xx Chapter 3.3 xx (Special Chapter)

432 9 0
                                    

-

Chapter 3.3 ~ (Just Want to clarify some things and please do read the Author's Note. ) (Very Short Update)

[Prince Ezekiel Henson's POV]

Nasa bahay na ako ngayon galing sa bahay nung kambal na si Kevin at Jayden Vincent at yung bunsong kapatid nilang nakakairitang si Eira.

Seriously, bakit ganun yung babaeng yun? Bakit napaka-energetic nun, na-overdose siguro yung sa kakainom ng Enervon. psh. (=__=)

"Ayan kasi nagagawa ng love love na yan. Dapat kasi friends nalang, saka na yung ganyan. Tapos ganun din, magbe-break din sa huli. Wala din. Psh"

Aissh!!! Bumabalik balik padin yang mga salitang lumabas sa bibig ni Giovanni kanina. Takteng yan oh! Kailangan talagang ipamukha sa akin? (>__<) Yan lang naman ang dahilan ng pagkawalk-out ko kanina.

Sinasadya yata akong patamaan ni Giovanni kanina, alam ko naman kasing AGAINST siya sa mga pinaggagagawa ko. Ayaw niyang ituloy pa ang ginagawa ko. Pinipigilan niya ako sa mga binabalak ko. 

Sa pagbabalak kong makuha ulit siya. 

 Nagmumukha lang daw akong TANGA.

Naging cold ako at hindi maganda ang trato ko ibang babae katulad nalang kay Eira dahil sa simpleng dahilan lang at napakababaw. At wala akong pakialam kung sabihan niyo ako ng napaka-immature ko at napakawalang kwentang dahilan pero ayoko lang talagang maituon ang atensyon ko sa ibang babae dahil nasa iisang babae ang lahat ng atensyon ko ngayon. How immature right? AT SOBRANG BABAW.

Nasa kanya padin ang atensyon, isipan at puso ko. Sa kabila ng paggagago niya sakin, mahal na mahal ko padin siya.

Gumagawa padin ako ng paraan para mabawi ko lang siya sa damuhong yon!

Lumipas man ang mga panahon, nandito padin akong naghihintay na bumalik siya sa akin. Handa akong tuparin yung mga sinabi ko sakanya dati kahit alam kong wala naman siyang pakialam doon.

Pero sorry nalang, hindi padin ako sumusuko. Nandito padin ako.

Naghihintay.

Umaasa.

Umaasang mahalin mo ulit ako kahit alam kong malabo na yung mangyari.

I'm still yours but unfortunately you're not mine anymore.

Faithful padin ako sayo kagaya noong mga panahong tayo pang dalawa.....

Iniiwasan ko ang ibang babae kagaya ng dati gusto ko sayo padin ang lahat ng atensyon ko......

Sayo ko lang talaga naipapakita ang tunay na ako .............

Umiiwas padin ako sa mga bagay na alam kong makakasira sa atin ....

AYSHIT LANG! Nababaliw na ata ako dito! Makakasira sa atin!? Ha-Ha! Isang malaking joke ang sinabi kong iyon!

Matagal na palang sira ang salitang 'TAYO'

HOW IMMATURE AND PATHETIC I AM! 

Pero, eto lang talaga ang nasa damdamin ko ngayon ...

Nandito padin ako, nagmamahal sayo kahit na iniwan mo lang ako sa ere. Handa padin akong tanggapin ka. 

Umaasa padin akong babalikan mo ako.

Ganito kita kamahal sa kabila ng panggagago mo sa akin....

Aaliyah Glensmith.

-

Author's Note:

Sorry at may siningit pa akong Chapter. Hehe. Atsaka napakasabaw naman netong Update na ito (=___=) Pasensya na, madaling araw na kasi eh at antok na antok na ako, basta aayusin ko nalang ulit to kapag may time na.

Gusto ko lang mabigyan kayo ng 'clue' sa past ni Ezekiel at kung bakit ganun siya . At para hindi masyadong magulo, may binago kasi ako sa plot eh. Hehe. Pero soon malalaman niyo na talaga kung ano ang Past niyang Ezekiel na yan! Hehehe.

Salamat sa pagbasa neto! ^___^V

xx♥xx

When LOVE and HATE Collide [ONGOING]- On HoldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant