FRRF 25

2.4K 96 3
                                    

ALDEN'S POV

"Babe. Emergency call lang. Wait ha." Paalam ko kay Maine. Kasama pa din namin si Shaira. Kumakain sila parehas ng ice cream.

Ewan ko ba. Ang weird nilang dalawa. Dati kapag magkakasama kaming tatlo, parang parinigan sila ng parinigan. Ngayon naman parang close na di mo maintindihan. Hay. Girls talaga.

"Hello?" I answered the call.

"Hoy Alden! Ano na? Di ka na tumawag diyan. Ready na ang lahat. Papunta na ba kayo?" Aish. Ang ingay talaga ni Joan. Tsk.

"Opo Maam. Papunta na sana kaso yung bestfriend mo po nagta-tantrums pa."'

"Nako. May topak lang yan. Ganyan talaga yan. Hahaha. Osiya dalian niyo na kundi sasapakin na naman ulit kita."

Flashback

"Oh brad. Ikaw ng kumausap sa bestfriend ni Maine."

"Samahan mo na ko Mon." Pakiusap ko kay Mon.

"Ayoko nga. Parang di mo naman kilala yang si Joan. Daig pa lakaki kung manapak e."

"Dali na Mon." Pangungulit ko pa.

"Ayoko nga brad. Ikaw na. Ikaw naman magpapatulong sa pagpopropose mo diba?" Pinindot niya na yung doorbell at nagtatakbo. "Antayin kita sa kotse!"

Aish. Loko talaga yun. Maya-maya lang ay bumukas na yung gate. Take note, sinadya ko pa siya sa Davao ha.

"Alden?" Gulat na tanong niya ng mabungaran ako.

"Uy Joan. Hi. Kamusta ka na?" Act natural Alden.

"What do you want?" She asked coldly.

"It's about Maine."

Sinuntok na niya ko agad sa braso. "Anong ginawa mo sa bestfriend ko?!"

"Chill Joan. Ano kase-"

"Chill? Seryoso ka ba? Bestfriend ko ang pinag-uusapan tapos chill?"

"Wala pa nga tayong pinag-uusapan dahil diyan sa pagiging OA mo e."

"Aba! Loko ka pa din a!" Sinuntok na naman niya ko. "Ano nga!"

"A-ano kase. Magpapatulong sana ko sayo." Di siya kumibo. "Gusto ko ng magpropose kay Maine."

"May toyo ka ba?"

"Banat ba yan?" Naguguluhang tanong ko.

"G*go! Ang ibig kong sabihin, nahihibang ka na ba? Paano mo papakasalan si Maine eh matagal na kayong hiwalay."

"Kami na ulit. Di mo alam?"

"Ano? Eh kaya naman pala kinalimutan na ko ng lukaret na yun ay dahil kayo na ulit!"

"Baka nakalimutan niya lang magkwento."

"Nakalimutan? Sa mismong bestfriend niya pa!"

"Ang drama mo naman. Ano nga tutulungan mo ba ko o hindi?"

"HINDI!"

"Maka-hindi naman. Bakit?"

"Kase ayoko sayo! Iiwan mo na naman ulit si Maine. Masasaktan at iiyak na naman bestfriend ko."

"Sorry.. But I really love Maine Joan. Kung ano man yung nangyare noon, it's all in the past now. Alam ko galit ka sakin dahil sa nangyare samin, pero I can assure you that I love her before and I still love her until now. So please Joan, help me. I really want to marry your bestfriend."

Matagal niya kong tinitigan lang. She sighed. "Fine. Alam kong sobrang saya ngayon ni Maine. Deal." Saka niya inalok yung kamay niya for handshake. Aabutin ko na sana yun ng bigla niyang itinaas at sinapak ako sa mukha. "Para yan sa pagpapaiyak sa bestfriend ko." Isa pang sapak ang natamo ko.

"Oh para san naman to?" Nagtitimping tanong ko. Kundi lang to babae, kanina ko pa to pinatulan e.

"Hmm. Ewan. Advance? Sige babush! Tawagan na lang. Kunin mo number ko sa phone ni Maine. Ikaw ma dumiskarte kung pano. Bye!"

End of flashback

Yun yung gabing umuwi ako kay Maine na puro pasa ang mukha. Nagalit pa nga siya dahil akala niya sumama pa ko mag-bar kila Mon e. Di niya alam bestfriend niya nanakit sakin.

"HOY ANO NA ALDEN! Aba akala mo ba madali ang pinapagawa mo sakin? Davao to Batangas ang biniyahe ko ha. Nakakaloka! Tapos akala ko pa tutulungan ako ng tropa mo sa pag-aayos, aba yun nagsipaglanguyan na silang lahat na akala mo mga sirena!"

"Oo na po. Sorry na. Teka, kasama pala ni Maine si Shaira. Kausapin ko kaya na pumunta diyan?"

"HUWHAAAAT?! SERYOSO KA BANG ISASAMA MO YUNG BABAENG YUN?! PLEASE LANG ALDEN KUNG MAY BALAK KA PANG PAKASALAN KA NI MAINE HINDI MO ISASAMA YANG BABAENG YAN!"

"Wow. Highblood lang? You three are the best of friends." Yes. Nasabi na ba sa inyo ni Maine yun? Sanggang dikit yang tatlo na yan kaya hindi ko malaman kung bakit biglang parang magkaaway na sila.

"PAST IS PAST ALDEN. BASTA DON'T BRING SHAIRA HERE OR ELSE AKO MISMO ANG HINDI PAPAYAG NA MAKASAL KAYONG DALAWA. BYE." Sabi niya tsaka binaba yung tawag.

Woosh! Fine. This is it. Today is the day that I'll propose to the very special girl in my life.

I hope she'll say yes. *cross-fingers*

Napatingin ako sa babaeng kanina pa kain ng kain ng ice cream. She's too cute. Akala mo siya bata na tuwang-tuwa sa reward niyang ice cream e.

I smiled at the view. Napatingin siya sakin at ngumiti. She even mouthed the words 'I love you'

I love you too Maine. You'll be Mrs. Alden Richards soon.

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon