Warning: Foul words ahead.
-
"Tangina nyo! Muntik na 'ko masuntok ng boyfriend nung babae!"
Halos mamatay na kami sa kakatawa. Hingal na hingal parin si Nico. Pano ba naman, hinabol nung boyfriend nung babae. Pati siya ay natawa na rin sa nangyari.
"Ang epic non parehahahahahhaa!" Hindi pa rin tumitigil si Kevin sa kakatawa.
"Humanda talaga kung sino susunod!" Banta ni Nico. Siya na kasi yung magpapagawa ng dare. Sabay sabay na nagtinginan sa akin yung mga ungas.
"Tristan!!!!!!" Nagtinginan sa amin yung mga tao sa paligid. Sabay sabay ba namang sumigaw tapos tinuro pa 'ko.
"Gago wag nga kayong sumigaw!" Nakakahiya talaga 'tong mga 'to kasama.
"HUMANDA KA NA PARE!" Sinamaan ko ng tingin si Brandon. Tumawa lang ito at tinapik ang balikat ko.
"Sabihin mo na lang kasi yang papagawa mo. Dami pang arte! Tss. Easy lang naman yan!" Nginisian ko lang si Nico. Mukha namang sineryoso nito ang pagiisip dahil di niya napansin ang sinabi ko.
"Yabang mo talaga!" Natawa nalang si Brandon.
"Eh totoo naman eh. Easy easy lang tong loko lokong to sa mga dare natin! Abnormal talaga." Nagkibit balikat lang ako. Sinuntok ako pabiro ni Kevin.
Magkababata kaming apat. Para na kaming magkakapatid dahil maging ang aming mga magulang ay close din. Minsan ay sabay sabay pa kaming nagcecelebrate ng ilang mga occasions tulad ng pasko at bagong taon.
Nandito kami ngayon sa Boracay. Kaka-graduate lang kasi namin ng college kaya ito yung regalo ng mga magulang namin. Ilang linggong bakasyon. Pagkatapos kasi nito ay magtitraining na kami sa kanya kanya naming kumpanya.
Oo, para kaming mga taong kanto pagmagkakasama. Kung ano ano ang trip. Pero lahat kami ay matatalino. Lahat kami ay mayayaman. Lahat kami maayos ang buhay. Maniwala man kayo sa hindi, lahat kami responsable.
Sadyang maloko lang talaga.
Nakasanayan na naming magkaroon ng dare sa isa't isa kada buwan. Katuwaan lang. Nageenjoy naman kami kahit na minsan di maganda yung kinakalabasan.
Parang ngayon, ang dare kasi ni Nico ay mangseduce ng isang babae. Akala niya madali lang. Natuwa pa nga siya kasi makakapang chicks daw siya. Pero nung tinuro namin yung babaeng mataba na magisa sa bar, parang binagsakan ng langit ang mukha. Ginawa naman niya ito. At sa sobrang malas niya, may boyfriend pala yung babae kaya ayun muntik na magkagulo. Pero kami tawa lang ng tawa.
Tinignan ko si Nico. Mukhang may hinahanap. Nanlaki naman ang mga mata nito at napangisi. Tumingin ako sa likod, madaming tao. Madaling araw na kasi kaya nasa climax na ang party. Wild na ang mga tao at marami nang lasing. Pero kaming apat chill lang. Masaya na kaming ganito lang.
Naramdaman kong may humawak sa dalawa kong balikat.
"Pare, nakikita mo ba yung babaeng yon?" Nagsilapitan naman samin si Kevin at Brandon nang ituro ni Nico ang babae.
"Shit pare! Ang hot!" Sigaw ni Brandon.
Napatitig ako sa babae. Simple lang pero ang lakas ng dating. Nakasuot siya ng simpleng white dress pero litaw na litaw ang kagandahan nito. Morena, tama lang ang tangkad. Yung buhok ni ay nakatali kaya't litaw na litaw ang kagandahan nito.
