SEATMATE <3 [10]

42K 740 26
                                    

SEATMATE <3 

  ~ tiffanism

( sorry for the short update. tc <3)

SEATMATE <3  [10] 

Chelsea's POV:

"Ano ba ang problema mo seatmate!! AYAW mo bang maging masaya ako ha?? Bestfriend ba talaga kita?? Maging masaya ka naman para samin ni Nathalie o. Please, yun lang naman ang hinihiling ko. Ano bang akala mo, na pwedeng maging tayo?? BESTFRIEND lang talaga ang turing ko sayo Chels. Sorry.."

"JAKE!!!" panaginip. Panaginip pero parang totoo. Naramdaman ko na umiiyak na naman ako. Ayoko na, pagod na akong umiyak. Hanggang kailan ako magiging ganito?? Siguro kailangan ko na talagang tanggapin ang lahat. Mrami namang iba jan. Kahit masakit. 

Jake, kung yun man ang gusto mong mangyari. Sige, susubukan kong maging masaya para sayo. Kahit masakit.

Tinignan ko ang orasan. 2 am. Humiga ako ulit sa kama. Pipilitin kong matulog. Ayoko yung nararamdaman ko ngayon. MASAKIT. Buti nalang at nakatulog din ako.

--

3PM. Nasa labas ako ng bahay. Nakaupo sa bermuda at may hawak na notebook at ballpen.

KAILANGAN KONG GAWIN:

1. Tanggapin kung ano lang ba talaga ako kay Jake.

2. Maging masaya para sa kanila.'

3. Hindi na muling magmamahal pa.

Nye? Napangiwi ako sa 3rd na sinulat ko. Nilagyan ko ng x. Ayoko namang maging dalaga habambuhay no.

3. Hintayin si right boy.

Ayan, mas maganda ata kung ganyan. 

Baby im so lonely lonely lonely lonely lonely ~~~

Jeez. Grabe naman kung magpatunog itong si Ate Rose. Actually, adik sa 2ne1 yang si Ate. Natatandaan ko pa nga na ginaya nya yung hairstyle ni Dara. Grabe gud ang tawa namin ni Kuya. 

Whoa. Umuulan?? Peste na. Bakit ba ganito?? Mukhang gumagawa ako ng music video ko ngayon ah.

-______________-

"Ano bang akala mo, na pwedeng maging tayo?? BESTFRIEND lang talaga ang turing ko sayo Chels. Sorry.."

Shit. Bakit?? Bakit kailangang maalala ko pa yun? Dba ang mga panaginip madali lang maklimutan?? Shit talaga.

Ayan, umiiyak na naman ako. Wala akong pakialam kung basang-basa na ako.Pati nga yung notebook ko, basa na rin. 5minutes siguro bago ako pumasok sa bahay. Buti nalang at walng tao sa sala at kusina, diretso agad ako sa cr ng kwarto ko. Nagshower ako agad. Hindi ko na tinaggal yung damit ko. Nakatayo lang ako, feeling the hot water coming from the shower. Umiiyak pa rin. 

At nangako ako sa sarili ko: Hinding-hindi na ako iiyak ng dahil kay Jake.

Seatmate &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon