Napatakbo talaga ako sa narinig.

"KUYA K!"

Pero mabilis na itong nakababa ng hagdan.

"Kuya K, wag mong basahin! Bastos ka talagaaaa!" malakas na sigaw ko habang sinusundan ito.

Pero wala na. Nakaabot na siya sa komedor at natulos na lamang ako sa kinatatayuan ko sa tabi ng upuan ni lolo sa dining table. Nasa kabilang dulo naman si Kuya K.

"From Mason," malakas na saad nito mula sa komedor kung saan andun ang buong pamilya namin. "Malapit na ang Christmas break. Emoji na nakangiti. May plans ka?" Ngumisi ito nang nakakaloko bago tumingin kay Kuya J. "Wow. Lumilevel up na talaga si C2 red bro!" nakangising saad nito at akmang makikipagbrofist sa kapatid nang maramdaman na lang nito ang malakas na impact ng lumipad na tumbler na unang nahagilap ng kamay ko.

It was too late to regret what I did.

Nakita ko kung paano napanganga ang lahat.

Klarong-klaro pa sa gunita ko ang unti-unting pagtulo ng dugo mula sa kaliwang gilid ng ulo ni Kuya K kung saan ko siya tinamaan at kung paanong pagkatapos nitong damhin iyon ng palad ay nawalan na lang ito ng malay.

***
"That was way way out of line, Louie Antoinette! Paano na lang kung ano'ng nangyari sa pinsan mo? Mabuti na lamang at bukod sa walang laman na mainit na tubig ang tumbler ng lola mo ay hindi pa napuruhan ang ulo niya. Uulitin mo pa ba iyon? Sumagot ka!"

"H-Hindi..." ko po alam.

"Bakit hindi mo makontrol iyang pagkapikon mo at kailangang umabot pa sa pananakit ng tao? Ha? Bakit Louie? Why do you--"

"M-Mama... l-lampas kalahating... o-oras nako... d-dito," tumutulo ang luhang saad ko.

Hindi ako pinansin nito at sandaling umalis papuntang komedor. Tinawag kasi ito ni Mommy Van.

Pinaluhod ako sa asin sa living room at simula pa kaninang nasa ikalabinglimang minuto pa lamang, hindi na pumapasok ang mga pangaral niya dahil iniinda ko na ang sakit at hapdi ng pagkakaluhod sa asin. Maging sina lolo at lola na makailang beses nang pinagsabihan si Mama na patayuin na ako ay hindi pa din siya natinag. Kelangan na daw akong disiplinahin nang maayos dahil namimihasa na daw ako.

Saan?! Hindi naman ako nang-aano kung hindi ako inuunahan ah! Ako pa 'tong namimihasa eh sila 'tong nauuna lagi.

I know I was way out of line when I did that pero bakit sobra sobrang wala naman siyang awa? Parang hindi naman niya ako anak kung parusahan niya. Kasalanan naman dapat talaga ni Kuya kung bakit ko ginawa 'yon eh! Tsaka lumampas na kami sa 30 minutes! Sabi niya 30 minutes lang, magfo-forty five minutes na kaya akong nakaluhod. Huhuhu.

"Louise, that's enough. Patayuin mo na nga yang anak mo. Gusto mo bang makitang dumudugo din ang tuhod niya? Iyan ba ang tamang disiplina sa'yo?" narinig kong saad ni Mommy Van dito mula sa komedor.

Sandaling hindi nakaimik si Mama.

"Ikaw na ang magsabi ate," sagot nito maya-maya at nilampasan lang ako nang makadaan sakin at nagtungo sa sariling silid.

Mas lalo akong napahagulgol sa ginawa niya. Ewan ko, ang sakit eh. Mas masakit pa sa pagluhod ko dun sa asin. Kainis. Para na tuloy akong ngongo kakangawa habang pinapahiran ko ang luha at singhot nang singhot ng sipon. Wala pa naman akong panyo, kaya sobrang basang-basa na ang t-shirt ko sa luha at pawis.

Malay ko bang mangyayari 'to. Syempre hindi ko napaghandaan di ba?

Kainis talaga.

