"Tutulong ako Nemo. Sobrang nakakahiya na sa'yo." insist ko dito. Pinameywangan lang ako nito.


"Dory. Wag matigas ang ulo. Sumakay ka na at baka mapagod ka."


"Pero---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan na ako nito sa braso at masuyong inalalayan na makaupo sa may passenger seat.


"Dyan ka lang. Kaya ko naman. Ayaw ko kyong mapagod. Lalo na't baka magsuka ka na naman. Just wait there, okay? Saglit lang to." sinara na niya ang pinto at pumunta ulit sa likod. Nilagay na nito ang iba pang plastic at nang matapos ay nilagay na ang cart sa isang tabi kung nasaan pa ang iba. Pinapanood ko lang ito.



Ang bait talaga ni Nemo. Sobra. Yan lang ang masasabi ko dito.



Sumakay na ito. Kinabit ko na din ang seatbelt ko. Kinabit na din nito ang seatbelt niya. Binuhay na nito ang makina.



"Let's go back. Nabili na naman natin ang mga kailangan. Saka late na din. Masama sa inyo ang magpalipas ng gutom." concern na sabi nito.


Napangiti naman ako. "Nemo. Thank you talaga ha. At saka salamat at talagang concern a para sa baby ko. Lubog na kami sa utang na loob sa'yo." biro ko pa dito.


"Sus wala yun. Wag mong isipin yun. Ang importante ay ayos kayo ni baby." ngumiti ito sa akin. Ngumiti din naman ako.



Hais... ang swerte ng mapapangasawa ni Nemo...



---------


Nandito na ako ngayon sa sofa nakaupo. Pinapanood ko lang kung paano maglabas pasok sa bahay si Nemo dala dala ang mga pinamili. Ayaw kasi talaga ako nitong pagbuhatin. Nang maipasok na nito lahat ng pinamili ay saka ako tumayo.


"Siguro naman pwede na akong tumulong na ilagay sa mga shelves yang mga pinamili?"


Ningisihan lang ako nito. "Sure. Basta wag yung mabibigat ha? Akong bahala dun. Ihahanda ko lang ang iluluto para sa pananghalian natin." at kinuha nito ang mga rekado na kailangan nito.


"Sus. Wala naman sako ng bigas kang binili. Walang mabigat dyan." at isa-isa ko ng nilabas ang mga pinamili niya. Oo nga pala noh?


"Nemo." tawag ko dito.


"Ano yun?" saglit na tumingin ito sa akin at tinuloy ang paghihiwa.


"Magkano pala ang pinamili? Babayaran ko. Tutal stock ko naman ang mga ito sa bahay."


"Yun ba? Wag mo ng isipin yun." balewalang sabi lang nito.


Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora