Chapter 5: Gabbitt?/Lalai?

80 3 2
                                    

Chapter 5: Gabbitt?/Lalai?

-------------------------------

A/N: Hey guys! Sorry if ngayon ko lang ulit na UD ang TGIFI kasi I am still on vacation. Bonding2 rin kami ng mga cousins. Hehehe.

Btw, this chapter is dedicated to @LaLaLaLady kasi wala lang. HAHAHA joke po. Gusto ko lang ithank you siya sa pagdedicate ng story niya sa akin. Yung Undying Love Story of Ours (plug guys. basahin ninyo. Maganda talaga ang pagkasulat. Swear. Kung hindi kayo nagandahan, sakalin niyo nalang ako. I'm always ready. HAHA). So, thank you po.

Stop the chitchat. Here's Chapter 5. enjooy! :)

-------------------------------

Gabbitt's POV

"Ivan, okay ka lang? Bakit parang iba ang reaction mo na partner mo si Yssa? Dapat nga thankful ka kasi siya ang magiging partner mo." May nagtatanggol pa kay Lalai ha? Naku! Kung alam mo lang ang rason kung bakit sir.

"KASI CRUSH NI IVAN SI YSSA SIR!" Sinigaw pa ni Mike. Hindi kaya! Mamaya pag-uwi ko babatukan ko talaga to si Michael.

Nag "ayeee" naman ang mga kaklase ko at tumawa pa si Sir Cres. Tama ba iyon? Naku! Kung hindi lang talaga siya teacher baka nasuntok ko na siya. Badtriiip. >_____<

"Sir, wag po kayong maniwala sa kanya. Yung unggoy na yun, magugustuhan ko? In her dreams."

"Ivan, masyado kang defensive. Parehong-pareho talaga kayo ni Yssa ng reaction kanina. May tinatago ba kayo?" Nag grin pa si sir.

May nalalaman pa siyang ganon ah? Ano ba to? Ang lakas ng trip nila ngayon ah.

Teka. Ano raw? Parehas kami ng reaksyon ni Lalai? I know that will happen. Loko na 'to. -_____-

"Wala sir. -_____-"

"Yun naman pala eh. HAHAHAHA. Anyways, you may ask her kung anong group kayo. You may now take your seat."

"Uhm sir, pwede sa'yo nalang mag ask kung asan ako nabelong na group? Baka takbuhan ako ni Yssa kapag lumapit ako sa kanya."

Sir, pumayag kana. Please. Baka mamamatay talaga ako ng maaga nito. :(

The Guy I Fell Inlove WithWhere stories live. Discover now