CHAPTER ONE

10.5K 183 12
                                    

CHAPTER ONE

TAHIMIK na hinuhubad ni Iona ang suot niyang unipormeng camougreen nang lumapit ang batchmate niya sa training na si Albert. Kasalukuyan siyang nasa tabi ng pintuan ng malaking auditorium sa campo at nag-aayos ng kanyang mga gamit.

"Mate, saan ang assignment na nakuha mo?" tanong nito. Isa ito sa mga pinakamalapit sa kanya kahit pa magkaiba ang company nila sa training. Kakatapos lang nilang makagraduate sa Field Training Program nila at ibinigay na sa kanila kung saan sila na Police Community Precinct madedestino.

Anim na buwan ang ginugol nila sa training para sa Public Safety Basic Recruit Course sa Camp Vicente Lim sa Laguna, at nang matapos silang marecognized ay nag-undergo ulit sila ng anim na buwan para sa Field Training Program. Mas pinili niyang sa Calabarzon mag-apply kaysa National Capital Region dahil mas malaki ang quota na kukunin sa mga aplikante.

"Mukhang sa Cavite ako maitatapon, mate." aniya habang niluluwagan ang sintas ng suot niyang combat shoes.

"Hindi pala tayo magkakasama. Magkita na lang ulit tayo sa training natin sa Scout." ani Albert na tinapik ang kanyang balikat.

She, Iona Alvarez, a newly recognized Police Officer at magsisimula na ulit ang duty niya sa istasyon. Lahat ng test mula sa screening pag-apply ay nalampasan niya ang mga iyon. Nagsimula siya sa General Physical Exam, sumunod naman Neuro test, Agility, Medical, at Final Interview. Likas siyang matalino kaya naipasa agad niya ang unang sabak niya sa Criminology Licensure Exam at sa National Police Commission PNP entrance exam.

"Sus, matagal pa ang training natin sa Scout. Hindi ka ba napapagod mabugbog? Ipahinga mo naman ang katawan mo, mate." Natatawang wika niya at sinabayan ng marahang pag-iling.

"Kahit na, sa totoo lang hindi ako makapaniwala na pulis na talaga tayo. Sa tindi ng pinagdaanan natin hindi ko akalaing maisusurvive natin lahat iyon." anang lalaki habang inaayos nito ang mga gamit sa malaking bag na kulay itim.

"Para ka namang baliw, baka mamaya pati sa pagtulog mo niyan ay katabi mo pa sa higaan ang tsapa mo." Biro niya rito.

"Aba oo! Nirerecite ko pa nga ang badge number ko hanggang sa makatulog ako."

"Naku! Huwag kang mamihasa ng ganyan. Baka sa susunod kapag may neuro test ay hindi ka na naman pumasa." Pang-aasar niya sa kaibigan.

"Neurotic na kung neurotic basta masayang-masaya ako ngayon!" tila nagniningning ang mga mata nito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niyang nakailang apply ito sa PNP dahil dalawang beses itong bumagsak sa Neuro test pa lang sa screening.

"Whatever. Saan ka bang PCP iaassign?" seryosong tanong niya. Narining niyang nagbuntong hininga ito.

"Sa bundok mate. Sa Tagkawayan sa Quezon Province, PCP two, station four. Nakakaasar nga eh ang layo ko sa kabihasnan."

"Huwag kang bitter. Mag-ingat ka na lang doon. Balita ko kasi may kaso doon na sinalakay ang presintong mapupuntahan mo."

Napakibit ng mga balikat ang lalaki. "Una-una lang yan!" wika nito. Inilagay nito ang baril sa gunbag na nakasabit sa balikat nito.

"Alam mo na ba kung sino ang magiging buddy mo sa bago mong assignment?" tanong uli niya rito.

"Wala pa akong balita mate. Baka pagdating ko na siguro ng Quezon."

"Meron ka bang kasama galing sa company mo?"

"Wala nga eh. Nakaka-lowmoral talaga oh. Kung pwede lang mamili ng assignment." Naiinis nitong saad.

MAN IN VIOLET PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon