Chapter 11: Unknown feeling

22 2 2
                                    

Pumasok si Lalai sa kanilang bahay pagkatapos siyang (sort of) ihatid ni Gabbitt sa tapat ng kanilang gate. Gusto niyang takbuhin ang daan papuntang kuwarto niya. Hindi niya kasi naiintindihan ang naramdaman niya kanina.



Bakit mabilis ang tibok ng puso ko nung nililink kaming dalawa ni Gabbitt? I hate him, for goodness sake! Pero yung naramdaman ko kanina nung nagkatinginan kami habang sabay na kumanta? Hindi ko pa naranasan iyon sa ibang lalaki. Kahit sa mga pinsan kong mga lalaki at tsaka kay papa, hindi pa talaga. Lalo na kay Mike na (well, close kami, I think?) isa sa mga kakilala ko mula nung nagkaroon ako ng muwang sa mundo.



May... anong tawag nun? Sparks?




Pero hindi talaga eh. Hindi iyon pwede maging sparks! Kaso, dahil nga sa hindi ko pa ito naranasan kahit kailan (note: note even once), the feeling's so foreign to me.



Ayaw ko itong maranasan! I'm still young! 8 years old, seriously? Kailangan ko na talagang makausap ang mga bestfriends ko regarding this... unknown feeling.



Dahil nga malalim ang aking iniisip ay hindi ko napansin na kanina pa may taong nakatayo sa aking harapan. Kung hindi lang niya ako hinawakan, hindi ako maibabalik sa realidad na mabilis ang mga naging hakbang ko papuntang kuwarto ko at hindi mapuputol ang malalim kong iniisip.



"Anong iniisip ng aking nag-iisang anak? Bakit hindi man lang ako nakita?" This voice... "Papa? Akala ko po umalis na kayo ni mama pabalik ng Madrid pagkatapos mo po akong ihatid kanina sa school?" Nakapagtataka kasi hindi ugali ni papa na hindi matuloy ang mga plano niya kagaya ng pag-uwi sa bahay namin doon para samahan ang mama ko sa pag-asikaso ng ibang business namin doon.



"May nakalimutan lang akong importanteng dokumento sa opisina ko dito sa bahay, anak. At tsaka, matagal nagising ang mama mo." So that explains it all. May mga araw kasi na ganito si mama: matagal gumising kasi puyat kakabasa ng mga reports na binibigay ng mga empleyado namin sa Madrid through e-mail and other things. "So, since nasagot ko na ang tanong mo Lalai, sagutin mo na ang tanong ko kanina. Ano ba ang iniisip mo kanina na hindi mo man lang ako nakita? Nakakatampo, anak ah? Kanina pa kita tinatawag eh."



Ganon ba talaga kalalim? "Pasensya na po, papa. Malapit na rin kasi ang foundation day sa school kaya nag-iisip ako ng pwedeng ma contribute na steps sa dance namin since sa jive ako napunta." Habang nagsasalita ako kay papa ay naramdaman kong hindi siya kumbinsido sa aking paliwanag. Hindi naman ako nagkamali dahil may pahabol pa si papa na, "Sigurado ka ba Lalai? Baka may iba kang pinoproblema na hindi mo kayang sabihin. Handa akong makinig sa'yo kapag handa ka ng sabihin sa akin." Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga magulang ko dahil hindi naman sila nagkulang sa akin. Sila pa ang naghahanap ng paraan na maging open ako sa kanila kahit anong oras. Kaya mahal na mahal ko sila eh.



Magpapasalamat na sana ako kay papa kung hindi siya tinawag ni mama na kakalabas lang galing sa kusina. Mukhang naghahanda siya ng mga pagkain na dadalhin nila para sa biyahe mamaya. "Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ng papa mo ah? Okay ka lang ba?" Kung concern sa akin si papa, mas concern si mama sa akin (times it by three). "Yes, ma. Tsaka gusto ko po sanang magpaalam sa inyo bago kayo umalis na papupuntahin ko sina Gile, Nikki at AJ dito sa bahay. Gusto ko po silang makasama since hindi kami nakapagbonding dahil galing sila sa ibang lugar noong summer. Okay lang po ba?"



Alam ko namang papayagan nila ako dahil wala akong kasama dito sa bahay bukod sa mga katulong namin at tsaka wala kami nagkausap ng maayos kanina, pero gusto ko pa ring magpaalam sa kanila. "Oo naman. Welcome na welcome sila. Just remember to check and lock the doors before you sleep, okay? Baka kasi makalimutan ng mga katulong natin dahil sa pagod sa mga kani-kanilang ginawa." Tama nga naman. I should take note of that. "Walang problema po. So, kailan kayo aalis?" Napansin ko kasing nakabihis na silang dalawa, eh. "Ngayon na anak. Pasensya na, anak, babawi kami sa'yo pagbalik namin dito. Okay? We gotta go. Always remember that we love you. See you soon!" Pagkatapos itong sabihin ni mama ay sabay nila akong hinalikan sa magkabilang pisngi at nagmamadaling umalis ng bahay.



Sa tingin ko late na sila sa flight nila kaya sila nagmamadali. Maliligo muna ako tsaka ko tatawagan ang mga bestfriends ko kung kailan sila darating dito sa bahay. I really need to talk to them about this unkown feeling. Seriously.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Guy I Fell Inlove WithWhere stories live. Discover now