CHAPTER 26: Maxine's Savior

Start from the beginning
                                    

"Sabagay oo nga.." - Roxanne

Nag-uusap pa rin sila nang biglang magvibrate yung phone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko at nakita kong may nagtext. Isang unregistered number.

From: +639*********

Gus2 mo bng mlaman kung nsan c Maxine??

SINO TO?! Alam niya ba kung nasaan si Maxine? O baka naman nantitrip lang to.. Hindi ko na sinabi kina Kevin na may nagtext sa akin. Kailangang alamin ko kung seryoso ba 'tong nagtext!

To: +639*********

Sino ka?

Naghintay ako na magreply kung sino man yung nagtext pero wala, hindi na nagreply. Sabi na nga ba, baka nantitrip lang yun!

*TOK* *TOK*

Napatingin kaming lahat sa pinto. Dahil ako ang pinakamalapit, ako na ang tumayo at nagbukas nun.

"Ahhh.. Christian, may nagpapabigay lang po nito." Nakita ko pagkabukas ko ng pinto ang isang estudyanteng lalaki na sa tingin ko ay first year palang. May inabot siya sa aking envelope.

"Ano daw to?"

"Hindi ko po alam eh.. Sabi lang po ibigay sa inyo."

"Sige, thank you.." Pagkasabi ko nun, umalis na siya at sinarado ko na uli yung pinto.

"Ano yan?", tanong ni Kevin sa akin habang tinitingnan yung envelope.

"Hindi ko alam.. May nagpapabigay daw."

Tinanggal ko ang seal nung envelope at binuksan yun. Pero laking gulat ko nang makita ko kung ano ang laman.

O_________________________O

M-mga p-pictures ni Maxine kasama s-si.....

Luke....

"A-ano to? P-paano nagkaron ng ganitong picture?"

Lumapit sa akin sina Kevin at nagulat din sila sa nakita nila. May kuha na nakayakap si Maxine kay Luke. Meron ding habang kumakain sila at habang natutulog si Maxine at binabantayan siya ni Luke. P-paano to nangyari? Nasa Italy si Luke pero bakit magkasama sila dito ni Maxine?!

"Teka, naalala ko sabi ni Mommy uuwi na nga daw si Kuya Luke kasi n-namatay na si Tito.", sabi bigla ni Den.

"Ano?" I-ibig sabihin, p-posibleng totoo 'tong picture na to?

"Pero hindi ko naman alam na nakauwi na pala siya. Ang akala ko kasi madedelay eh. Pero kung nakauwi na nga siya, bakit kasama niya si Maxine dyan? Bakit hindi muna siya nagpakita sa atin?" - Den

Tiningnan ko yung likod nung picture. Ang date na nakalagay ay yung date kahapon. I-ibig sabihin nitong nakaraang araw na nawala si Maxine ay kasama na niya si Luke? I-ibig sabihin magkasama sila sa mga oras na 'to?

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Magkakahalong gulat, pagtataka, sama ng loob, at selos.

Nasa emotional mode ako nang biglang nagvibrate na naman ang phone ko. ANUBAYAN! Istorbo sa pag-eemote.

(DN: HAHAHAHA! Tawa muna mga readers! XD Baka masyado na kayong seryoso eh. Joke lang yung sinabi ni Christian na yun ah! Hahaha. Pero totoo yung nagvibrate na naman yung phone niya. XD Okay, back to the story!)

Naramdaman ko naman na nagvibrate bigla yung phone ko. Nagtext na naman yung unregistered number.

From: +639*********

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Where stories live. Discover now