"IRIS! IRIIIIISSSSS!"
Bakit parang may lindol, lumilindol ba? Tsaka may naririnig akong tumatawag sa kin.
"IRIS!! IRIS!!! IRIIIIIIIIIIIIIIIISSSS!!"
pagdilat ng mga mata ko, nakita ko si kuya niyuyugyog ako sa kama. Bwiset naman to. Natutulog ako eh.
"ANO BA YUN KUYA? NATUTULOG AKO DIBA. NAKAKAINIS KA NAMAN EH!"
"Kanina pa ring ng ring yang cellphone mo, nagising na kaming lahat pero ikaw naghihilik pa rin." Kinuha ko yung cellphone ko sa may maliit na table sa tabi ng kama ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag
Carly Rae Beksen Calling
Ano ba naman to si baklang carly, binulabog pa yung buong pamilya ko.
"Hel-.." hindi pa ko nakakapag-hello sumigaw na agad ang diwata.
"Asan ka na? Sabi ko 6:30am dapat nandito na sa tapat ng school!! BRUHA KA. Mag aalas-syete na."
"Bakit? Ano bang meron? Linggo ngayon te,wala tayong pasok, baka nakakalimutan mo." sigaw ko din
"Alam kong linggo, comprehensive exam natin ngayon. Ang shonga mo, ikaw ang makakalimutin"
"HALAAAAA!! Bakit di mo kasi pinaalala?"
"At sinisi mo pa talaga ako, bilisan mo, maligo ka na!"
*toooooot*
binaba ko na agad yung phone.
OH MY GOSH!!!!! OH. MY. GOSH. Nakakainis, nakalimutan ko talagang compre namin ngayon, kaya eto super madali na talaga ako. After kong maligo nagbihis na agad ako. Hindi kasi talaga ako pwedeng ma late eh, baka hindi ako makapag take ng exam kapag na late ako. Tsaka baka magalit yung boyfriend ko kapag hindi kami nagkita ngayon. Bumaba na ko ng hagdan at nakita ko si mama at si kuya na naghahanda ng almusal sa may dining table, at si papa naman nagbabasa ng dyaryo sa may sala.
"Ma, alis na po ko!" sabi ko kay mama sabay kiss sa cheeks nya.
"San ka pupunta??" hindi ko nga pala nasabi kay mama na ngayon ang compre namin, nakalimutan ko nga diba. Shonga ko talaga.
"Comprehensive exam po namin ngayon ma, nakalimutan kong sabihin sa inyo"
"Nako! Kumain ka muna para naman may laman yang tyan mo kapag nag-exam ka"
"Sa school na po ma, malalate na talaga ako eh. BABUSH!! Bye Kuya! Bye Papa" tumakbo na agad ako palabas ng bahay
"Mag-ingat ka" sigaw ni papa sa kin
Naglalakad lang talaga ako papuntang school walking distance lang naman kasi sya galing sa min. At dahil nagmamadali na talaga ako ngayon, sumakay na ko ng tricycle.
"Manong sa Williams University po"
Pagdating ko sa tapat ng school sinalubong na agad ako ng hampas nitong si Carly also known as Carlos Bartolome Policarpio Jr., ang tapang ng pangalan diba pero mas malambot pa sa kin yan. Hehe! Pero gwapo yang best friend ko na yan, siguro kung lalaki lang talaga to baka crush na crush ko to.
"Aray! Ang sakit. Ano ba? Isusumbong kita sa boyfriend ko."
"Assumera!! Wala kang boyfriend, wala kang love life!!"
Tama nga ang narinig nyo, assumera lang talaga ako. Ang totoo nyan, wala talaga akong boyfriend, sa panaginip lang lahat ng yun. Kelan ba kasi dadating ang lalaking para sa kin, di naman sa pagmamayabang pero maganda naman ako tsaka matalino pero hindi pa din ako nagkakaron ng jowa ever since. Kung sa panaginip siguro marami na kong asawa tsaka anak.
YOU ARE READING
I Swear
Teen FictionI can’t take it anymore. I can’t take it any longer. It exhausts my mind It destroys my heart I wounded you too much I think you don’t deserve that pain I am not worthy to be loved by you. I’m very sorry Good Bye Love, Fool ~~~ Ano nga ba ang feel...
