Chapter 1: Oh Shoot!

88 7 7
                                    

Chapter 1: Oh Shoot!

[Aleena’s POV]

As sly as a fox, as strong as an ox

As fast as a hare, as brave as a bear

As free as a bird, as neat as a word

As quiet as a mouse, as big as a house

All I wanna be, all I wanna be, oh

All I wanna be is everything

Hayy. Ang sarap lang mag-jogging kapag ganitong oras. Yung hindi pa masyadong mainit tapos wala pang masyadong tao sa paligid.

Naupo na muna ako saglit sa isang bato habang pinupunasan ang mga tagaktakan kong pawis.

Patuloy lang naman sa pag-play yung iPod ko kaya napapakanta na rin ako.

♫ "As pretty as a picture hanging from a fixture

Strong like a family, strong as I wanna be

Bright as day, as light as play

As hard as nails, as grand as a whale

All I wanna be oh, all I wanna be, oh--OH.MY.GOSH."

"Grrrrr. Arf! Arf!"

Napatigil ako sa pag-kanta nang may makita akong aso sa harapan ko. Bakit parang galit na galit siya sa'kin? Wala ba sa tono yung pag-kanta ko? Magaling naman ako kumanta ah? Singer nga ako e. Oo, singer ako. Sa banyo. -_-

"Arf! Arf!" Tahol sa'kin nung aso habang unti-unting lumalapit papunta sa'kin. Err. Natatakot ako. Baka kagatin niya 'ko.

"Ah. D-doggie. H-hello." Sabi ko habang medyo nangangatal yung boses ko. Takot ako sa aso. T_T

"A-aalis na ak-ko ha? Hehehe. B-bbye, doggie." Sabi ko at kinuha ko na yung bote ng tubig na nasa tabi ko at humakbang na palayo.

Nakakailang hakbang na 'ko ng dahan-dahan pero nararamdaman kong sinusundan pa rin ako nung aso. Ano bang kailangan niya sa'kin? Lumingon ako at tiningnan yung asong kanina pang nakabuntot sa likod ko.

"Grrrrrrr." Yun agad ang bumungad sa'kin pagka-harap na pagka-harap ko sa aso. Tumutulo yung laway niya. Sht. Tatakbo na ba 'ko? Tatakbo na ba'ko? Pero di'ba sabi kapag tumakbo ka lalo kang hahabulin nung aso? Oo, tama. Kalma lang. Mag-lalakad lang ako ng normal.

Lakad lang..

Lakad lang..

"Arf!"

"Waaaaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko at kumaripas na ako ng takbo. Wala akong pakialam sa sabi-sabi na 'yan. Kailangan ko pang mabuhay.

"Arf! Arf! Arf!" Patuloy pa rin yung aso sa pag-habol sa'kin. Ako naman, patuloy pa rin sa pag-karipas ng takbo.

May nakita naman akong isang mataas na gate. At dahil nasa bingit na ako ng kamatayan, kahit alam kong masama ang trespassing, aakyatin ko pa rin 'to. Sigurado ako, hindi na 'ko maaabot nung asong ulol na yun dito.

"Arf! Arf!" Aish. Ayan na yung aso.

Inakyat ko lang yung gate at saktong pag-dating nung aso sa may tapat ng gate e nahulog na agad ako sa loob nun. Aray lang ha? Ugh. Pero, ayos na rin 'to. Kesa naman lapain ako nitong aso. -.-

"Arf! Arf! Arf!" Tahol nung aso sa'kin na parang galit na galit. Ako naman, dinilaan ko lang siya. Oo, ako na isip-bata. E masaya lang ako kasi nakaligtas ako.

Nung napagod na kakatahol yung aso at hindi naman niya ako maabot e umalis na rin siya. Hayy, salamat.

Aalis na rin sana ako kaso napansin ko naman yung bahay na nasa harap ko at nag-taasan naman lahat ng balahibo sa katawan ko.

Err. Anong klaseng bahay 'to? Mukhang haunted house na ewan.

Ewan ko kung anong gagawin ko pero nahuli ko na lang ang sarili ko na nag-lalakad papasok sa loob nito.

"Ah. T-tao po? May tao ba dito?" Sabi ko habang binubuksan ko yung pinto at halos mamangha naman ako sa nakita ko nang makapasok na ako sa loob.

Sobrang ganda. Ang linis-linis. Ang ayos-ayos. Basta ang ganda-ganda. Kung anong kinapangit nito sa labas, siya namang kinaganda nito sa loob.

Nag-ikot-ikot ako sa loob pero wala naman akong makitang tao. Wala bang nakatira dito? Sayang. Ang ganda pa naman tapos iniiwan lang nila? Ni hindi nga naka-lock e. Hmm. Sabagay, wala naman sigurong mag-lalakas loob na pumasok dito kasi mukha naman talaga 'tong haunted house na ewan sa labas. I mean, yung may mga vines na nakapalibot dito tapos basta. Marumi at nakakatakot tingnan.

Nagawi naman ang mata ko sa isang kuwarto. Ewan ko pero parang may espiritung nag-sasabi sa'kin na pumasok doon. Nag-lakad ako papalapit dito. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Parang.. Parang may kakaiba?

Bigla namang may humawak sa balikat ko. "What are you doing here?"

OH SHOOT!

--

Pasensya kung maikli. Hanggang dito na lang po muna. Mehehe. :)

Saving Lives [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon