Chapter 1: The Meeting

16K 163 0
                                    

Alyssaaaaaa!!! Gising na!! Malelate ka na naman sa school!!! Hiyaw sakin ni mama, anubayan! Umagang umaga parang tigre na naman si mama! Minsan na nga lang umuwi sa bahay ganyan pa! Dahan-dahan kong inimulat ang mata ko at tumingin sa orasan ... Arrgghh kainis! 6:30 na 7:00 ang pasok ko sa school. Humarurot ako papuntang cr para maligo, makalipas ang ilang minuto ay nakatapos nako magligo at nakabihis na. Sanay na ako na ganito laging late gumising -_- lagi kasi akong late umuwi mga 12:00 or 1:00 ng hating gabi kasi nagbabar kami nila Kim... Dali- dali akong bumaba sa kusina at sinalubong na naman ako ng galit kong mama....

Naku kang bata ka!! Tingnan mo ang oras oh! 6:50 na!!! May laro pa naman kayo nila Kim... Sermon sakin ni mama. Tinext ko na ang coach mo na medyo malelate ka kaya dito kana kumain kasama ko. Dugtong pa niya. Umupo naman ako sa lamesa at inihain na ni Manang Elsa ang pagkain namin ni mama. Mahirap na kung di ako sumunod kay mama... Ayaw kong nagbubunganga na naman siya sakin lalo na't umagang umaga -_-

Manong Ernie ihanda niyo na ang kotse at mamaya ihatid niyo tong si Alyssa sa school. Wika ni mama kay Manong Ernie.

Opo ma'am. Sagot ni Manong Ernie at pumunta na ng grahe para ayusin ang kotse.

Alyssa, anak... Malambing na tawag sakin ni mama. Siguro may sasabihin to sakin

Ano po iyon ma? Mahinahon na sagot ko sa kanya.

Bakit gabi ka na naman umuwi ha? 1:00 ng hating gabi ka na naman umuwi, anak may problema kaba? Simula nung nag 3rd year highscool kana ganyan lagi ang uwi mo. Concern na tanong sakin ni mama. Gabi-gabi kasi nag hahangout kami nila Kim. Simula kasi nung bata ako busy na ang mga magulang ko sa pag hahandle ng kompanya namin... Ang Valdez Corporation, ang papa at mama ko ang nag hahandle nito, At ang mga nakakatanda kong mga kapatid naman ang naghahandle ng ibang business namin. Bigatin no? Si Kim na lagi kong kasama sa lahat.. At sa mga kalokohan din hahaha!

May party kasi po ang classmate namin ni Kim, hahihiya po kasi akong tumanggi eh. Tsaka kasama ko naman po dun sila Kim at Ara. Tsaka ma, malaki nako kaya ko nang ihandle ang sarili ko. Sagot ko kay mama. Malaki ang tiwala nito kela Kim dahil nga kababata ko ito. At alam ni mama na gusto ko maging independent na tao kaya wala siyang magagawa para kontrahin ako.

Dapat nagpaalam ka manlang anak, alam mo naman na nag aalala ako sa iyo. Concern na sabi ni mama. Tumayo ako at pumunta sa kinauupuan niya... Niyakap ko siya

Ma, alam niyo naman po na walang mangyayaring masama sakin kaya hwag kayo mag-alala. Paglalambing ko kay mama.

Valdez ka parin anak ko! Alam mo naman na marami ang nagtatangka sa buhay natin dahil sa Valdez tayo. Babala sakin ni mama. Marami na kasing nagbabanta sa buhay namin ng pamilya ko.

Ayy! Nakalimutan ko nga pala magpakilala. Ako nga po pala si Alyssa Caymo Valdez. Mayaman, mabait daw? Hahaha! Matangkad, Morena, V.ball player ako sa UST kasama ko sila Kim at isa akong Playgirl pero eto ang malupet. Vigin pako hahaha! Kahit playgirl ako syempre gusto ko ang the one na yung una noh? Tsaka may kasunduan kami nila Kim at Ara na ang "the one" talaga namin ang kauna- unahan.

Opo ma, hindi naman po naalis sa isip ko na Valdez ako eh. Tsaka nag iingat naman po ako. No need to worry ma... Tugon ko sa kanya. I need to go na ma, Bye ma i love you! Sabay halik sa cheeks niya. Maaalahanin talaga si mama sakin, kasi ako lang nag iisang girl sa magkakapatid... Alam naman ni mama ang tungkol sa sexuality ko... Isa akong bisexual. Alam naman ata ng lahat eh -_-
Kinuha ko na ang sports bag ko at naglakad patungo sa grahe. May friendly game kasi kami laban sa CSA mamaya.

Manong Ernie, tara na po. Baka malate na po ako ng tuluyan... Pagalitan pako ni coach haha! Pabirong sambit ko kay Manong Ernie. Hindi naman mabigat ang trato ko sa mga trabahador namin kasi noon pa man sila na din ang nag aalaga sakin lalo na't pag wala ang pamilya ko.

Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon