He kissed her passionately, and once again, they ended up in bed making love. Nakatulog siyang muli yakap-yakap ang dalaga. When he woke up, wala ito sa tabi niya. He felt empty inside. Gusto niya ang pakiramdam na matutulog at magigising siya sa piling ng dalaga. Hindi niya nanaising mawala ang ganoong pakiramdam. So, he promised himself that he will do anything and everything to keep her.

Bumaba siya sa komedor at nakita niya ang mga pagkaing hinanda ng dalaga. He was beaming with happiness. He was about to call her attention when he felt something weird. Kakaiba ang katahimikan sa buong kabahayan. And, she was nowhere to be seen. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya gustong pahintulutan ang anumang mga negatibong kaisipan. Hindi niya makita ang dalaga sa sala o sa garden. Wala rin ito sa likod-bahay.

Kinakabahan na siya. "Huwag mo ako biruin ng ganito." nanggigigil na bulong niya. Habang patungo siya sa silid ng dalaga ay siya namang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang closet nito. Pagbukas niya ay nanlumo siya sa nakita. The closet was empty. It was deserted, and so was he.

Gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. Hindi ba't ilang beses nitong sinabi na mahal siya nito while they were making wild, hot and passionate love? Anong nangyari? What would have gone wrong? Nagsinungaling lamang ba ang dalaga?

No! She loves me. Nararamdaman ko iyon. Mahal ako ni Kimmy. Oh God! napaupo ang binata sa naroroong kama. Sinapo ng dalawang palad ang mukha pagkatapos ay lumipat ang mga ito sa kanyang ulo pasabunot sa kanyang buhok. She was gone...again. Sa pag-angat niya ng mukha ay may napansin siya sa harap ng salamin sa may tokador. Mabilis ang ginawa niyang paglapit dito. When he got nearer...What the--! Tulalang napatitig lamang siya sa mga bagay na iniwan sa kanya ng dalaga.

There was a letter, and a...necklace! Her necklace.

One week had passed by unnoticed. Isang buong linggong halos nagmukmok lang ang dalaga sa kanyang silid. She was hurt. Terribly. Dahil sa katotohanang balewala lang siya sa binata. Ni hindi ito tumawag o nagparamdam man lang. But she waited still. Siguro naman sa isang linggong hindi siya pumapasok sa opisina ay mapapansin nitong wala siya.

Kahit kailan talaga, malabong magkatotoo ang mga panaginip. Mapait na naisip ng dalaga.

That weekend ay nagpasya silang magkapatid na umuwi sa Tarlac. Naroroon ang angkan ng kanilang ama. Matagal na panahon na rin silang hindi nakakauwi kaya napagpasyahan na rin nilang magbakasyon roon kahit dalawang linggo lang. Pero bago sila lumuwas ay nag-iwan muna siya ng kanyang resignation letter sa DVM Advertising.

She and Allie thinked it was high time to make ammends to their father's relatives. His father was born and raised in Tarlac. Kaya narito halos ang mga kamag-anakan ng ama. Sumama ang loob ng mga kapatid nito sa biglaang paglayo nilang magkapatid. Nilulunod niya ang sarili ng guilt nang mga panahong iyon. Nagrebelde rin siya. She almost ruined herself. Hindi siya sinipot ng groom niya, at namatay ang ama niya. Nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng isang araw. Ngayon, handa na siyang harapin ang mga ito. Handa na rin niyang ipagtapat ang isang bagay na hindi niya maaaring itago sa habang panahon.

Nagngangalit ang mga bagang na nilamukos ng binata ang isang letratong galing sa isang private imbestigator. Naging habit na niya ang maglamukos ng mga papel sa nakaraang isang linggo. Una ay iyong iniwang sulat ni Kimmy sa kanya, na bandang huli ay plinantsa rin niya. Second was her resignation letter. Hindi niya lang iyon nilamukos. Bago iyon ay pinagpira-piraso muna niya ang kawawang papel. At ang ikatlo ay ang ngayo'y lukot-lukot nang letrato na kasalukuyang hawak niya.

Kuha iyon ng isang pamilyar na lalaki at isang babae na kahit sa anong anggulo pa ay kilalang-kilala niya. Sa letrato ay malinaw na malinaw ang pagkakahawak ng lalaki sa mga kamay ng dalaga na nakapatong sa isang pabilog na mesa. Magkaharap ang mga ito sa mesa sa loob ng isang kilalang coffee house. Lalong uminit ang ulo niya. Hindi niya mapapayagan ang kalokohang iyon ng dalaga. Lalo na ngayon.

Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon