Sudden confession

45 4 0
                                    

Umuwi ka na sa bahay nyo at nadatnan mo ang kuya mong nag hihintay sayo. 

"Oh! Oppa, ang aga mo ata." Bati mo. Lumapit sya sayo at niyakap ka. Nag buntong hininga sya bago ka nya bitawan.

"Oppa? Bakit? May problema ba?"

"Wala, nag alala lang ako sayo. Yung trabaho bang sinasabi mo... seryoso yon?"

"Oppa naman eh! Pumayag ka na kaya." Tapos nag pout ka sakanya.

"Nami, kagagaling mo lang sa operasyon. Baka mapaano ka na nyan."

"Isang week nalang, gagaling na ako ng tuluyan. Saka hindi naman nakakapagod yung trabaho ko dun eh. Mag aassist lang ako." Sagot ko. Tiningnan ka lang nya. Halatang nag aalala.

"Okay lang ako oppa. Promise, sige po. Akyat na ako sa kwarto." Nag paalam ka na.

"Di ka ba kakain?" Tawag nya.

"Pinakain na kami ni manager don!" Sagot mo nung nasa 2nd floor ka na. Nung nakarating ka sa kwarto mo. Kinuha mo yung bagong cellphone na nasa kahon parin. Nilipat mo na ang sim mo dun pati memory card.

"Matutuwa si Sehun nito." Sabi mo sa sarili habang hawak hawak ang cp mo.

---------------------

Kinabukas. Maaga kang nag ayos sa sarili. Excited ka nang pumunta sa SMent. Iniisip mo palang ang magiging reaction ng EXO sayo. Chiiiii~! Kinikilig ka na!!! Lumapit ka sa wall calendar mo na EXO at minarkahan ang unang araw ng trabaho mo. Feb 13. Ngumiti ka sa sarili mo. *Teka? Feb 13? Bukas na ang valentines day?* Sinundo ka ni Chanho sa bahay nyo. Inaasahan mong magiging cold sya sayo pero bumalik na sya sa dati nyang sarili. Sinabi mo na sakanyang di ka na sasabay pag uwi dahil meron kang trabaho sa SMent. Nanahimik lang sya pero sumangayon din. Kwentuhan lang kayo ng kwentuhan hanggang makarating sa school. Marami ang bumati sayo sa hallway hanggang pag pasok mo sa room. Simula nung naaksidente ka. Andami nang nagbago.

Nung uwian. Papalabas ka na ng gate nang may humarang sayong tatlong babae. Nakilala mo mukha nila dahil sila ang isa sa mga queenka sa school nyo. Nag excuse ka sakanila pero tinulak ka nila pabalik. Muntik ka nang matumba pero buti nalang magaling ka mag balance sa sarili. Tiningnan ka nila ng masama. Napakapit ka nalang sa strap ng bag mo. Hindi naman ikaw yung tipong palaaway na tao. Kung tutuusin. Tahimik ka, at sa mga close mo lang nalalabas ang pagiging makulit mo.

"Masaya ka na? Na maraming nag kakagusto sayo?!!" Sabat ni Moonri ang leader ng so called group nila.

"huh?" Sagot mong nag tataka.

"Wag ka na mag maangmaangan. Ito naman talaga gusto mo dba?!" Nag aakma na syang sampalin ka pero...

"Ehemmmm..." Ubo ng isang babae. Napalingon kayo sa direskyon kung nasan nanggaling ang tunog. Nanlaki ang mata mo. *Coordi eonnie!* Lumapit sayo ang babae at hinila ka na paalis. Tiningnan nya ng masama ang mga nambully sayo. Sumakay kayo sa sasakyan nyang dala dala. Tahimik ka lang dahil ayaw mong maungkat nanaman ang nangyari kanina.

"Nami, inaaway ka ba nila? Nabubully ka ba sa school mo?" Tanong nya. Umiling iling ka lang.

"Ngayon lang po nangyari sakin yon. Di naman po ako kadalasang nabubully pero ako yng tipo ng estudyanteng wala gaanong kaibigan. Iisa lang nga po talaga eh." Tinitigian ka lang ni eonnie. Pinaandar na nya ang kotse. Nag mamasid ka lang sa labas ng bintana, nanotice mong ibang lugar ang pag dadalhan nya sayo. Pumasok kayo sa isang subdivision. Di ka nalang nag salita at inintay kung san kayo pupunta. Nag park sya sa harap ng isang puting bahay. Simple lang, hindi malaki hindi maliit. Meron din itong malalaking bintan na may mga gold na kurtina at pansin na pansin ang maaliwalas na kapaligiran. Lumabas na kayong dalawa sa kotse. Inintay mong mailock ni coordi ang pinto ng sasakyan. Lumapit sya sayo at ngumiti.

The Princess is a Knight in shining armor?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon