Cuarenta y dos

Magsimula sa umpisa
                                    

Baka isipin kasi nitong mukha akong grades, kahit pwede na rin. Kasi sa totoo lang nakakatempt naman talaga, sa hirap ba naman ng mga exams niya. Hahaha.

Nakangiting tumango si prof, amused. "I know, hija. Ang totoo niyan, ayoko din namang silawin ka sa grades. I just want you to say yes."

Bakit ba lagi akong napapasok sa mga ganitong sitwasyon, huhu.

"Sir, baka po nagkakamali kasi kayo ng kinausap," kagat-labing pagdadahilan ko. Sakaling magbago pa ang isip niya. "Baka po ma-disappoint lang kayo sa huli na ako ang napili niyo. I'm not really cut for this kind of--"

"The moment I set my eyes on you sa unang araw ng klase... Hindi ko pa alam na oblation scholar ka, even not knowing that you are very athletic and most of all a brilliant student in class, I knew that you would be perfect for Miss Engineering," he said those words beaming and sounding so proud.

Hindi ko ikakaila na sobrang nakakataba na talaga ng puso 'tong si sir at sobrang galing niyang mambola. Nakakadala na talaga, promise!

Pero kasi... huhuhu. Ayoko talaga magpadalos-dalos. Baka mapasubo na naman ako.

Muli akong huminga ng malalim. "Sir... Ano po. Sana po bigyan niyo pa ako ng enough time na pagdesisyunan 'to. Hindi po talaga ako sanay sumali sa mga ganyan eh. Kung okay lang sana."

Kinabahan pa ako sa klase ng ngiti nito.

"Okay na ba ang buong Disyembre para makapagdesisyon ka? O hanggang January?"

Alanganing ngumiti ako. "January?"

"Very well."

***
Rodriguez Residence

I hate it.
I hate that I kind of miss you
I hate that I'm always checking my phone and see if there's a message from you
I hate that you randomly invade my thoughts
I hate that sheepish smile, that knowing eyes, that voice
I hate that I have to write these feelings that I can't tell you up front
I hate that it feels like I'm waiting for something that you have to say
And most of all, I hate that I don't really hate all these cause--

"Kuyaaaaaa! Ibalik mo sakin yan! Mama o!"

Nagulat ako nang pagkatapos ako sunduin nito sa kwarto para magbreakfast ay bigla niya na lang hinablot ang notebook na pinagsusulatan ko.

"Ano ba 'to? Diary?" tanong nito na habang naglalakad palabas ng kwarto ay balak pa yata nitong buklatin iyon.

Malakas akong napasigaw habang pilit na kinukuha iyon mula dito. "Mamaaaaaa! Si Kuya K! Nangunguha na naman nang hindi nagpapaalam. Mommy Vaaaaan!"

"K ano ba yan? Ang aga-aga iniinis mo na naman ang pinsan mo. Ibalik mo nga yang gamit niya," saad ni Mommy Van sa punong hagdan.

"Ang oa nito!" sabi ni Kuya K at akmang bubukadkadin na iyon.

"Shit, wag Kuya! Amina nga!" saad ko at pilit na inaabot dito pero mabilis na iniwas niya iyon. "Mommy Van! Ayaw ibalik ni Kuya, huhu."

"K ano ba?!"

"Masamang pinaghihintay ang pagkain," saad naman ni lolo.

"Eto na nga eh," sabi ni Kuya bago inabot sakin pero ang cellphone ko naman ang hinablot nito mula sa kamay ko.

Hinayaan ko lang siya. Mabilis kong hinagis ang notebook sa kama at hinanap sa study table ang susi sa kwarto upang ikandado iyon nang marinig ko ang boses ni Kuya K sa labas ng pinto.

"Natututo ka nang laging hawak ang cellphone mo ha. Bakit kaya-- uy timing! May text galing kay... MASON," malakas na saad nitong hatalang pinaririnig sakin.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon