Opposite~

45 4 0
                                    

Umalis ang EXO dahil meron silang concert sa ibang bansa. Kasama din nila si coordi kaya tigil muna ang trabaho mo hanggang makabalik sila. Mag isa ka lang sa cefeteria ng school mo, busy ka sa pag scroll sa cellphone mo at nag babasa ng updates. Wala din si Chanho dahil may laban sila ngayon ng soccer sa ibang school. Tinago mo sa bulsa mo ang cellphone mo at tinap ang lamesa. Napaisip ka nalang kung bibigyan mo ng pag kakataon si Chanho. After all, sya naman ang laging nakakasama mo. Hindi ka nya iniiwan kung may problema ka. Nandyan sya lagi pag masaya ka. Dinadamayan ka nya sa lahat. Nakakatawa lang na hindi nahulog ang loob mo sakanya dati, gwapo, mabait, maaalalahanin. Halos nasakanya na lahat ng bagay na magugustuhan mo, siguro dahil sa k-pop lang ang focus mo. Nagiging mahid ka para mapansin ang ibang bagay.

Tumunog na ang bell, tumayo ka na at pumunta sa classroom nyo. Di ka narin nakapag lunch. Sa dami mong iniisip, di ka na makaramdam ng gutom.

Uwian na, wala si coordi kaya mag isa ka nalang mag cocommute. Halos lagpas ka na sa school gates nyo nang biglang may tumawag sayo.

"Nami!!" Sigaw nya. Lumingon ka at nakita mo si Chanhong nag mamadaling tumakbo papunta sayo habang nalalaglag na ang bagpack nya kasi isang strap lang ang sinukbit sa balikat. Tumigil ka sa pag lakad at inintay mong lumapit sya sayo. Nung nasa harap mo na sya, yumuko sya habang nakawak sa tuhod at hinahabol ang hininga.

"Okay ka lang?" Tanong mo. Tumingala sya sayo at ngumiti.

"Oo, hinihingal lang." Sagot nya. Kinuha nya ang bag mo at hinawakan ang kamay mo. Hinigit ka nya pero di ka gumalaw sa pwesto. Nakatingin ka lang sa kamay nyong mag kahawak. Dati naman walang issue sayo pag nag hahawak kayong kamay, pero ngayon parang ang awkward na. Tumigil sya at nag titigan kayo. Narealize nya ang ginawa nya nung nahuli ka nyang nakatangin na kamay nyo. Bumitaw sya at nag ayos kunwari ng buhok.

Nagulat ka nalang nung bumitaw sya. Napansin mong natetense sya at nag blublush. Natawa ka sa reaksyon nya. Bigla mong inabot ang kamay nya at nagsimulang lumakad.

"San ka pupunta?" Tanong nya.

"Pauwi? May iba pa ba?" Tinuro mo ang direction mo pauwi gamit ang thumb mo.

"Dala ko yung kotse ko diba? Dun tayo sa school parking lot." Napakamot ka nalang ng batok.

-------------------------------

Nung umuwi ka, chineck mo ang mga blogs mo kung may update sa EXO. Nalaman mong nabalian si Kai. Tinawagan mo ang nakaroaming na number ni Kyungsoo. Tutal isa si Kyungsoo sa pinaka close mo at sya ang eomma ng EXO. Pati KaiSoo dba? So may mas alam sya since mag asawa naman yun. Charot! -beep beep beep- Iniintay mong sagutin ni Dyo ang phone nya.

"Hello?" Bati nya

"Kyungie!! Totoo bang nabalian si Kaisungit?" Tanong mo.

"Nalaman mo na agad?" Alam mong nang laki mg mata nya.

"Duh~ fan ako noh. May pakpak ang balita."

"Hahaha! Oo nga pala, nakalimutan ko. Di ka na kasi fan eh, kaibigan ka na namin." Nag blush ka sa sinabi nya, ang sweet sweet talaga ni Kyungsoo.

"Aweee~ osige bago mo pa masira listahan ko sagutin mo na tanong ko."

"Listahan? Anu?"

"Wala... kamusta na si Kai?"

"May mild na bali sa likod, pero yun lang yon. Okay naman sya. Humihinga pa."

"Haysss... salamat naman."

"Bat nag aalala ka na kay Kai?"

"EXOtic ako Dyo~ mag aalala ako sa kahit kaninong member."

"Kala ko sya na bias mo eh."

The Princess is a Knight in shining armor?Where stories live. Discover now