"Agean tulungan moko idala natin siya sa clinic!" Utos ko sa kanya na parang natataranta.

Clinic

"Oh bat parang namumutla ka Mara." Agean

Kanina pa talaga ako nanginginig sa takot dahil baka ano nang nagawa ko kay Erin.

"Ehhhhh baka makulong ako Agean."

"Ang OA mo naman! Aksidente lang naman tsaka sabi din ng nurse nawalan lang siya ng malay sa bigat mo AHAHAH chos."

Nakuha pakong inisin neto!

"Sa payat kong ito?!"

"Huh? Anong ginagawa ko dito?"

Sa wakas gising na si pamsy.

"Pamsy?! Buti gising kana."

"Oo nagising ako sa ingay niyo. Ano bang nangyari?"

"Na out of balance kasi ako sa stairs kanina tapos bigla ka nalang sumulpot ikaw tuloy nadaganan ko."

"Hah nung kasing nakita kita tataguan sana kita heheh."

Oonga pala may atraso pa sakin to ah?!

"Oonga pala! Bakit mo ko tinakasan kanina?!"

"Teka lang ha kasi wala akong maintindihan sa pinag aawayan niyo. Tutal gising kana din Erin aalis nako punta pako next class." Sabi ni Agean.

"Magkita nalang tayo mamaya baby?" Sabi ko kay Agean sabay kininditan ko siya.

Pagkatapos lumabas ng clinic ni Agean pinag patuloy ko ang pakikipa bangayan kay Erin.

"Kala mo makakatakas ka sakin ha Pamsy."

"Teka lang diba nadaganan moko? Quits na tayo"

Oonga no?

"Pero isa beses palang ako nakakaganti! Sa dami na ng ginawa mo sakin."

"Hindi naman sadya ang mga yon e."

"By the way ano pang masakit sayo?"

"Hmmm wala na."

Hay salamat

"Kung kaya mo nang tumayo diyan ituloy na natin yong scale model mamaya. Papasok na din ako sa class e."

"Sige."

Umalis nako sa clinic. Mabuti nalang walang nangyaring masama sa kanya dahil baka makulong ako ewwww ayoko pa naman sa mga kulungan dahil napakarumi doon.

classroom

"Hey miss perfect kumusta yong nadaganan mo." Rina

Ang hina ng mga boses namin habang nag kwekwentuhan dahil baka mapagalitan kami ng prof.

"Okay na siya."

"Parang nahawa kana sa kanya hahaha."

"What do you mean?" Tinignan ko siya ng nagtataka.

"Nahawa kana sa pagiging clumsy niya." Sabi sakin ni Rina

"Never!"

Inirapan kona lang siya. Nakoo baka tama nga siya baka nahawa nako sa kamalasan ni Pamsy.

Paminsan masarap kasama si Pamsy pero paminsan naman mababadtrip kana lang sa kanya dahil sa sobrang clumsy niya at napaka burara pa niya sa gamit niya at hindi pa siya marunong mag ayos sa sarili niya feeling ko hindi pa siya nag mamature. Isip bata padin siya.

Library

Nang matapos ang klase dumiretso nako sa library dahil dito kami mag kikita ni Pamsy.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Kde žijí příběhy. Začni objevovat