Bwisit.

Madaling araw at may oras pa siyang manggulo. Sinadya niya ba iyon para mahuli kung talagang magkasama kami ng Heneral?

---

Pagbalik, ikinwento ko kay Goyong kung anong nangyari sa labas at kung ano ang sinabi sa'kin ni Francis.

"Miho, sigurado ka ba sa iyong pasya?" Tinabihan ako ni Goyong sa kama. Hinanap ng mga mata ko ang black notebook niya at mukhang naitago na niya kung saan habang wala ako kanina.

"Hindi ko alam eh. Hindi ko alam bakit ko 'yon nasabi. Kung balak ko lang ba maghiganti o ano."

"Pag-isipan mo mabuti ang mga bagay-bagay upang wala kang pagsisihan sa huli," payo niya sa'kin.

"Oo, tama ka. Salamat, Heneral. Oo nga pala, sorry kanina. Narinig ko naman yung kwento mo tungkol sa pagkikita niyo ni Dolly, yung iba lang yung hindi ko narinig kasi lumipad yun utak ko. Tapos yun sa kwaderno--"

"Hindi ko alam na masyado mo palang sineryoso ang aking pagtatampo. At ngayon din, ay mas sigurado na akong isa kang tunay na pilya na dapat ay minsan tinuturuan ng leksyon." Natawa ang Heneral.

"Ano na nga ba 'yon? Tutuloy mo bang makipagkita sa kanya? Gusto mo ba talaga si Dolly?"

At binigyan niya ako ng isang ngiti na hindi ko maintindihan ano ang ibig sabihin.

"Ang Dolores na aking nakilala sa aking panahon ay hindi katulad ng Dolores na aking nakakausap sa ngayon. Ang ngiti at ganda ng mga mata ay parehas ngunit ang pagkatao ay naiiba. Ayon sa kanya, ang Pilipinas raw ay punung-puno ng kapangitan kaya't bago raw siya bumalik sa napakasarap niyang buhay sa Amerika ay nais daw muna niyang magpakaligaya kahit papaano dito sa bayan kung saan siya naipanganak. Wala raw problema sa kanya ang pakikipag-ugnayang pahapyaw."

Pakikipag-ugnayang pahapyaw? Ano 'yon, landian?

"Ang mga lalake raw na gaya ko ay madaling mabasa kaya't hindi ko na itinago ang sikreto ng aking pagkatao at ang aking sadya upang hindi na siya magisip pa na ako'y may masamang intensyon. Pumapayag siyang kitain ako at pagiisipan niya raw ang mga sinabi ko. Ganito nga ba ang paraan ng langit upang madama ko ang pag-ibig ng nakaraan? Ako'y nagpasyang kalimutan ang ibang mga bagay habang ako'y nabubuhay sa kasalukuyan. Sinubukan kong ibaon na ang pag-ibig ng nakaraan sa limot at sinong makapagsasabi na maaari itong bumalik muli? Tuwing siya'y aking nakikita, bumabalik sa akin ang lahat."

Ang past love ay nakaraan na dahil nabuhay ka na sa kasalukuyan na wala ito, pero pwede pa rin pala mabuhay ang nakaraang feelings-- o baka naman in the first place, hindi parin kasi ito nabura, nakatago lang sa puso at naghihintay lang na magising ulit. Nag-decide na pala ang Heneral na subukang mabuhay ng naka-concentrate sa present and future kaysa sa past. Paano na kaya ngayon?

Napaisip din ako.

"Ah.." Hanggang ganuon na lang ang salitang lumabas sa aking bibig. Speechless ako, pero sa loob ko andami ko ng naisip.

"Ganito na nga ba talaga ang ibang mga kababaihan sa makabagong panahon kagaya ng banggit ni Paulo? Hindi ko inaasahan ang pagka-agresibo ng mga desisyon at galaw na mayroon siya. Hindi ko alam kung ito'y isang pagsusulit na kailangan kong maipasa. Dahil may respeto ako para sa kanya at hindi ko kayang gawin ang ilang bagay ng dahil lamang sa nakaraan na gusto kong ibalik, nagmadali na akong umalis at sinabing may kailangan pa akong gawin. Sabi ko hahabulin ko pa ang oras ng pag-uwi ng aking kapatid. Sa susunod ay makikipagkita pa rin ako sa kanya kung siya ay papayag. Baka may pag-asa pa na sa kanya ko mahanap ang kasagutan."

"Putris! Ano sabi mo? Dinahilan mo ko?"

'Di kaya ma-bwisit sakin tong si Dolly? At ano 'tong agresibo at pagsusulit na dapat maipasa? Tintest kaya ni Dolly ang pagkatao ni Goyong? Narinig ko na naman ang salitang 'kapatid', hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot-- para kong naramdaman lalo na may manipis na harang sa aming dalawa ng Heneral.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon