"Good morning!"
Bati ni Dash pagpasok palang namin sa kusina. He stood there with a spongebob apron. So siya ang nagluto lahat nito? Sa isip ko nung makita ang breakfast na naka serve na. May tatlong lunchbox din sa gilid with food already in it.
Kanina paggising ko lang napansin ang bahay niya. Malayo ito sa laki at ganda ng mansion. It was just a simple two storey house with modern design kaya di ka maliligaw kung saka-sakali. Pero mas malawak ang lawn na halatang bago palang ni-landscape. And the interior design is cozy!
"Good morning din po!" Chorus ng dalawa. Pinaliguan ko na ang dalawa bago ko naisipang bumaba. Nagdadalawang isip ako kung bababa ba ako ng maaga para magluto, I mean para naman kasing feel na feel at home na ako kahit kagabi palang kami nandito. At nung narinig ko nga ang ingay na galing sa kusina kanina naisip ko baka nag hire si Dash ng maid, sa yaman niya afford niya yun. But it turns out it was him.
I scan his kitchen. It smells technology! Hindi man eto masyadong kalakihan pero kumpleto ang kagamitan na parang isang chef o baker ang may-ari ng kusina na iyon.
"You like it?" Napatingin ako sa tanong niya. He must've seen me ogling his kitchen.
"It's great." Pag-amin ko pero the way I spoke it wala iyong ka bahid-bahid na senseridad.
He just ignore my sour mood. "Upo na kayo. Itong toasted bread nalang yung kulang, patapos na to."
Tinulungan ko si Lance na maupo at dahil si Vladimir ay nasa side ni Dash siya ang nag-upo dito.
I can't help feeling emotional with the scene. Us, taking breakfast like a complete little family. Oh jeez Cass! Ke aga-aga!
This isn't a normal home I should take note.
Kanina ngang umaga habang pinapaliguan ko ang kambal panay tanong ni Lance kung magtatagal ba kami o kung bakit ba kami andito. I promise to them na mamayang after school na ako magpapaliwanag. This morning is not the right time. May pasok ang kambal and I dont want them distracted by the revelation. Ni hindi ko alam kung ano ang kanilang magiging reaction. Kung magagalit ba sila sa ama nila na hindi nila nakasama habang lumalaki o tatanggapin ba nila ng buo. With all these thoughts running in my mind apektado din ako.
Nasa entrance door na ako ng mapansin ko ang kotse ni Dash. Well, hindi lang ang kotse niya kundi ang mismong may-ari nito na prenteng nakasandal sa gilid ng kotse nito.
Lumuwa mga mata ko ng mapansin kong halos lahat ng makakakita sa kanya e napapalingon! Di ko naman sila masisisi. Sino namang hindi mag s-second glance dito? He radiates power and authority.
"Hey" Confident na bati niya.
But before I approach him luminga-linga muna ako sa likod ko takot na may kakilala akong palabas din ng building at makakita sakin. Scandal ang resulta pag nagkataon!
"Anong ginagawa mo dito?" Halos pabulong na bulyaw ko. Malabong may ka business meeting eto doon, kung meron man nasa loob na sana siya.
He scratch the back of his neck na parang bata na nahuling may maling ginawa. It was a gesture na ginagawa ni Dash when he was still a teenage boy.
"Susunduin na sana namin ang kambal at naisip ko na since on the way ka nam-"
Di ko na siya pinatapos at binuksan ng walang babala ang pinto ng kotse at tinulak siya papasok with such hurry.
"Woah! Easy!" He chuckles.
Nang nakaupo na ako sa loob saka ko siya binalingan ulit. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo aber?" Sita ko ka sa kanya habang naka pamewang.
Nagsalubong ang kilay niya. "Ayaw mo nun? Tipid sa pamasahe"
"Oh tapos? Paano pag andaming makakita sayo?"
"Ano naman. Parang sinusundo ka lang." Naka pout na maktol nito.
I do not want any attention may it good or bad about me. I got traumatized sa nangyaring scandal noon sa University. Hanggang ngayon nga bitbit ko pa rin ang sama at hinanakit ng loob ko dahil sa insidenting iyon. "Di mo naiintindihan Dash! Paano na ngayon pag may nakakita sakin na ka workmate ko? Ha? With Garnett-"
Pero dali-daling nag iba ang mood niya pagkarinig sa pangalan na binanggit ko."Problema mo? It's not as if mawawalan ka ng dangal pag nakita ka nila na may kasamang ibang lalaki maliban kay Garnett!" Singhal nito.
I was taken aback by his sudden reaction. Naalala ko ang dating Dash sa mood niya ngayon na puno ng galit. Pero hindi lang iyon ang nakapagtigil sakin, kundi ang mga salitang binitawan niya. Kung siya galit na, wala yun sa nararamdaman ko ngayon!
Punong-puno ng pagkamuhi ko siyang tiningnan."Di ko gusto ang attention! Yung attention na pinagtitinginan ka ng mga tao with such disgust Dash! Hindi ikaw iyong nakaranas nun noon!" Pinagdiinan ko ang salitang noon for him to understand that I am not acting childish, may pinaghuhugotan lang.
His face softens na nakuha niya ang mensaheng pinupunto ko. Ngunit dali niyang binawi ang tingin niya sakin at tumingin sa driver given him signal para paandarin na ang kotse.
I now focus my attention sa labas. Nakakasira ng araw si Dash kung alam niya lang!
It was a minute ng magsalita siya ulit at nagbabyahe na kami. "Im sorry. I didn't mean it to sound like that." He said still facing outside.
Napabuntong hininga ako. I feel tired all of a sudden. "As long as hindi mo babanggitin ni katiting ng nakaraan sakin o gumawa ng mga bagay na magpapaalala sakin sa mga nangyari noon, we're good." Emotionless kong sabi na hindi din nakatingin sa kanya.
Buntong hininga lang ang narinig ko mula dito.
Sabi nila time heal all wounds daw pero bakit di ganun sakin? Abnormal na siguro ako, kasi nasasaktan pa din ako hanggang ngayon. Perahong pareho ang intensidad ng sakit ng kahapon, ang nararamdaman ko ngayon, na tila ba parang nakakulong padin ako sa nakaraan.
But then again, maybe time really heal all wounds. Literal man na sugat o hindi.
Pero sa kalagayan ko, sa klase ng sugat na natamo ko at sa lalim nito siguro sa itaas lang na bahagi ang naghilom. At kahit natatakpan ito ng piklat, hindi padin tuluyang naghilom ang masilang sugat sa kaibuturan ng pagkatao ko.
YOU ARE READING
SHE IS THE PAYMENT
General FictionSomeone knocks into my room harshly kaya pagbukas ko ng pinto ay mahigpit akong napakapit sa knob nito ng mapagbuksan ko si Dash na amoy alak. "What are you d-doing here Dash?" Nauutal kong sabi sa kanya. Napaatras ako ng humakbang siya papasok. He...
