Minsan ay sabay pumasok sa trabaho, sabay umuwi, sabay kumain, sabay matulog. Mapagpasensiya siya sa paghihintay sa akin kapag ako ang magsasara ng coffee shop kahit inaantok na siya at kapag kailangan naman mamili ng mga kailangan sa bahay, sabay din namin itong ginagawa.

Hindi ito sa kadahilanan lang na natatakot ako na siya ay maligaw at hindi rin naman siya nag-aalala dahil mukhang nagsimula na siyang masanay sa mga pagbabago sa kasalukuyan.

Ang pagsakay ng jeepney at MRT ay kanya na ring nasubukan. Maalala ko lang ang una niyang reaksyon sa pagsakay ng mrt ay natatawa na ako.

"Panginoong Diyos! Ano ang kaganapan na ito?! Punyeta!" habang ang mga di magkamayaw na mga tao'y papasok at kami ay sumunod lang sa agos patungo duon sa loob.

Nuong mga oras na iyon ay napawi ang init ng ulo niya ng dahil sa isang pagka-landi-landing babae na nginingitian at tinititigan siya. Ang Heneral naman ay sinuklian din siya ng matamis na ngiti.

Bangis din at sa MRT nakapagpalitan pa ng landi ang dalawa! Nuong palabas na ang babae, nakahanap ako ng tyempo na tapakan ang paa niya. Napasigaw siya ngunit dahil umaandar ang mga tao palabas ay hindi na niya ako na-gantihan.

Tiningnan ako ni Goyong na may kahulugang "Bakit mo iyon nagawa sa magandang dilag?" at siya naman ay sinagot ko ng isang malupit na "Bleh!".

Sa jeepney naman ay ilang beses din namang namanhid ang aming mga katawan sa pagbalanse habang umaandar ito ng halos 1/4 na lang ng aming pwet ang nakaupo. Binulungan niya ako ng mga linyang "Mga makasarili, hindi lamang naisip ang kanilang mga pasahero na naghihirap!" at "Punyeta!" o "Mierda!" kapag biglang preno ang jeep at bigla kaming kakapit ng mahigpit para hindi malaglag.

---

Nasanay na ata kaming magkasama parati. Sadyang naging ganuon lang talaga ang nangyari- parang isang natural occurrence o parang si Kiki at Lala lang ng Little Twin Stars.

Ngunit nagsimulang matapos ang pagiging clingy niya sa akin sa araw na biglang nagpaalam siyang lumabas. Nagkausap na raw sila at niyaya siya ni Dolly na makipag-date (o ang tinatawag niya na 'pakikipagkilala') bilang pasasalamat raw sa pagsagip sa kanya.

"Ano ka ba, Goyong. Sige lang 'no, 'di naman ako nanay mo para magpaalam ka pa sa'kin. Malaya kang makipag-date," sabi ko sa kanya.

"Ngunit nais ko na ikaw ay sabayang umuwi. Kapag nakarating ako rito ng hating-gabi -ika'y aking sasabayan. Hindi nararapat para sa isang binibini ang--"

"Umuwi ng ganung oras kasi delikado? 'Wag ka mag-alala. Nako, mamaya magmadali ka pa at mainis sayo yung ka-date mo. Ok lang ako! Dumiretso ka na sa apartment umuwi, ha?"

Binigyan lang niya ako ng huling sulyap bago siya tuluyang lumarga.

---

Katangahan man tawagin pero pag patak ng 12 midnight na tapos na ang shift ko, sumilip agad ako sa labas. Tiningnan ko kung nandoon nga talaga ang Heneral habang umaasang kami ay sabay uling maglalakad pauwi.

Napatagal siguro ang date niya o sinunod na niya ang sinabi ko na umuwi na lang. Bigla ako nakaramdam ng sakit sa dibdib kaya tumigil muna ako sa isang tabi at duon ako naabutan ni Pau.

"Huy! Ikaw lang mag-isa? Asan si Goyong?"

"Ah, may ka-date siya, 'di ko alam kung asa bahay na siya."

"Ka-date?" Nanlaki ang mga mata ni Pau. "Teka, sino?"

"Yung kaibigan mong si Dolly," sagot ko.

"Ha? Ahh... bilang pa-thank you lang 'yon siguro!"

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon