"Miss.. hindi ako si Andrew. William ang pangalan ko."

Ano? anong William ang pinagsasasabi nya?! sya si Andrew at wala ng iba bakit ba itinatanggi nya?!

Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla akong ma out of balance dahil biglang nag loko ang elevator kasabay nun ay namatay ang ilaw. Nakaramdam ako ng takot, ayoko sa madilim. Pakiramdam ko kasi kapag sobrang dilim ay mga multo, engkanto, dwende ang nasa paligid ko. Matatakutin talaga ako eh.

"Andreeew!!!! nasan ka anong nangyayari?!"

nangangapa lang ako dahil wala akong makita. Sobrang dilim talaga. Hala naman baka may multo dito. Ang kwento pa naman sakin ni Jansen dati na may nagpapakita daw na white lady dito sa elevator.

"Andrew!!! nasan ka?!"

"Nandito ako."

naramdaman ko na hinawakan ni Andrew ang kamay ko. Kahit papaano ay nawala ang takot na nararamdaman ko. Kasi alam ko ngayon na nasa tabi ko na si Andrew.Grabe, pagkatapos nito ay magiging normal na ang lahat. Babalik ang masayang samahan namin ni Andrew at sigurado ako na magiging masaya sya kapag nakita na nya ang anak namin.

ANDREW/WILLIAM'S POV

Hawak ko ang kamay ng isang babae na hindi ko kilala. Hindi ko nga ba sya kilala? pero bakit may naramdaman akong kakaiba ng yakapin nya ako. At.. Bakit nya ako tinatawag na Andrew?

"Bakit mo ako tinawag na Andrew?"

Tanong ko sa kanya. Mahigpit pa rin ang kapit nya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng awa sa kanya kasi alam ko takot na takot sya.

"Ano bang sinasabi mo Andrew.. Bakit ba ganyan ka? Ano ka ba naman asawa mo ako."

"A-asawa?"

Naguguluhan na talaga ako. Ang alam ko si Sophia ang asawa ko pero bakit sinasabi ng babae na kasama ko ngayon ay sya daw ang asawa ko.

"Andrew.."

Bigla akong niyakap nung babae na kasama ko. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako nag pumiglas nung yakapin nya ako. Parang... matagal ko na syang kakilala.

"Andrew, ano bang nangyari sayo?"

Kinuha nya yung cellphone nya at pinailaw tapos ay tinutok nya ito sa akin.

"Nasisilaw ako"

sabi ko. Pero ngumiti lang sya. Nagulat ako sa sumunod nyang ginawa dahil bigla nya akong hinalikan sa labi at niyakap tapos umiyak sya.

"I miss you so much Andrew. San ka ba kasi nag punta?"

Wala akong nagawa kundi ang yakapin lang din sya. Sobrang naaawa ako ngayon sa kanya dahil ako ang pinagkakamalan nyang asawa nya. Yung halik nya.. Kakaiba, pamilyar yung halik nya. Parang may parte ng pagkatao ko na nag sasabing ako nga si Andrew at sya ang asawa ko.

"I love you Andrew"

Mas humigpit pa yung yakap nya sa akin. Anong isasagot ko sa kanya? I love you too ba? Pero mali yun eh kasi may asawa na ako at yun ay si Sophia. Pero bakit parang may bumubulong sakin na mag I love you too ako sa kanya?

"I..."

"Kim!"

hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng bumukas ang pinto ng elevator. May isang lalaki na sumulpot bigla.

"Jansen bumalik na sya"

sabi ng babae na Kim pala ang pangalan. Tumingin sya sa akin tapos hinawakan nya ang kamay ko.

"A-andrew?!"

Sabi naman ngayon ng lalaki na Jansen ang pangalan.Halata sa kanya na nagulat sya ng makita ako.Nag umpisa nanaman na sumakit ang ulo ko. Parang narinig ko na yung pangalan na Jansen pero hindi ko maalala kung saan ko narinig, Ni hindi ko nga alam baka may kakilala nga akong Jansen, O talagang magkakilala kamia? Teka nga!!! Akala ko ba sya si Andrew?! tsaka bakit lahat sila Andrew ang tawag sa akin? Naguguluhan na talaga ako.

Sino ba talaga ako? Ako ba si Andrew o si William?

"Walang magpapasok sa office maliwanag?"

"Opo Sir"

Lumbas na ang yung babae na kausap ni Jansen. Nandito na kami ngayon sa loob ng office. Naguguluhan na talaga ako.. Bakit kailangang humantong sa ganitong sitwasyon ang lahat? Kinakabahan tuloy ako, baka mamaya ay ito pa ang maging dahilan para mapatalsik ako dito sa trabaho ko. Kailangang kailangan ko pa naman ng trabaho ngayon.

"Andrew.. Saan ka ba nag punta? Tsaka bakit nag tatrabaho ka dito sa kompanya ng daddy ko.. Bilang Janitor?"

Tanong sa akin ni Jansen. Hindi ako makahinga sa sitwasyon namin. Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko, sinasabi ni Sophia na ako si William ang asawa nya, tapos sinasabi naman ni Kim At Jansen na ako si Andrew ang asawa ni Kim. Di kaya dalawa ang asawa ko?

"Ma'am, Sir.. Baka po nag kakamali kayo.. Hindi po ako si Andrew. William po ang pangalan ko"

Nang sabihin ko yun. Ay nagkatinginan lang sina Jansen at Kim. Ang laki ng problema ng dalawang 'to, sa dinami dami ng pagkakamalan nilang Andrew ay Ako pa. Isang hamak na Janitor lang naman ako.. Malay ko ba, baka mamaya Model pala yung Andrew. Ah basta!! Wala akong ideya kung sino si Andrew. Basta ang alam ko lang na kamukha ko yung Andrew na hinahanap nila. Malamang, pinagkamalan nga nila ako eh. Sigurado na kamukha ko yung Andrew na hinahanap nila.

"Andrew.. Ano bang nangyayari sayo? Ako 'to si Kim ang asawa mo. Tumigil ka na kasi sa kakaarte mo hindi ka na nakakatuwa!"

"Pero Ma'am hindi po ako umaarte. Hindi ko po kayo kilala! William ang pangalan ko, May asawa't anak na rin ako. "

Tumayo si Kim tapos ay lumuhod sya sa harap ko habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala na gagawin nya ang bagay na ito. Hindi kaya may sapak lang sa utak ang mga taong 'to? Pero anong gagawin ko? Wala talaga akong maalala. Hindi ko sila kilala! Tanging kilala ko lang ay si Sophia, Intoy at tiya Belen. Ewan ko ba.. Lalo lang gumugulo ang buhay ko eh.

"Teka ma'am wag po kayong umiyak."

Inalalayan ko syang tumayo. Niyakap ko sya, hindi ko rin alam bakit ko sya niyakap pero bigla kasi akong nalungkot ng makita ko sya na umiiyak. Nasasaktan ako nung nakita ko syang umiyak. Iba ang pakiramdam ko.. Parang matagal na kaming magkakilala. At nararamdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing niyayakap ako ni Kim na sigurado akong hindi ko nararamdaman kapag si Sophia ang kasama ko.

"Andrew, pwede bang papuntahahin mo dito bukas ang asawa mo? Kung pwede sana wag mong sabihin sa kanya ang nangyari ngayon. Kailangan ko lang syang makausap. Okay lang ba sayo yun?"

Tanong sa akin ni Jansen. Na ngayon ay walang tigil sa kakalakad, mukhang malalim ang iniisip nya. Pero wala naman akong magagawa kundi sundin ang boss ko.

"Opo Sir walang problema"

Kahit na pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari ay pumayag na lang ako sa kagustuhan ni Jansen, siguro ito na rin ang daan para maliwanagan na kaming lahat. Gusto ko ring malaman ang totoo. Sana nagkakamali lang sila. Ayokong madamay dito sina Sophia at Intoy. Ayokong umalis sa tabi ni Sophia lalo na ngayon na kailangan nya ng makakaramay.

A/N:

Mukhang may harapan na magaganap! Abangan...

Hanggang dyan lang muna. Thank you sa lahat ng nag babasa ng story ko. Salamat sa nag vovote,nag cocomment,nag fofollow at nag lalagay ng story ko RL nila.

My Husband Lost His MemoryWhere stories live. Discover now