Ang yabang talaga neto.

Inirapan ko nalang siya.

Lumabas na kami ng apartment at tsaka nag tungo sa bahay niya. Ang sarap sumakay dito sa kotse niya. Napakalamig tapos malambot pa ang inuupuan ko pero ang nakakatakot lang ang bilis niyang mag patakbo parang nakikipag karera.

Mga ilang minuto din nandito na kami. Omaygosh ang laki ng bahay niya tama nga sa Rizza mayaman sila.

"Tara na Pamsy."

"Erin ang pangalan ko!" Sigaw ko sa kanya pano naman kasi ang pangit ng pamsy. Bagay daw sakin yun dahil pangit ako at clumsy. Hmp

"Pamsy ang gusto ko e. Wala kanang magagawa don."

"Tsk!"

Pumasok na kami sa bahay niya grabe talaga ang laki tapos napaka linis pa! Para kang nasa hotel.

Tapos ay nagtungo na kami sa kanyang kwarto.

"Wow ang laki namang kwarto mo eh parang kasing laki lang ng apartment ko to."

"Mag kasing laki lang noh pero hindi mag kasing linis tulad ng apartment mo na puro ipis at kalat pero ang kwarto ko malinis pa sa kamay mo."

"Ang yabang!"

Nung matapos ang biruan namin ay inayos na namin ang mga materials na gagamitin para sa scale model naka upo lang kami sa sahig para maluwang. Pati sahig ng kwarto niya malinis pwede na ngang higaan e.

"Gumunting ka ng colored paper pamsy wag kang tumunganga diyan." Utos niya sakin.

Nakakatamad na talaga to ayokong ayoko sa lahat ang gumagawa ng scale model.

Dahil nung 1st year college pako sa dati kong university na pinapasukan ko ay gumawa din kami ng scale model pero hindi ako tumulong sa ka grupo ko dahil sabi ko ako nalang bahala sa materials at sila ang gagawa kaya hindi tuloy ako marunong.

"Ahm eh pano ba?" Tanong ko kay Tamara.

Tinignan niya ko ng parang nag tataka

"Second year college kana hindi kapa din marunong? Kung hindi ka marunong pano ka nakapag 2nd year college?"

"Ah eh hindi kasi ako nakikipag participate nun pag gagawa sila ng scale model basta ako bahala sa materials e."

Halatang halata ko sa mga mata niya ang pag kainis. Eto nanaman siya na parang sasabog.

"Putek?! So kailangan ituro kopa sayo yan?! Pano tayo matatapos agad ha?! Pano kung naka graduate kana ni hindi ka marunong gumawa ng scale model san ka pupulutin?!"

Gosh para siyang nanay ko

"Sorry e turuan mo nalang ako mabilis naman ako matuto."

hindi na siya nag salita pa at tinuruan nalang ako pero nakikita kopa din ang inis sa kanyang mukha.

bigla nalang akong nakaramdam ng gutom hindi pa pala ako nakapag almusal kanina.

Tinignan ko ang orasan ko at 11:32am na

"uhm Tamara? Hindi pa ba tayo kakain."

Ang kapal ko e no? Makikikain ako dito pero okay lang gutom nako.

"Ayokong tinatawag akong Tamara just call me Mara okay na yon and about sa lunch mamaya pa silang 12 mag hahanda ng lunch natin dahil naka schedule ang pagkain ko dito."

12?! Ang tagal pa pero na curious ako kung bakit ayaw niyang tinatawag siyang Tamara.

"Eh bkit ayaw mo ng Tamara?"

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now