"Ano ba! Sobra ka na. Una, sa hospital, pangalawa sa kwek-kwek. Pangatlo itong pinamili. Sobra na kaya ito. May trabaho naman ako. Kumikita naman ako. Kaya kong bayaran yun." insiste ko.


"Dory." tinigil muna saglit ang paghihiwa at humarap ito sa akin. "Yung mga bills sa hospital, sa kwek kwek at itong pinamili ngayon, walang kaso sa akin yun. Hindi naman sa nagmamalaki ako, pero napakaliit na halaga lang sa akin yun. Kesa bayaran mo ako, ilaan mo na lang yun para sa mga kakailangan mo para kay baby. Paniguradong madami kang kakailangin lalo na pag lumabas na siya. Mas maganda yun di ba?" napaisip ako. Oo nga naman. Pwede kong ilaan yun para ka baby. "Kaya wag mo na akong bayaran. Saka tulong itong ginagawa ko. Tulong. Walang kapalit. Walang bayad. Okay?" nakangiting sabi nito.


Napatango lang ako sa sinabi nito. "O-okay. Pero last na ito ha. Last na talaga." diin ko.


"Okay. Sabi mo eh." at tinuloy na nito ang paghihiwa. Kumuha naman ako ng silya at tinuntungan ko yun. Binuksan ko ang shelves at plano kong ayusin pero agad akong binahing at umubo.


"Dory! Anong nangyayari? Ayos ka lang ba? Saka bakit ka nakatayo dyan? Paano kung mahulog ka?" sunod sunod na tanong ni Nemo. Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala at takot dito. Inalalayan naman ako nitong makababa.


"Ayos lang ako Nemo. Nakasinghot lang ako ng alikabok." paliwanag ko dito.


"Alikabok?" at tinignan nito ang shelves. Dinaanan din ng daliri nito.


"Eh kaya ka naman pala uubuhin. Tignan mo naman." at pinakita nito ang daliri na puno ng alikabok. Napangiwi naman ako sa kapal nun. Umiling iling lang ito. "Pagkatapos kong isalang yung lulutuin ko, lilinisin natin ito ha? Kasi puro sardinans at tuna lang binibili mo kaya yun lang ang malinis." sabi nito at naghugas ng kamay. "Yung mga ilalagay na lang sa ref ang ihanda mo. Tutal paniguradong di maalikabok yun. Hindi mo pa kailangan tumuntong sa upuan. Aatakihin ako sa'yo." napahawak pa ito sa dibdib nito. Mahina naman akong napatawa.


"Kung kabahan ka naman. Grabe lang." ngingiti ngiti kong sabi dito.


"Syempre!" sabi nito. "Paano kung nahulog ka dun? Nasaktan ka? Paano kung may nangyari sa inyo ni baby? Syempre kakabahan ako dun." at kita talaga sa mukha nito ang takot. Napatanga naman ako.


"Oo nga Nemo. Tama ka. Hindi ko nga dapat ginawa yun. Ano ba yan, parang ikaw ang buntis at ikaw may alam sa mga ganito."


Tumawa naman ito. "Hindi naman. Syempre kailangan kong isipin na hindi lang isang tao ang nasa harap ko kundi dalawa.Sige na. Magluluto na ako. Ayusin na natin to." tumango lang ako at bumalik na kami sa mga ginagawa namin kanina.



-------


"Ang sarap ng mga niluto mo Nemo. Kailan ba ako ulit nakakain ng ganito?" busog na busog talaga ako. Ang sasarap ng mga niluto ni Nemo. Paniguradong mataas ang grade nito noon sa culinary class nito. Natapos na din namin-no, scratch that, niyang linisin ang mga shelves. Siya na di ang naglagay. Naging taga-abot lang ako nito kanina. "Pwede ka ng mag-asawa." nakangisi kong sabi dito. Ngumiti lang ito sa akin.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Where stories live. Discover now