Chapter 3: The Real Deal.

33 0 0
                                        


AUTHOR'S NOTE: Guuuuuuuuuuuuuuuys! Sorry at masyadong matagal ang update ko. Busy po kasi ako sa School. At dahil Christmas at New Year na, New update din po. Sana magustuhan niyo. :)

Cass' POV

Maaga akong pumasok ngayon. May kailangan pa kasi ako sa Library. Dumiretso muna ko sa Room para ilagay ang gamit ko.

Nagulat ako na may nauna pa pala saakin na pumasok. Si Miggy. Mukhang di niya napansin na nandito na ko. Nakatingin pa rin kasi siya sa labas ng bintana.

"*Fake cough*" Ako. Napatingin naman siya sakin na halata mong nagulat.

"Good Morning. K-kanina ka pa d-dyan?" Nag-aalangang tanong niya.

"Hindi naman. Ikaw? Ba't ang aga mong pumasok?" Tanong ko pabalik.

"Uhm... Naisip ko lang." Sagot niya. Tumango na lang ako at lalabas na sana ng bigla siyang nagsalita.

"Teka..." "San ka pupunta?" Tanong niya.

"Library. May kailangan pa kong hanapin dun." Sagot ko.

"S-samahan na kita." Sabi niya at naglakad papunta saakin.

"Okay."

Miggy's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Pagdating ko sa Room, wala pang tao. Haaay *sigh* naiisip ko nanaman ung pinapagawa ni Thunder sakin.

FLASHBACK:

"You still want us together di ba?" Tanong niya.

"Yes!" Sagot ko. "Then make Cass fall in love with you!" Sigaw niya.

"Make what?!"

"Make her fall for you. Ligawan mo siya. Pasagutin mo siya ng 'yes'." Nabingi ata ako sa huli niyang sinabi.

"How can I do that? Bakla ako!" Sigaw ko sakanya.

"Do it if you want me back." With that umalis na siya at iniwan ako sa Room na un.

END FLASHBACK:

"Okay kalang ba?" Nagising ako sa tanong ni Cass sakin.

"O-oo naman."

"Kanina pa kita tinatanong eh." Nagulat ako sa sinabi niya. Kanina niya pa ako kinakausap?

"H-ha? Sorry. Di ko lang narinig."

"Bakit ka ba lumipat ng school?" Tanong niya.

"I heard maganda daw kasi ang turo dito." Sagot ko. "And siguro nagandahan din ako sa pangalan ng school." Dugtong ko pa. Natawa naman siya ng bahagya..?

"*laugh* Sorry. Ang babaw kasi ng reason mo." Sabi niya habang tumatawa pa rin. Habang tumatawa siya hindi ko napansin na nasa Library na pala kami. Paano ko alam? May nakalagay sa taas ng pinto.

Status: In a Relationship with a Gay!?Where stories live. Discover now