Chapter 7

1.8K 72 2
                                    

"Wala ka nanaman sa sarili mo Rhian." Pukaw sakin ni Chris.

Napaharap naman ako sakanya na nakatuon ang tingin sa kalsada.

Nagising nanaman ako kanina na mugto ang mata. Akala ko hindi na ako iiyak nang dahil sakanya. Pero isang bagay lang ang tumatak sa isip ko. Tama na...

Siguro ito talaga ang nararapat. Ang hindi kami magkatuluyan. I should accept the fact that he is not mine anymore.

"Naisip ko lang kasi kung babalik pa ako ng Cali or not."

Napakunot naman ang noo niya.

"And why do you think so?"

Ang totoo kasi niyan tumawag sakin kanina yung head ng forensic lab sa LA Bureau of Forensic Investigation na kung babalik ako may nakalaang trabaho daw na naghihintay sakin which is after 6 months.

Kung tutuusin mas gusto ko ngang bumalik na lang pero hindi ko alam kung buo na talaga ang desisyon ko.

"I guess LA is where i should be and not here." Yun na lang ang nasabi ko.

Ang besides wala na rin naman akong babalikan dito eh.

"Well if thats what you want, ill support you." Nakangiting sabi ni Chris.

Pagkarating ko sa ospital ay busy ang lahat. Hindi parin kasi natatapos ang gengue outbreak kaya maraming pasyente ang nagpapakuha ng tests.

"Ms. Velasco may naghahanap sayo aa labas." Biglang sabi ni Chiara..

Aba ang loka nakangiti... ano kayang problema nito. Wagas eh.

"Sino?"

"Someone familiar, nako maghanda ka na dahil talagang aahintan kanila pagnakita ka." She warned.

Agad naman akong nagtaka kaya lumabas ako ng lab.

At dun bumungad sakin ang mga matatalim na tingin ng mga taong hindi ko inaasahan..

WTF?!?!?!?!

Wala na yata akong takas!

"Rhiana Velasco langya ka ngayon ka gg nagpakita!!" Biglang sigaw ni Colleen.

I cant believe it! Ang mga college classmates ko!

Si Colleen, Denise, Ellen at Sarah.

Grabe namiss ko sila!!!

Lumapit na silang lahat sa akin at agad akong niyakap.

"Guys kalma nga lang. At lumayo nga kayo alam niyo namang nakalab gown ako tapos yayakap kayo sakin. Bacteria alert!" Sabi ko.

"Tse! Bacteria mo mukha mo, nagdisinfectant kami no." Denise.

"Para namang hindi kami med tech para malaman yun." Colleen.

I just rolled my eyes.

Nung naglunch break ay kumain kami sa katabing restaurant ng hospital. Paniguradong tambak nanaman ako nito ng kwento.

"Buntis ka?!" Gulat kong tanong.

Langya naman o! Outdated pala ako ng apat na taoon tapos ngayon malalaman ko na lang na kinasal na pala si Sarah at Ivan at ngayon super preggy na siya!

Pati rin si Ellen na kasal na kay Trek for almost 3 years. Teka, ako na lang ba ang single samin???

"Yan kasi dahil nagpaLA ka agad." Sumbat sakin ni Colleen.

Stay strong sila ni Jolo. Psh.

"Eh diba yun naman yung plano ko simula nung una." Sabi ko.

"Kaya pati si Raine ini-- nevermind." Hindi na tinapos ni ellen ang sasabihin niya.

Nakita niya na pala ako noon sa ospital dahil nga naadmit yung ANAK ni Raine. Well ayoko ng pag usapan.

"Ninang ka Rhian ha! Dapat bumawi ka sa inaanak mo." Pagchange topic ni Sarah.

Alam ko namanng lahat sila affected din sa nangyari samin ni Raine. They know everything abput our love story.

"Oo naman, atsaka matagal pa naman bago ako bumalik sa States."

"Babalik ka?!" Sabay nilang tanong.

Tumango na lang ako.

"Bakit naman?" Sarah.

"Hanggang kailan ka dito?" Denise.

"Langya ano to bakasyon lang?" Colleen.

"Hindi ka ba pwedeng magstay dito for good." Ellen.

Ang daming tanong naman nito.

"Mga 6 months lang ako dito, may naghihintay kasing trabaho sakin sa LA. Kaya lang naman ako bumalik dito dahil kailangan ko ng Hospital Experience at dahil sa Org na tinayo namin ni Chris. And besides wala namang rason para manatili ako ng matagal dito, wala na akong babalikan." Medyo pumiyok ako sa huling salitang nasambit ko but i managed not to burst.

Natahimik naman sila.

"Kung bakit kasinagdesisyon ka agad agad." Denise.

"Alam kong masakit din sayong iwan siya noon Rhin pero mas masakit para sakanya dahil ikaw ang nang iwan. Alam mong mahal na mahal ka niya." Sarah.

"Alam ko." Yun na lang ang nasabi ko.

"Nakita namin kung paano siya nahihirapan Rhin, halos araw araw naglalasing siya. Nag aalala na nga aina Strike sa ginagawa niyang pagloloko eh. Mahigit isaag taon din siyang naging miserable." Ellen.

"Pero--" i cut her.

"Nakahanap na siya ng ibang mamahalin at nakapagmove on sa mga nangyari." Pilit kong hindi umiyak.

Hinawakan ni Colleen ang kamay ko.

"Alam naming hindi mo din siya intensyong saktan, sayang lang dahil naghiwalay kayo."

"And its my fault." I whispered.

"Lahat ng bagay nangyayari for a reason Rhin. Siguro may plano din ang diyos para sayo at isa dun ay ang bumalik ka dito." Denise.

"Malay mo dito din pala ang forever mo. Sa tabi tabi naghihintay lang." Colleen.

Napatawa na lang ako sa mga sinabi nila.

Kahit kailan talaga itong mga to ang nagpapasaya sakin. They cant be replaced by anything.

Back For You (TLG Book 2)Where stories live. Discover now