SEATMATE <3 [12]

45.1K 860 85
                                    

SEATMATE <3 

  ~ tiffanism

( basa lang :DD pasensya na kung late upload.  )

SEATMATE <3  [12] 

Chelsea's POV:

1 week na ang nakalipas simula nung nagkasakit ako. At sa 1 week na yun, andameng nangyari. Pero ang pinakanagpagulantang sa lahat ay: MAG-ON NA SILA JAKE AT NATHALIE.

Yeah, buong school nagulantang nung nalaman nilang sila na. Alam ko iniisip nyo, andali namang sinagot ni Nathalie si Jake.. pero bakit naman nya patatagalin pa ang pag-sabi ng kanyang matamis na oo kay Jake kung may gusto naman sya kay Jake, diba?

Hayy. Ako? Well, nagmo-move on? Unti-unti kong tinatanggap na wala talagang pag-asa ang lovestory namin ni Jake. Hanggang bestfriend-seatmate lang kami. Masaya rin ako kahit papaano kasi nakikita ko kung gaano kasaya si Jake simula nung naging sila ni Nathalie. 

Aaminin ko, lagi akong nagseselos pero kine-keep ko lang sa sarili ko, hindi ko na sinasabi kila best, ang alam nila.. okay na sa akin ang lahat. Ayoko na kasing mag-alala pa sila sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi magseselos kung ang boyfirend mo - PERFECT BOYFRIEND. Hindi lang naman ako ang nagseselos kay Nathalie ee, lahat ng babae sa school nagseselos. Si Jake kasi ang pinakasweet, pinakacaring, pinakahot, pinakagwapo.. lahat na lang ng pinaka na positive nasa kanya. Well, ang pangit lang siguro sa kanya ee: PASAWAY sya. At hanggang ngaun lagi pa rin akong kinukulit. 

Ang galing 'no? Pero sanay na ako sa kanya. Nakikisabay na lang ako pati na rin sa barkada nya sa classroom: sina Edz at Justin.

Well, ayos lang naman sila sa akin. Pero kay best, hindi sila magkasundo ni Edz at magseatmate pa sila huh. Ewan ko ba kung bakit hindi magkasundo yung dalawa na yun. >___<

Anyways, PHYSICS nga pala nga namin ngayon, ang kaso.. wala si Maam kaya ang room.. warshock. Pero ako, tahimik lang ako sa upuan ko, at ginagawa yung project sa English. Sa Friday pa yun ipa-pass pero gusto ko ng tapusin kasi this whole week may practice ang Dance Troupe. Andame kasing nakaline-up na acticities ngayong month.

Nung kukunin ko na yung gunting ko, nagtaka ako bakit hindi ko mahiwalay yung hawakan. Langya, may nag-scotch tape ba naman!! At syempre sino ba naman ang gagawa nito kundi ang pinakamamahal ko na SEATMATE.

"SEATMATEEE!!" yeah talagang sumigaw ako, natahimik gud ang buong classroom. Nasa likod kasi sya at makikita mo batay sa hitsura ng mukha niya na katatapos lang nyang tumawa at si Edz naman, pinipigilan ang sariling tumawa.

Ito kasi ang pinakaayaw sa lahat, yung pinakikialaman ako o ang gamit ko lalo na pag busy ako.

"Bakit mo ginawa ito sa gunting ko???" 

"Eh ahm, kasi trip ko??"

Seatmate &lt;3Where stories live. Discover now