Dear Diary,
Inutusan ako ni mommy na mag-grocery. Iisang anak ako kaya lagi akong inuutusan. Minsan nga hinihiling ko na gumawa na sila ni daddy ng pangalawang anak para may iba namang utusan. Hahaha. Tamad.
Ito na nga diary, pagkatapos ko kasing mag-grocery dumaan muna ako sa starbucks. Naisipan kong magkape kasi medyo maulan at malamig. Napatingin ako sa likuran ko at doon nakita ko na naman si crush. Tumayo ako at ibabalik ko sana ang panyo nya. Kaso nakalimutan ko nailagay ko pala sa drawer. Sayang nga e, kasi kung kailang may lakas ako ng loob saka naman naiwan ang panyo.
Good night Diary.
PS: Dadalhin ko na araw-araw ang panyo ni crush.
-EJay
YOU ARE READING
The Torpe's Diary
Teen FictionTorpe, oo Torpe ako. Relate ang Author kaya ginawa ang story na 'to. Samahan niyo ang Torpe sa kanyang adventure patungo sa puso ng babaeng gusto nya.
