FRRF 31

2.3K 84 28
                                    

"Tulaley ka na naman diyan bru." Napatingin ako kay Matt. A.K.A 'Margaux'. "Alam mo lunod na lunod na siguro si Alden sa lalim ng pag-iisip mo." Umupo siya sa tabi ko at umakbay sakin. "Alam mo Maine, eto ka na naman e. Tumatakbo sa problema." Hindi ako kumibo. Tinakbuhan ko nga ba yung problema? "Nangyare na to dati, iba nga lang ngayon. Ikaw mismo ang nakakita. Ang sakit no? Yung makita mo yung taong mahal mo na nasa tabi ng iba. Literal na tabi ha. Pero sino bang dahilan nito mula umpisa? Si Shaira diba?" Tumango ako. "Magpapatalo ka na naman ba?"

"Ayokong magpatalo Matt.. Pero ang sakit e. Nakita ko silang dalawa na magkatabi at nakahubad!"

"Alam ko masakit Maine. Naiimagine ko pa nga lang masakit na e. Yun pa kayang makita mo talaga ng harap-harapan? Ang gusto ko lang naman sabihin ay paano kung pakana na naman to ni Shaira? Ikaw na nga ang nagsabi na lasing si Alden e. What if Shai took that opportunity to replace you in Alden's life? Pumayag ka na lang basta-basta e. Iniwan mo lang siya bigla."

Napahawak ako sa tiyan ko. Bahagya na tong may umbok. Pero hindi mo pa rin mahahalata na may buhay na kong dinadala sa loob. Para lang akong tumaba.

Nung araw na nakita ko sila ni Shaira sa pad niya, yun din yung araw na nalaman kong nagdadalang-tao ako. Halo-halo yung naramdaman ko dun. Pagkalito, tuwa, at lungkot. Hindi ko pa alam ang dapat kong gawin so I decided to come with Matt dito sa Paris. May inaasikaso kase siyang business dito.

"Hindi naman ako sumuko e.. Nagpahinga lang."

"Pero paano pagbalik mo wala kanng babalikan? Natuklaw na pala ng ahas si Alden?" Paano nga ba? "Magsisisi ka lang. Anong magagawa ng pagsisisi mo? Wala diba? Nganga. Iiyak ka lang ng iiyak in the end, ikaw ang mag-isa." Bumuntong-hininga siya. "Hay nako Maine. Kailan mo ba maiintindihan na ang taong mahal mo ay dapat ipaglaban. Para lang yang cellphone e. Kapag naiwan mo sa kung saan, wala ka ng babalikan. Yung tao pa kaya na sinadya mo lang iwan?" Sabi niya tsaka lumabas na ng kwarto ko.

Handa na ba kong bumalik sa kanya?

***

ALDEN'S POV

"WHAT? I DON'T WANT TO MARRY HER!" I shouted.

"You have too Alden." Mahina pero nakakatakot na sabi ng tatay ni Shaira.

"I said no! Hindi mo ko mapipilit."

"Sisiguraduhin kong babagsak ang kompanya mo."

"Then do it. I don't care." Hindi ako takot maghirap no. Dahil mas mahirap ang wala si Maine sa piling ko.

"Last chance Mr. Richards. You'll marry my daughter or I'll find that Maine of yours and ruin her life." Bakit mukhang alam niya kung nasan si Maine? I need to be careful! Buhay na ni Maine ang nakataya dito.

Papasagot pa lang ako ng tumunog yung cellphone ko.

"Dad." Sabi ko pagsagot.

"Ano tong balitang dumating sakin na nakabuntis ka daw?!" Galit yung tono niya.

"I don't know dad.."

"Stop being a coward and clean your mess!"

"Yes dad. I'm talking to them already. Susustentuhan ko yung bata-"

"No. MARRY HER! Kaibigan ko ang tatay ni Shaira. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila kapag tinakbuhan mo yung anak niya."

"Pero dad, I love Maine."

"Yung babaeng iniwan ka para sumama sa iba?"

"She didn't leave me for other man!" I hissed.

"Yes she did."

"But dad-"

"No buts. Alden. You'll marry her o itatakwil kita?"

***

Ikakasal na si Alden... pero sa ibang bride? Shaiden na ba to?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloWo Geschichten leben. Entdecke jetzt