"Pwede na ba? Thank you. Mabuti naman at nabusog kayo at healthy ang mga kinain niyo." at pinagdiinan talaga nito ang salitang healthy. Napanguso ako.
"Nilalait mo na naman ang mga sardinas at tuna ko." nakanguso kong sabi.
"Hahahaha. Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo." tumingin sa relong pambisig nito si Nemo. "Aalis na ako, Dory. Medo napatagal na stay ko." at tumayo na.
"Oo nga eh. Wag mo ng isipin ang mga hugasin. Ako ng bahala sa mga yun. Pambawi ko man sa mga tinulong mo sa akin ngayon." nakangiti kong sabi dito. "Sige na mag-ayos ka na ng sarili mo. Nandoon pa din yung toothbrush mo." ngumiti ito at pumunta na sa banyo. Inayos ko naman ang lamesa. Nilagay ko na sa lababo ang mga ligpitin. Lumabas ito na nakaayos na.
"Sandali lang, Dory. May bibilhin lang ako sa labas. Babalik din ako saglit." tumango lang ako at lumabas naman ito. Pinagpatuloy ko ang pagliligpit. Nang matapos akong magligpit at ilagay sa lalagyan ang mga nagamit namin ay bumalik ito. May dala dalang supot ito. Inabot nito sa akin ang supot. Napakunot noo naman ako.
"Kwek kwek. Para kung maghanap ka man sa madaling-araw, meron ka na. Hindi mo na kailangan pang lumabas. " nakangiting sabi nito. Napangiti naman ako ng malaki.
May Kwek-kwek na kami!
"Thank you. Thank you ng sobra sobra Nemo." sincere na sabi ko dito. Hinawakan ko ang kaliwang braso nito at pinisil. Hindi alintana ang kuryenteng nadarama ko habang nakawak ako dito. Tumingin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa braso nito. Mahinang pinisil din nito iyon.
"Wala yun Dory. Basta kung may kailangan ka man, tawagan mo ulit ako. Kahit anong oras pa yan, walang problema sa akin." nakangiting tumango ako at tinanggal ko na ang kamay ko na nakahawak sa braso nito. "Paano ba yan, alis na ako ha? Kumain ka ng iba at hindi puro tuna. Tatawagan kita bukas para icheck kng anong kinakain mo. Yung bilin ko ha?" pangaral pa nito.
"Opo. Opo. Kakain na ako ng iba."
At lumabas na si Nemo. Sinilip ko muna ito sa bintana at nakita ko na nakaalis na ito. Napangiti ako. Hinimas himas ko ang tiyan ko.
"Baby...ang swerte natin noh? Kasi nasa sinapupunan pa lang kita, ang dami ng nagmamahal sa'yo. At ang swerte natin kasi ma isang Nemo na napakabait at inaalalayan tayo. Ang swerte ng mapapangasawa niya." sukat sa huli kong sinabi ay nakaramdam ako ng konting kirot. Napakunot noo naman ako. Hala. Problema nun? Inignora ko na lang yun at nanood na lang ng TV. Hindi ko na problema ang cravings mamaya. Meron na kaming kwek-kwek.
Courtesy of our saviour, named Nemo.
------
"Oh friend, himala! Kumakain ka ng fruits! Is that you?" bungad agad sa akin ni Vera ng makita niyang kumakain ako ng orange.
YOU ARE READING
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding ten
Start from the beginning
