Chapter 6

770 40 13
                                    

Chapter 6

LUKE'S POV

"H-hi... R-roxy!" Takte ng dila ko ayaw umayos. Shet! Bakit ba dinadaga ako kanina pa?! Tsk.

Whooo! Focus Luke! Tandaan mo ikaw ang pinaka-poging lalake sa buong mundo kaya dapat lang na may confidence ka!

Nginitian ko si Roxy. Yung tipong abot saturn na yung dimples ko.

Leche kasi kinakabahan talaga ako. Bakit kasi ngayon agad yung date namin ni Roxy? Leche yung Cupid in motion na yun. Panain ko siya mamaya eh.

"Bakit nauutal ka Luke? May sakit ka ba? Bakit pulang-pula ka?"

Eh bakit ka tanong nang tanong?!

Dejoke.

"A-ano... Ano kasi... Uhm..."

"Bakit mo pala ako pinapunta rito?"

"Eh kasi..."

"Eh kasi?"

"Eh kasi ano... Uhm... Wala akong matawagan kaya tinawag kita. He he he..."

=____=

Ganyan lang yung itsura ni Roxy! Uwaaah nakakatakot. Parang papatayin na niya ako. Huhuhu.

"Yun lang? Wala ka ng iba pang sasabihin?"

"Uhm ano... Uhm---"

"What?!"

"Uhm... Ano kasi..."

"Ano ka ng ano diyan eh. You're just wasting my time!" Tumayo siya at kinuha niya yung bag niya. "Aalis na ako."

"Roxy! Wait!" Hinabol ko siya. Hala na-beast mode agad siya?

Hinawakan ko ang kanang kamay niya.

"Let me go!"

"Roxy please... Teka lang may sasabihin ako."

"I don't care! Get lost!" Sigaw niya at tuluyan na siya lumabas sa resto na 'to.

Hinabol ko siya pero hindi ko na siya makita.

"ROXY!!!" Sigaw ko pero kahit anong sigaw ang gawin ko hindi na siya babalik pang muli. Nabadtrip ko kasi. Ugh shit!

"ROXY!!!"

"Hoy gago! Mukha kang tanga kakasigaw!"

"Hoy Makisig! Gumising ka na nga dyan! Ikaw na lang tulog dito oh. Nakaalis na sila Prince!"

Napamulat na lang ako.

"Shit!"

"Oh tapos minumura mo kami? Kami na nga nagmagandang loob na gisingin ka."

Leche! Panaginip lang pala yun. Hays.

Buti na lang panaginip lang. Akala ko kasi totoo na eh.

"Kanina ka pa namin ginigising pre. Grabe talo mo pa yung pinaputukan ng fireworks. Napakabingi mo yata pre. Manhid ka ba?" Tanong ni Patrick. Natawa na lang si Alex sa sinabi ni Patrick.

Nandito pala 'tong dalawang 'to. Asan na kaya yung iba?

"Kita niyo na ngang binabangungot ako kanina eh. Leche kayo." Sagot ko.

Napatingin ako sa oras at shit! 9:30 na pala! 30 minutes na lang at male-late na ako! May klase pa pala ako ng alas dyis! Urgh! Leche!

"Eh sino ba kasi yang Roxy na yan?" Tanong ni Alex.

"Mamaya niyo na ako ichika! Male-late na ako!" Napatayo ako mula sa pagkakahiga ko at dali-dali akong tumakbo papuntang CR.

Nang makapasok ako, narinig ko na lang sila Alex at Patrick na sumigaw.

Love VenturesWhere stories live. Discover now