Chapter 11: Beast Mode

3.8K 92 1
                                    

Alyssa's P.O.V.

"Hmmmmm... Umaga na pala." at minulat ko na ang mata ko. Pero ansakit parin ng ulo ko. Maybe hangover

???: Mabuti naman at nagising kana Valdez! Now explain!!!. Walang iba kundi si Den lang naman ang sumalubong sakin na nakapamewang at nakataas pa ang kanang kilay. Umagang umaga ito ang sasalubong sakin. Eh wala naman ata pinagkaiba si Den at tsaka si Mama.

"......"

Den: Valdez explain!!!

"......." wala talaga ako sa mood tsaka naiinis nako kay Den kasi naman Beast Mode na kagad umagang umaga.

Den: Valdez kinakausap kita!!! (Hinawakan ng mahigpit ang braso ko at ang diin ng pagkakahawak nito)

"I dont have to explain it to you Den"

Den: Im your bestfriend. I should be the one comforting you. I think something's bothering you but you won't tell me. I'm just concerned Ly.

Ang kaninang tila galit na boses ni Den ay napalitan ng pag-aalala.

"Alright. I'm sorry. Sumobra ako ng inom sa bar and that's it. Nothings bothering me.... I'm totally fine Den"

Den: talaga??

"Oo naman!"

Tok! Tok! Tok! May kumakatok sa pintuan. Binuksan ko naman ito at si Ella lang pala.

Ella: Besh nasa baba si Jovee. Mag ayos ka ng itsura mo mukha kang gurang HAHAHA!! at bumaba ka pagkatapos baka maturn-off ang boyfriend mo sayo pag nakita kang ganyan ang itsura.

"Ano kaba besh. Ang ganda ko kaya! ✌ cge layas kana at magaayos na ako"

bago pa siya makalakad paalis ay dinilaan niya ako ... Agad ko naman itong binato ng sapatos at saktong sakto pa sa mukha niya!!! HAHAHA! Agad ko naman sinarado ang pintuan at nilock ito. Narinig ko naman na nasa tapat ng pintuan si Ella at....

Walang hiya ka Besh!!

Gaganti ako Besh!!!

Besh mas malala pa diyan ang revenge ko!!!

Napatawa nalang ako sa mga pinagsasabi ni Ella. Pagkalingon ko naman sa likod ko nagpipigil ng tawa si Den. Sinenyasan ko naman siya na maliligo muna ako sa cr at tumango naman ito.

Kumuha ako ng damit ko at tsaka naligo na.... Baka kasi umalis kami ni Jovee. Alam niyo na Couple stuff. Hindi din naman mahirap mahalin itong si Jovee kaso minsan talaga hindi ko makontrol ang pagiging "playgirl" ko. 45 mins bago ako natapos maligo at makapag bihis.

"Den una muna ako ha? Baka kasi umalis kami ni Jovee eh"

Den: a-ahhh ehh... Cge Ly.

Pagtapos nun umalis nako. At tama nga ang hinala ko na aalis kami ni Jovee HAHAHA! Lakas ng kutob ko eh

Dennise's P.O.V.

Magkasama na naman si Ly tsaka si Jovee. Napaka desperado naman ng isang yun.... Nagtagal pa talaga sila noh? Eh kami ni Myco? Nagkakamalabuan na. Hindi lang ako kundi pati siya.... Nararamdaman ko ito sa aura niya dahil mas sweet siya sakin dati pero ngayon hindi na masyado. Madalas cold ako sa kaniya. Pero alam ko naman na minahal ko si Myco eh... Ngayon? Di ko talaga sure.

"Besh! Mall tayo?" -ella

"Ayyy butiki!!! Besh naman eh! Bigla bigla kana lang susulpot!!!" pano kasi bigla nalang nang-gulat si besh.

Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon