerated pang dagdag ni Ella.
Iningusan ko lang ang mga ito. "Tantanan niyo ako. Dapat lang na ganito ang mga kainin ko lalo't nagdadalang tao ako." at kinain ang orange na baon ko.
"Hindi ko alam... ito lang pala ang magpapabago sa'yo. Sana noon ka pa nagbuntis." madrama pang lumuluha si Vera. Ganun din ang ginawa ni Ella.
"Mga baliw!" at tumunog ang cellphone ko. Nakita ko naman kung sino ang tumatawag kaya tumayo ako saglit at lumayo sa dalawa.
"Hello?"
"Dory! Kumusta? Kinakain mo ba yung tinira ko na pambaon mo? May prutas ka ba? Yung vitamins mo, ininom mo na ba?" sunod-sunod na tanong ni Nemo. Mahina naman akong napatawa.
"Okay lang ako Nemo. Kinain ko na. Naubos ko na. May baon akong orange. Inaasar na nga ako ng mga kasama ko dito dahil himala daw ang nangyayari. Maya-maya ko iinumin yung vitamins ko."
"Good. Ganyan nga gagawin mo. Kainin mo lahat ng fruits ha? Tapos may mga binoil din akong veggies. Yun ang hapunan mo."
Ang concern talaga ni Nemo. "Opo. Thank you. Ikaw, kumain ka na ba? Baka ikaw naman nagpapalipas."
"Kumain na ako. May luncheon meeting ako kanina."
"Hmmm. Okay. At least kumakain ka din. Baka sermon ka ng sermon sa akin, ikaw din naman pala."
Tumawa naman ito. "Okay. I admit. Minsan. Pag tambak talaga trabaho. Pero kumain na ako." napangiti ako. Natuwa ako sa pagiging honest nito. "Sige Dory. May gagawin pa ako. Check ko lang kung ginawa mo ba ang bilin ko. Baba ko na. Bye."
"Okay. Ingat ka. Bye Nemo." at tinapos ko na ang tawag. Bumalik ako sa cubicle ko ng nakangiti. Napatingin naman ako kina Vera at Ella. Nang-aasar ang mga ngiti nito. Kumunot ang noo ko sa mga to.
"Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Bakit ganyan ka din makangiti?" sabay pa nilang tanong.
"Kailangan sabay?"
"Kailangan biglang iwas?" sabay pa din nilang sabi.
"Ano ba! Kung makapagsuspetsa kayo." at hinarap ko na ang mga paperworks.
Pumunta naman sa magkabilang gilid ko yung dalawa.
"Sino yun, Dory?" -Ella.
"Boyfriend mo ba?" at kinikilg pang tanong ni Vera. Pinaikot ko naman ang mga mata ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding ten
Mulai dari awal
