xx Chapter 9 xx

365 10 4
                                    

-

Chapter 9 ~ Kuya wag po!

[Eira Adrienne's POV]

**RING.RING.RING**

Ohlala! Ano ba itong Alarm Clock na ito, naunahan ko pa eh! Hehe. Kanina pa talaga ako gising kaso hindi pa ako tumatayo, syempre iniisip ko yung nangyayari sa 1st day ko.

Second year College na ako, course ko? Alam niyo na eh, pero for the sake of others na makakalimutin, architecture po.

Bumangon na ako at bumaba. Nagluluto na si Kuya Jayden ng breakfast, nasabi ko na ba sa inyong magaling magluto yan? Chef palang namin yan! Mas prefer naming wag ng mag-hire ng kasambahay oh kahit driver kasi gusto na naming maging independent kahit papano, and laki nadin namin. 

Pero syempre yung allowance at bidget kina Mama. Wala pa kaming trabaho, students palang kami. Focus muna dun.

Nasa school na kami. Whoah! Ang ganda talaga dito tsaka ang lively. Mukhang mag-eenjoy naman ako dito, hindi naman ito elite school. Yung ordinary university naman. Hay.. wala pa akong kaibigan dito o kakilala man lang maliban kina Kuya.

.....ay sila Giovanni at Henson pala. Oh well.... (=__=) Nasan na kaya mga yun? Pumasok na kaya sila?

Lumakad na ako papuntang room, humiwalay na ako kina kuya kasi nga diba Third Year na sila tsaka magkaiba kami ng course so malamang magkaiba ng building.

Habang naglalakad ako, mag nabubunga-ngaan sa corridor ..

"Halika na kasi! Lesheng babae to oh!" 

"Eh di naman natin alam yung room kung saan eh! Baka maulit pa yund dati! Hmpft!"

"Edi tayo na mismo maghanap! O kaya patuloy tayo sa guard!"

"Eeeeh! Ikaw na. Balikan mo nalang ako pag nahanap mo na. Hoho"

"Hanubayan! Bakit ba ang tamad mo! Kahit kelan talaga oh!"

"Eh di mo ba nakikita gurl! Nagsa-site seeing ako eh. Daming papabol!"

"Eh kung kutusin kaya kita, bahala ka nga diyan! Tse!"

"Hello! Di niyo ba alam yung room niyo?" in-approach ko sila wearing a big sweet smile.

Nilapitan ko sila kesa naman nagsisilabasan na yung mga ngala-ngala nila kakasigaw sa corridor, nakakahiya na din sa mga dumadaan. Kaya eto, isa akong concern citizen. Haha. At syempre, NEW FRIENDS! Aba, transferees din naman tong dalawang babaeng to e, di nga nila alam room nila.

"Oo bakit?" sabay tinaasan ako ng kilay. Aba! Tutulungan na ngalang magtataray pa ang bruha!

"Matutulungan mo ba kami? Kung hindi, ay naku, tabi-tabi po" sabi nung isa.

Ang tataray ng mga to ah. Ngapala, medyo kabisado ko nadin tong school kasi nung nag-inquire kami nila kuya, nilibot nanamn to. Hanggang dun sa likod, may garden pa nga eh, ang ganda dun. Teka, may kausap pa nga pala ako.

"Ahh oo sana, kaso mukhang ayaw niyo ata. Sige diyan nalang kayo. Walang sisihan kapag naligaw kayo ah. Byieee" sabi ko sakanila. Aba syempre, may pride din naman ako no. Hehe.

Tinalikuran ko na sila, at maglalakad na ulit papuntang room ko.

"Teka lang!" lumingon ako sakanila. " Pasensya na! Mukha ka namang mapagkakatiwalaan, oh eto ung room # namin"

Oh kitamo! Bibigay din sila. Nyahaha! Sinamahan ko na sila sa room nila, same building din kasi parehas kami ng course.

Habang tinutungo namin yung rom nila, nagkwento naman sila ng nagkwento. Daldal din pala ng mga to, kwentista sila. Akala ko mataray sila na brat. Ngayon pala, kaya ganun approach nila sakin kanina kasi once na silang nagpatulong noong 1st year college sila sa kapwa nila estudyante para hanapin yung room nila.

When LOVE and HATE Collide [ONGOING]- On HoldWhere stories live. Discover now