Ngayon na lang ulit ako umiyak na parang binawi pa lahat ng masasayang araw nitong mga nakaraang linggo. Hindi na talaga ako halos makahinga kaya habol ko na ang hangin sabayan pa ng paghagulgol.

Lakas niya lang maka-ignore eh no? Ang sakiiit, huhuhu.

"M-Mommy, I'm... s-sorry," sabi ko kay Mommy Van nang lapitan ako nito at ayaing tumayo. "H-Hindi ko p-po talaga s-sinasadya. H-Hindi ko l-lang po... n-napigilan ang s-sarili ko k-kanina..."

"Sssh. Hindi ako nagalit. Wala namang nangyari sa kuya mo. Malayo sa bituka, ni hindi nga na-confine sa hospital. Kaya wag mo nang alalahanin iyon, okay?"

Tumango ako habang maya't mayang pinapahid ang mga luha gamit ang sariling t-shirt.

"Alam kong kasalanan din naman ng Kuya K mo. Sige na. Magpahinga ka na muna. Naku, iyang mama mo talaga kahit kelan ang tigas," sabi nito nang makita ang namumula kong tuhod. "Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga."

"S-Salamat po," saad ko at paika-ikang naglakad hanggang makarating sa kwarto.

***
Sunday

Hindi pa din ako masyadong pinapansin ni Mama. Okay naman na kami ni Kuya K pero siya, hays... kibuin-dili pa din ako.

Sobraaaang cold niya. As in. Nakakaiyak. Hindi tuloy ako makapag-aral nang maayos. Kaya naman tutulo na lang ang luha ko bigla tuwing mapapatigil ako sa pagbasa at maaalala ko ang nangyari.

Sa huli, hindi na ako nakatiis at pinuntahan ito sa kwarto niya.

"Bukas yan," narinig kong saad nito pagkatapos kong kumatok ng ilang beses.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid niya. "M-Ma..."

Bahagya lang akong nilingon nito mula sa pagkakaupo sa gitna ng kama habang pinagpatuloy ang pagbuklat sa photo album.

"Mama... sorry na oh."

Umakyat ako sa kama, and sat beside her. I hugged her from behind.

"I'm sorry," muling bulong ko dito.

"Huwag mo nang uulitin iyon ha."

Pinahid ko ang butil ng luhang hindi na naman nahiyang tumulo sa mga mata ko at sunod-sunod na tumango.

I knew we were already okay.

Para akong nabunutan ng tinik. Hays.

Thank you sobra, Lord.

And only then that I clearly saw what she was doing. It was an old photo album of my baby pictures. Hindi ko nakita iyon kailanman. But I was so touched and it felt something... really comforting na tanging ako lang ang laman niyon. Parang sa simpleng gesture na yun ni Mama, ramdam ko lang kung gaano niya ako kamahal.

Sinundan ko ng tingin ang mga pictures habang binubuklat nito iyon. It's like every month, I have a picture. Literally every month kasi may caption iyon.

Hanggang ngayon.

Hindi talaga ako makapaniwala kasi sobrang luma na yung album although parang personalized nga iyon kasi ang kapal eh. Pano ko naman nalaman na literal na every month may picture ako? Kasi ang recent picture na nandoon nang i-flip ni Mama ang huling page na may picture ko ay ang current na kuha nung kumain kami sa labas at may caption ng sulat kamay niya: My baby on her 17th years and 6th months.

"Mama..."

"Hmm?"

"Bakit ganyan kayo ka-OC? Ang creepy niyo po."

Napuno na lamang ng halakhak namin ang silid niya sa sinabi ko.

***
A/N:
O alam ko sasabihin niyo ulit, bitin. Sorry na! Hahahaha. Kapag nasa mood ako bukas at ginanahan ako sa mga nababasa kong comments, mag-a-update ako. Lololol. De, mahirap maging organizer, tutor at errand girl guys. Sana intindihin niyo din ang sitwasyon ko. Hahaha. Awas pa diyan ang buhay estudyante na pansamantalang tinalikuran ko sa sobrang pagod ko nang mag-aral, megash. -_-'

Katamad nang magpost ng teaser sa FB, pwede kayo na muna? Haha. Tulog nako. Alas singko ng umaga na dito may trabaho pako ng alas nueve, huhu. Goodmornight!

Miss Astig 2Where stories live. Discover now